03

33 3 1
                                    


"Galit ka ba?" Tanong ko habang nakasunod ako kay kiro na naglalakad. Hindi ito sumagot at umiling nalang na para bang naiinis siya sa akin.



"Huy!" Pag pukaw ko sa atensyon niya. Hindi niya ako pinansin at mas lalong binilisan ang paglalakad.





"Kiro!" I called his name.




Mabilis siyang huminto habang nakatalikod sa akin. Bahagya ko lang siyang pinagmasdan mula sa likod nang bigla siyang lumingon at nagmamadaling maglakad papunta sa akin.




"Why do you keep bothering me? Do I know you?! We're not even friends!" Pikon nitong sabi. Nanlalaki ang mata ko ng tumingin sa kanya habang gulat na gulat. "Uhm, I just want us to be friends. May masama ba doon?" I asked. Frowning.


I noticed a little scratch on the side of his lips. He looked at me with so much annoyance on his face. "Then I don't want to be friends with you!" He said. Which really triggered it. I stared at him with so much disbelief. And I don't know why he was even mad at me in the first place. "Okay, fine. I understand that you don't want me to be your friend, but you don't have to be rude!" I shouted. "You're such an asshole!" I added. I hurried back to the bar. Gusto ko pa sana siyang hampasin ng bag na dala ko, pero hindi nga kami friends para gawin ko 'yun sa kanya.



I ran as fast as I could to go inside the bar to look for my friends. Pagpasok ko nga sa loob ay mas lalo akong nairita sa mga tao na nakaharang sa dinadaanan ko.



"Excuse me!!" Halos isigaw ko ng sabihin kakahawi ko sa mga tao. My forehead started to form a frown when I tried to get away from the crowd. I gasped for air when I felt that I couldn't breathe properly because it was too crowded and I could smell the alcohol and cigarettes.


"If he doesn't want to be friends with me, it's totally fine! But why does he have to be rude?" I was stomping when I got to the bartender. "Kuya, what is the strongest drink you have here?" Tanong ko sa bartender na nasa front. Sandali pa siyang nag-isip habang naghahalo ng drinks.


"We have the liquid cocaine." Sagot naman nito sa akin habang naghahalo ng ibang drinks para sa ibang customers.





"Sige, bigyan mo ako." Umupo ako sa chair, habang nang-gigil pa din ako. "Sobrang excited pa akong makita siya tapos aawayin lang ako?" Inis kong bulong. Mabigat ang naging paghinga ko sa tuwing naiisip ko ang mukha ni kiro na galit sa akin.


"Here's your drink, ma'am. Enjoy." Pagkabigay nga sa akin sa isang maliit na shot glass na may kulay brown na alak sa loob ay kaagad ko 'tong tinungga.


Napangiwi naman ako ng malasahan ko ang alak na ininom ko. Halos maduwal ako sa natikman kong minty flavor na hindi ko ma distinguish. May kakaiba kasi 'tong after taste. At hindi kasi ako fan ng minty flavor and talagang strong siya dahil ramdam ko, ramdam kaagad ang sipa nito na parang umakyat sa ugat ng utak ko.

Halos parang nanunuyo ang lalamunan ko pagkatapos ko 'tong malasahan. "Another one, please." Humingi pa ako ng isa, kahit hindi ko bet ang lasa. Gumawa pa ang bartender ng isa pa. Habang hinihintay ko nga 'yon ay Napatingin nalang ako sa stage, habang may ibang banda ang tumugtog. Napatingin naman ako sa gawi ko. Halos lahat ng tao ay nakikisabay sa mga band na kumakanta mula sa stage.



Noong matapos nga ang huling banda na kumanta ay napa-balik ako ng tingin sa bartender at humingi pa ng isang alak. Habang binibigay naman ng bartender ang alak sa akin ay may narinig naman ako na sumigaw.




"The veilaince na!" Excited na sigaw noong isang babae sa gilid ko. Nakalabas ang phone niya at animoy balak na kuhaan mg video ang mga taong nasa harapan. Napa side eye look nalang ako sa kanya mukha kasi siyang excited.

Hindi pa man nagumpisa ang banda nila kiro ay halos nakalabas na ang phone ng mga tao dito sa bar.

