08

22 4 0
                                    



"Thank you, Lord! Nakarating kami ng masagana at buhay!" Malakas na sigaw ni daya pagkalabas namin ng bus na sinasakyan namin. Kakarating lang namin sa drop off at halos kami ay pagod lahat. Ilang oras din kasi ang byahe namin.

"Uwi kayo Or diretcho na school?" Tanong naman ni lovie sa likuran ko. Napatingin naman ako sa kanya habang dala-dala ang travel bag ko. Kaagad naman ako napatingin sa sched ko sa wallpaper ng cellphone ko. Bahagya pa akong nagulat kasi nakalimutan ko nga palang nag palit na ako ng wallpaper. Noon kasi ay schedule lang ng pasok ko sa school ang wallpaper ko pero ngayon dalawa na kami ni kiro.

"Tangina! Makangiti naman, first time mo?" Sarcastic na sabi ni daya habang ina-acting ang itchura ko ngayon. Kaagad ko namang pinatay ang screen ng phone ko at kaagad na umiling. "Huwag kang panira ng moment. Moment ko 'to!" Sagot ko.

"Sus! Ano? School ba or uwi nalang muna?" Ulit na tanong ni daya. Napabuntong hininga nalang ako at napairap sa kawalan. "Uuwi ako. Gusto ko magpahinga." Sagot ko saka nag umpisang maglakad papunta sa parking. Doon kasi ako susunduin ni daddy.

"Sige, uwi nalang tayo. Tinatamad ako pumasok sa first sub." Kaagad na sagot ni daya habang si lovie naman ay kasabay ko na maglakad. "Tambay nalang kayo tayo kila chiara?" Suggestion naman ni lovie. Kaagad akong napailing bago sagot. "Hindi pwede! Mag lulutuin nyo nanaman parents ko." Reklamo ko sa kanila.

Madalas kasi kapag pupunta sila sa bahay ay laging nagluluto ng sobra-sobra sila mommy at daddy kaya ang ending sa akin pinapaubos lahat. "Eto naman! Ayaw mo ba non? May ka share kana kumain and besides malapit lang naman kayo dito." Pag pupumilit pa ni daya.

"Sige na, kahit mga 2 hours lang. Gusto ko na matulog sa kama mo." Naglalambing naman na sabi ni lovie habang kumakapit sa akin. "Sige na, pero huwag kana kumapit ang init eh." Pawis na pawis na ang nuo ko mula sa sikat ng araw. Kaya naman naisipan ko ng ilabas ang payong ko since medyo malayo pa kami sa kung saan si daddy nag park.

"Dad!" Pag tawag ko kay daddy noong makalapit kami sa kanya. May dala-dala pa 'tong bubble tea. "Kanina kapa?" Tanong ko habang nag kiss na pisngi niya. "Not really" sagot ni daddy habang tumitingin sa wrist watch niya. "Hello mga hija, kamusta kayo? Ano nag enjoy ba kayo?" Masayang tanong ni daddy sa mga kaibigan ko.

"Yes naman po tito! Super nag enjoy kami. Lalo na 'to si chiara." Mapang asar pang sabi ni daya. Pinanlakihan ko lang siya ng mata habang nag babanta sa kanya sa mga balak niyang sabihin.

"Really? What kind of activity ba ang ginawa nyo?" Muling tanong ni daddy habang nilalagay ang mga gamit ko sa trunk ng sasakyan. "Marami tito, mahirap isa-isahin" sagot naman ni daya. Tumango-tango naman si daddy. "Uuwi na ba kayo? Gusto nyo sumabay?" Pag aalok ni daddy ng muli siyang makarating sa pwesto namin.

"No, dad. Sa bahay daw sila di-diretcho kasi mas malapit tayo sa school" ako na ang sumagot kay daddy. "O sige, pag lulutuan ko kayo, anong ulam ang gusto nyo?" Masayang sabi ni daddy. Napakamot nalang ako sa ulo habang 'tong mga kaibigam ko ay parang nanalo sa lotto kung mag bunyi sa sinabi ni daddy.

"Thank you so much tito!" Masayang sabi ni lovie. "Tito, yung italian pizza nyo po." Sagot naman ni daya.

"Okay!! Italian pizza, Coming up!" Masayang sabi ni daddy habang papasok sa driver seat. Sumunod naman na pumasok ng sasakyan ang mga kaibigan ko at ako naman ay umikot na papunta sa passenger seat.

Habang nasa byahe nga kami ay halos mag dugo na ang tenga ko sa sobrang ingay ng mga kasama ko. Hindi ko alam kung ako lang ba yung may kaibigan na sobrang kapal pa din ng mukha kahit tatay na ng kaibigan nila ang kaharap. Mabuti nalang my dad is cool about it. Kaya siguro ay magaan din ang loob ng mga kaibigan ko sa kanilang dalawa ni mommy. Para ko na din kasi silang barkada sa tuwing may hang out kaming magkakaibigan ay sumasali sila and it was okay for me.

Chasing the Symphony Where stories live. Discover now