16

24 4 0
                                    



Hingal na hingal ako habang nagpupunas ng pawis gamit ang isang puting bimpo.


"Chiara, pakilagay nalang 'yang mga regalo dyaan sa gilid." Utos sa akin ni daddy. Kaagad ko naman na inilagay ang mga dala ko. Napatingin naman ako sa paligid ko. May mga bata sa labas at naglalaro sa playground. Nandito kami sa isang orphanage. Kasama ko si daddy at mommy pati na din si kiro. Na ngayon ay nagbubuhat nang mga gamit palabas sa sasakyan.


Pinagmasdan ko lang siya habang siya naman ay inaayos ang mga box na inaabot sa kanya ni daddy. He looks tired.


"Stop staring at your boyfriend at mag madali kana dyaan para makapag bigay na tayo ng gift." Bahagya pa akong kinurot ni mommy. "Okay, eto na." Inayos ko naman ang mga bagong mga laruan at mga school supplies na pwede magamit ng mga bata. May mga crayons, coloring books, at mga notebook, at pencil kami na isinama sa mga bags.

Lumabas naman si mommy para mag-abot ng tubig kay daddy.

Habang ako naman ay nagaayos ako sa table. Bigla akong nakaramdam na may kumalabit sa akin mula sa likuran ko, kaya naman napatingin ako doon. Napairap nalang ako kay kiro ng makita ko siyang naglalakad. Dumaan pala siya sa likod ko.


He chuckled while putting all the boxes on the floor. "Oh! Tubig." Sabi ko habang inaabot sa kanya ang isang bottled water. Kinuha naman niya 'yon at masayang ngumiti. "Thank you." Nagpalinga-linga pa siya sa paligid. Nagtataka naman ako tumingin sa kanya habang ginagawa niya iyon.


"Ano ginagawa mo?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at biglang nagnakaw ng halik sa pisngi ko. "Huy! Makita ka ni daddy." Nahampas ko pa siya sa balikat saka bahagyang lumayo sa kanya. I felt my cheek flush. "You're blushing," he said, teasing me. I raised my eyebrow while looking at him. "Che! Magbuhat ka nalang dyan." Pagtataray ko pa sa kanya. Tumawa lang siya at tumango. "Okay boss." Nag thumbs up pa siya bago ulit lumabas at puntahan si daddy.


Noong makapag ayos na kami ay nag umpisa na din kami sa mga program nila daddy. Nagpalaro sila. Ang una nga nilang palaro ay bring me. Habang busy naman sila daddy sa palaro nila ay nag-ready naman kami ni kiro para sa story telling. Siya ang pagbabasahin ko.


Noong matapos sila daddy sa palaro nila, ang mga bata naman ay nag umpisa nang magtipon sa harap namin ni kiro. Parehas kaming naka-upo sa harap habang si kiro naman ay may hawak na libro pambata.


"Hello mga bata! Ako si kuya kiro at kasama ko naman si ate chiara." Napa wow naman ako sa isip ko noong mag umpisang mag salita si kiro. Para kasing pang batibot ang boses niya. At kuhang-kuha niya agad ang mga atensyon ng mga bata.



"Ang story namin ngayon ay "ang batang nagsinungaling tungkol sa lobo." Ako naman ang nagsalita. Pinantayan ko pa ang energy ni kiro para ma retain ko ang atensyon nila.


"Noong araw sa isang malayong bayan, may isang mapagbirong batang lalaking pastol." Pinagmamasdan ko naman ang mga bata noong mag umpisa nang mag kwento sa kanila si kiro. Halos tutok na tutok sila. Natuwa naman ako dahil doon. Masaya akong ngumiti noong makita ko na kumukuha ng picture sa amin si mommy.


Habang si kiro naman ay busy sa pagbabasa sa mga bata. Noong matapos si kiro. Ay isinara na niya ang libro.


"At yun ang kwento ng batang lalaki na nagsinungaling tungkol sa lobo." Wika ni kiro. "Ngayon naman kids, magtatanong kami kung ano ang natutunan ninyo sa kwento na ating binasa." Ako na ang nagsalita.


"Kami! Ako!" Isa-isang nagtaasan ng mga kamay ang mga bata. "Okay, mag uumpisa tayo.. sayo." Tinuro naman ni kiro ang isang batang babae na nasa gilid niya. Tumayo naman ang bata. "Hello, princess, what's your name?" Kiro smiled sweetly. "Hana po." Sagot ng bata. Ngumiti naman si kiro. "Wow, ang pretty naman ng name mo. Hana, ano ang natutunan mo sa kwento?" Malambing na tanong ni kiro sa bata.


"Uhm..hmm ano po.. Huwag mag sinungaling kasi kapag nagsinungaling ka hindi na maninila ang mga tao sayo." Napangiti naman ako sa sagot ng bata. "Yes, huwag mag sinungaling kasi hindi magandang gawain yun, tama si Hana. Very good." Pumalakpak pang sabi ni kiro. Tuwang-tuwa naman si Hana na ngumiti sa amin. "Come here, Hana." Sumenyas naman ako kay Hana at pinapunta siya sa akin. May inabot ako sa kanya na special gift. Isa 'yung teddy bear na kumakanta. "Thank you, po!" Masayang sabi ni Hana. "You're welcome. You did a good job!" I said.


Bumalik naman sa pagkakaupo si Hana at nagtanong pa ulit si Kiro. At pagkatapos ay nagbigay na kami ng mga foods. Mga snacks at Jollibee lang ang mga 'yun. Hindi kasi pwedeng basta-basta magdala ng foods sa mga bata sa orphanage, especially if niluto lang sa bahay. Kung pwede man ay need mo pa mag ask ng permission sa municipality para payagan.



Noong matapos kaming magbigay ng foods. Sunod naman kami nagbigay ng mga school supplies. At mga toys sa mga bata. "Ma'am, picturan ko po muna kayo." Sabi naman ng isang staff ng orphanage. Apat kaming may hawak na teddy bear nila daddy. Katabi ko si mommy at katabi naman ni mommy si daddy at katabi naman ni daddy si kiro. Nag wacky face pa ako na nakanguso at nakapikit ang isang mata. Tuwang tuwa naman kami pagkatapos.



"Did you have fun?" Tanong sa akin ni kiro. Inayos naman niya ang pagkakasuot ng cap niya. "Yeah, I like it. Let's do this next time," I said. Ngumit naman si kiro kasabay ng pagpisil sa pisngi ko. Inaasar pa ata ako.


"Aray ko!" Reklamo ko sa kanya. Lumayo pa ako sa kanya noong dumating sila daddy.



"Tara na mga anak, baka gabihin pa tayo sa pag uwi." Sabi naman ni daddy. Napatingin naman ako sa kanila ni mommy. Nagsha-share kasi sila sa iisang payong para magtago sa tirik ng araw.


Chasing the Symphony Where stories live. Discover now