Umakyat naman sa stage sina kiro, jigs at ang iba pa nilang ka banda. Nakataas ang kilay ko, habang nakatingin kay kiro. Inis na inis akong umirap sa kanya, kahit naman alam kong hindi naman niya 'yon makikita.

Noong mag uumpisa na silang tumugtog ay biglang namatay ang ilaw sa buong paligid.


Madilim ang buong paligid ng bar ng biglang umilaw sa stage dahilan para mag-sigawan ang mga tao. Nasa stage si jigs at into the character na siya. Hindi ko naman maiwasan ang hindi matawa dahil sa reaction ng mukha niya.


"Feel na feel." Tawang-tawa na sabi ko. Napatingin naman ako kay kiro na hanggang ngayon ay seryoso pa din ang mukha. Ni hindi manlang nito magawang ngumiti sa crowd.


Pagkanta palang ni jigs ng unang stanza ng kanta ay napatingin kaagad ako kay kiro. Bakas sa mukha niya ang hindi maipinta na lungkot. Pinagmamasdan ko lang siya habang tumutugtog ng gitara. Humingi pa ako nang isang alak sa bartender. At pagkatapos, non ay itinuon ko na ang attention kay kiro.


Kahit sa electric guitar ay ramdam ko pa din ang bigat ng meaning ng kanta para sa kanya. Habang dinadama ko nga ang kanta ay may narinig naman ako mula sa kabilang table. "Sis ano name nung nakasalamin na naka black?" Muli naman akong napa side eye dahil doon. Hindi naman ako yung tipo nang babae na selosa, pero minsan din ay may ugali talaga ako.



Nakakailang shot glass na din ako ng alak na ini-ininom ko, kaya naman medyo ramdam ko na sumusipa na 'to sa system ko. Though hindi naman ako nag-aalala na baka may kung anong-mangyare sa akin dahil kasama ko naman ang mga friends ko.


Nang matapos nga ang unang set nila kiro ay kaagad itong bumaba ng stage. Hindi na din ako lumapit pa at nanatili nalang sa pwesto ko habang tumutungga ng alak. Nag order pa ako ng isang alak dahil ubos na din ang nasa shot glass ko. May naramdaman naman akong umupo sa tabi ko, kaya naman kaagad akong napatingin doon.


Napa-side eye nalang ako ng kumindat siya sa akin at bahagyang lumapit dahilan para mapa-kunot ang nuo ko. "Hi, are you alone?" Tanong nito habang sobrang lapit na ng katawan niya sa tuhod ko. Nakatayo kasi siya at ako naman ay nakaupo sa high bar stall chair. "Nope, I'm with my friends." Simpleng sagot ko. Hindi ko na siya pinansin at tila ba parang hindi niya na gets.



"I'm Fred, and you are?" Inabot pa nito ang kamay niya upang makipag kamay sa akin. Halos mapa-irap nalang ako sa inis bago sumagot sa kanya. "Daisy." Nagbigay nalang ako ng fake name para na din sa safety ko.



"Actually, I've been looking for you since you came here. You want to have another drink with me? He asked, smiling at me. I started to scan his whole body, from head to toe. Kaagad akong umiling.



"No, thanks. I already had enough," I said. I tried to hide the disgust on my face as I moved away from him. Mas lalo naman akong na cringe nang ngumiti pa siya ng malawak sa akin. I'm not trying to be the main character, but I can say that he's trying to seduce me with his smile. Well, kahit lasing ako alam ko kung sino ang gago sa paligid ko. At etong isang 'to?! Gago to.




"Aww, really? What about dance?" he asked. Napabuntong hininga at napairap nalang ako. "No," I said in the coldest way of saying no.




"Do you see the guy in the front?" Mataray na tanong ko. "Which one?" he asked. While looking at the side of the stage where Kiro is,.




"The guy with the electric guitar," I said. Kaagad naman siyang napatingin kay kiro at bumalik ang tingin sa akin. "What about him?" Nagtataka niyang tanong.




"He's the guy I like, so I'm not interested. So can you please leave me alone?" I said. sarcastically. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ng lalaking kausap ko na para bang nadale ko ang ego niya.



"You're not even that pretty," he said with a judgmental look. Napangiti nalang ako ng sarcastic at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Well, may nakapag sabi na ba sayo na mukha kang paa? Kasi kung wala pa, kawawa ka naman," I said in disgust. Hindi ko alam, pero anytime talaga lumalabas ugaling kalye ko. Lalo na sa mga lalaking ganito kung mag-isip.



"What did you say?!" Galit nitong bulyaw sa akin dahilan para mapatingin ang mga tao sa paligid namin. Kaagad naman na tumaas ang kilay ko na para bang anytime ay ready na ako makipag suntukan, kahit pa naka dress ako.



"Mukha kang paa!!" Bulyaw ko sa kanya pabalik. Alam kong lasing na ako dahil nahihilo na din ako, pero kaya at ready pa akong makipag bardagulan.




"You are fucking slut!!" Sigaw nito sa akin. Nang marinig ko, 'yon ay kaagad na nagpantig ang tenga ko sa galit. "You are a fucking asshole! Dickhead!" Sigaw ko din sa kanya pabalik. Galit ako pero wala pa ako sa wisyo para makipag suntukan dahil talagang nahihilo ako.




"And for the record, you are too ugly!" Sigaw ko at akma na sana akong tatayo ng sampalin ako ng lalaking kaharap ko. Napangiwi naman ako sa sobrang sakit at halos parang mabingi nang tenga ko sa lakas ng impact ng sampal niya sa akin at mabuti nalang talaga ay nakakapit ako ako sa stall chair, kaya hindi ako natumba. Ilang segundo pa ako bago naka-recover mula doon.



"Tangina mo!" Rinig kong sigaw mula sa di-kalayuan na lugar. Nagulat nalang ako ng makita ang papasugod na si daya at lovie sa lalaking kaharap ko. Kaagad naman nila, 'tong pinagtatadyakan habang nakasuot pa sila ng heels na dalawa. Kaagad naman na nakahiga ang lalaki ng sipain ito ni Lovie sa bayag.


Nag-umpisa naman magkagulo ang lahat dahil sa lakas ng hiyaw ng mga tao na nasa side namin. "Anong karapatan mo para saktan ang kaibigan namin?" Sigaw ni daya habang patuloy sa pag sipa sa lalaking nakahandusay na at namimilipit sa sakit.


Hindi sila tumigil hanggang sa may humawak kay daya at lovie habang ako naman ay nanghihina sa sobrang sakit ng pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang pang iinit non.


"Girls! Stop it!" Rinig kong sabi ng isang familiar na boses sa harap namin. Hindi na ako napakapag pigil ng makita ko ang muli pagtayo ng lalaki na sumampal sa akin, kaya naman dali-dali akong naglakad at ihinampas sa kanya ang pinaka mabigat na parte ng bag ko.



"Chiara!" Rinig kong sigaw ni kiro sa likod ko. Nakatingin lang ako sa lalaki habang naguumpisang tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong. Susugod pa sana ako nang muling sumigaw si Kiro.


"Chiara! Stop it! Are you going to kill him?" Muling pag-awat sa akin ni kiro habang nakahawak 'to sa magkabilang braso ko.



Hindi ko siya pinansin at galit na galit akong tumingin sa kanya. "Actually, I'm planning to kil--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan ni kiro ang bibig ko.



"Stop it." May diin nitong sabi.



Nahimasmasan naman ako kahit papaano, pero hindi sa sakit ng pisngi ko. Muling napalingon si kiro sa lalaking nasa sahig habang namimilipit ito sa sakit.



"You're going to pay for this!" Sigaw nito habang nakahawak sa duguan niyang ilong. "I-kamusta mo nalang ako sa plastic surgeon mo." Sigaw ni Daya dahilan para mas lalong magalit ang lalaki. Napabalik naman ang tingin ni kiro sa akin. Alam kong napansin niya ang pamamaga ng pisngi ko at alam ko din na pilit niyang iniiwasan na tingnan 'yon.




"Bitawan mo 'ko" Galit kong hinawi ang kamay ni kiro mula sa balikat ko. Kaagad naman niya, 'tong tinanggal habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Kinuha ko ang bag ko sa sahig na may dugo. Sarcastic akong napatingin sa lalaking nakahiga pa din sa sahig. "Sue me if you want." Pang hahamon ko sa kanya. Matapang 'tong tumingin sa akin na para bang tinatanggap niya.



"You started this." I gritted my teeth in so much anger. I look at Kiro, who is still staring at me. I can't even read his mind, so I didn't bother to look at him again.




"Tangina mo! Bastos ka kasi!" Sigaw ni Lovie at akmang sasampalin pa ang lalaki. Napatingin naman ako kay kiro.



"Anong tinatayo mo dyan?" galit na tanong ko. Umirap ako sa kanya ng makita kong papalapit sa akin sila daya.



Lumapit naman sa akin ni daya upang tingnan ang mukha ko. "Kuya, pahingi ng ice." Sabi ni daya sa bartender. Nanatiling nakatingin sa akin ni kiro habang nakikipag tagisan siya nang tingin sa akin na para bang tumigil ang mundo ng lahat ng dahil sa nangyare.



Hindi pa naman kami pinapalabas ng bouncer, at 'yon nalang ang Hinihintay ko.



Nag aalala naman na tumingin sa akin si daya. "I think we should go home." Sabi pa ni Lovie ng pagmasdan pa nila ang mukha ko. Galit akong napakagat sa ibabang labi ko.



"Masakit pa din ba?" Nag-aalala na tanong ni daya. Inilagay naman niya ang ice pack sa pingi ko habang hindi ko siya pinapansin at tiningnan ko ng masama si kiro.




"Mag aabugado ka, pero ikaw pa ata itong makukulong sa pinag gagawa mo." Sabi naman ni lovie sa gilid. Tumingin naman ng masama si daya. "Gaga! Alangan naman mag pasampal lang siya? Syempre gumanti ka!" Mataray na sabi ni daya.




"Girls! Kiro. What happened?" Tanong ni jigs na kakarating lang. Salit-salitan pa itong tumingin sa amin. "May gago kasing sumampal dito." Galit na dinuro ni daya ang lalaking sumampal sa akin na ngayon ay dala-dala na ng bouncer palabas.



"Huwag ka ng babalik dito!! Gago!" Muli pang sigaw ni daya saka ito nag middle finger sa lalaki.



Malakas akong napabuntong hininga noong makalabas na siya. Hindi ko talaga aakalain na masasampal ako ng ganon ganon lang. Never in my life na may mag-tangka na manakit sa akin.



"You can't even handle your own emotions, tapos ikaw pa 'tong matapang. Malamig na sabi ni kiro ng lumapit siya sa akin. Masama ko naman siyang tiningnan dahil sa sinabi niya.


"Excuse me? Who the fuck are you?" Sarcastic at inis kong sabi. I rolled my eyes at him.

"You're not my friends, so who the fuck are you again?" I said. Sarcastically.


Kiro looks so annoyed when looking at me. He even put his arms close to his chest. "Can you stop being so immature?" he said. He shouted at me, which really triggered me again.



I raised my eyebrow and looked directly into his eyes. "We're not even friends. So don't even give a comment about my life because I don't give a fuck! about yours," I said. I clenched my teeth.



"I know," he said, as if he were trying to keep me from feeling so angry at him. "Alam mo... Umalis ka nalang sa harap ko! pwede ba?" may giit kong sabi. Wala na akong pakealam kung gusto ko ba siya or bet.


"You're drunk." Sagot lang nito sa akin. He shrugged. Aba naman!! Antipatiko!


"Alam ko ginagawa ko!" Hasik ko. I rolled my eyes and shook my head. "Chiara. Calm down." Sabi pa ni Lovie sa gilid ko. Napahawak nalang ako sa sentido ko sa sobrang pagka frustrate sa kanya.


Jigs came to us while rubbing his eyes. "Girls, lasing na kayo. Kaya nyo pa bang mag commute pauwi?" Tanong sa amin ni jigs. "Kaya namin." Inis kong sagot habang masamang nakatingin kay kiro. Ginantihan naman ako nito ng irap, kaya mas lalo akong napikon.



"Ihahatid nalang namin kayo ni kiro," Jigs suggested. "No! We're okay. We can manage ourselves," I said while trying to stand up to get away from them. They look at me with so much confusion in their eyes.



"Oh! Yun naman pala, and beside, kaya naman ni chiara sarili niya," Kiro sarcastically said while rubbing his hands together. I stared at him so blankly. Rolling my eyes at him.


"Okay. Ingat nalang kayo." Buntong hininga pang tumingin si jigs nang wala na siyang magawa. Pero nag insist siya na ihahatid nalang kami sa parking lot. Habang naglalakad nga kami ay halos tahimik lang ako habang si daya at Lovie ay nagtatalo na sa likod dahil sa nangyare kanina habang kasunod ko naman si jigs at kiro.


I just watched Kiro's shadow silently. Until I heard Daya and Lovie arguing loudly,.



"Will I allow our friend to just be slapped? Of course not! If only I could beat up that bastard!" Daya said as she punched her hand up in the air. I shook my head by just looking at them. Arguing. I turned around to Kiro's side when I noticed he looked away when I turned my eyes on him.


I put a stern look on my face, thinking about what he had done to me earlier. In the stillness of a starry night under the midnight sky, the wind touched my skin. I looked at the sky as if it cradled me. My hair touches my cheek, and it gives me a strange feeling.


What's wrong? "Jigs asked as soon as he noticed us.

"We're drunk." Daya's eyes widened when she said that word. There was a moment of silence around us as we realized that we had both drunk.



"Hmp!" Bigla akong natawa at ganoon din naman sila daya at Lovie. Para kaming baliw sa kakatawa ng mapansin namin na pare-parehas kaming lasing at late lang namin, 'yon na realize.




"I guess... you really need a driver." Jigs's suggestion seems to be judging our entire personalities.


"Kiro, you drive us," Jigs said. Kiro looked at us before and looked back at Jigs.


"Bakit ako?" he asked. pointing at himself. Jigs blow a breath before answering. "You're the only one who didn't drink with us." Jigs gave a short answer.


"But I have a car with me," Kiro answered. "Let's just use your car, then we'll come back here later," Jigs answered. Kiro looked at the jigs in confusion.


"Okay." Tango-tango na sagot ni kiro na para bang sinasabing, "Wala naman siyang choice."




Pagkarating nga namin sa tapat ng sasakyan ni kiro kung saan ito nakaparada kanina ay kaagad niyang binuksan ang sasakyan saka naman nito nilagay ang mga gamit siya sa loob ng compartment. May mga inayos pa siya doon bago niya kami tuluyang pasakayin.




"Ayoko sa gitna" Bungad kaagad ni Lovie pagkapasok palang namin ng sasakyan at mukhang wala naman akong choice kung hindi ang umupo doon dahil biglang lumipat si daya sa kabilang side dahilan para mapunta ako sa gitna.



Masama ko lang na tiningnan silang dalawa. Nasa passenger seat naman si jigs katabi ni kiro. Hindi pa man din kami nakakaalis ng parking lot ay ramdam ko na kaagad na matutulog na si daya dahil nakasandal na kaagad ang ulo nito sa upuan.



Sandaling napalingon sa amin si jigs at nag sign pa nga 'to ng thumbs up. Tinatanong kung ayos na ba kami sa likod. Nag thumbs up naman ako at pagkatapos nga noon ay nag umpisa ng mag drive si kiro palabas ng parking lot.


Tahimik lang ako sa likod habang binagmamasdan ang kabuoan ng loob ng sasakyan, amoy na amoy kasi ang lemon scent doon na hindi naman nakakahilo. Usually, kasi ayoko ng may amoy sa sasakyan, pero ang kay kiro ay ayos lang para sa pang amoy ko.




"Sino uunahin kong ihatid?" Tanong ni kiro habang nasa daan pa din ang tingin. "Kami na ni lovie ang unahin mo, malapit lang naman kami dito." Nakapikit na sagot ni daya. "Te kahit malayo naman talaga kayo?" Sagot ni jigs na natatawa. Totoo nga naman talaga na malayo kami. Hello? Dumayo kaya kami dito.




"Here's my address." Mahinang sabi ko habang nasa likuran kami at ipinakita sa kanya ang cellphone ko kung saan nakasulat sa notes ang home address ko.



Sandali niya lang iyong tiningnan saka ulit bumalik sa pag da-drive. Ilang minuto palang kaming nasa byahe pero hindi ko na kaagad mapigilan ang pagsakit ng ulo ko; hindi naman ako sobrang lasing pero sadyang sobrang sakit lang ng ulo ko.



Nasa gitna pa ako at napapagitnaan ng dalawang 'to. May isang sumasandal sa balikat ko at may isa naman na natutulog sa braso ko. Hirap na hirap ako sa sitwasyon ko at ang tanging gusto ko nalang ay ang makauwi sa bahay namin. Gusto kong magpahinga nalang.




"Chiara, are you okay? Tulala ka." Bigla naman akong napatingin sa harapan ng sabihin 'yon ni jigs. "Pagod lang." Tipid na sagot ko. Napatingin naman ako kay kiro na tahimik at seryoso lang sa pag mamaneho.



"Sabihin mo lang kami kapag nasusuka or or nahihilo ah," Paalala naman sa akin ni jigs. Tango lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Mga mahigit thirty minutes din siguro kaming na stock sa traffic, kaya naman nakatulog na din si jig sa passenger seat. Muli ko namang sinipat ng tingin si Kiro. Tahimik lang ito at kitang-kita sa mata niya ang pagka inip sa traffic.





"Open Bluetooth." Mahinang sabi ko habang naka dungaw sa gilid niya. Napansin niya ako, kaya naman kaagad itong tumingin sa akin.



"What?" Tanong niya ulit sa sinabi ko. "Open Bluetooth, patugtog lang." Iwinagayway ko pa ang cellphone ko upang ma gets niya ang gusto kong sabihin. Kaagad naman siyang may pinindot doon sa harap ng sasakyan, and nakapag connect na din ako pagkatapos non.




"Okay, na ba?" Tanong niya pa ulit. Tumango naman ako bilang pagsagot sa kanya at bumalik sa pwesto ko.



Naghanap pa ako ng mgandang kanta sa playlist ko. Noong nakakita ako ay kaagad ko 'yong pinatugtog.



'Hate that I love you' by Rihanna.







Pagkarinig ko palang sa boses ni Rihanna ay parang nabuhay ang dugo ko. Isa kasi talaga siya sa mga favorite artist ko. Hindi ko pa maiwasan ang hindi makisabay sa tugtog dahil sobrang hype na hype ako sa kanya, kahit pa mahina lang ang pagkanta ko dahil baka magising ko sila jigs.



You know exactly what to do.
So that I can't stay mad at you.
For too long, that's wrong.
But I hate it.



Pag sabay ko sa kanta. Napansin ko naman ang mahinang pagtapik ni kiro sa manibela habang palihim 'tong nakikisabay sa akin. Patuloy lang ako sa pakikinig at pagsabay hanggang sa matapos ang kanta.



Noong matapos ang kanya ay kaagad naman akong dumungaw kay kiro. "May gusto kang patugtugin?" Marahan na tanong ko sa kanya. Tumingin naman, 'ton sa akin at tila ba sabdaling nag isip.




"Chocolate." Naka pouty na sagot ni kiro.



Nagtataka naman akong tumingin sa kanya, hindi ko kasi alam kung anong kanta yun.




Sandali pa siyang tumingin sa akin, saka ito tumingin sa kalsada. "Chocolate by The 1975" kaagad na sagot ni kiro. "Ah! Wait, hanapin ko." Kaagad ko naman hinanap ang kanta ng gusto ni kiro at madali ko lang 'yong nahanap kaya naman pinatugtog ko kaagad 'yon.






Hey now, call it a split, because you know that you will
Oh, oh, you bite your friends like chocolate.
You said, We go where nobody knows.
With guns hidden under our petticoat
Oh, we're never going to quit it.
No, we're never going to quit it.





Pagkarinig ko palang ng kanta ay parang mag-ibang door na bumukas sa tenga ko. Kakaiba, kasi ang tugtog na hindi ko magawang ma explain. Hindi ko alam pero ang sarap sa tenga kahit hindi ako pa ako familiar sa ganoong kanta.



"Nice music, like it." Tipid na sabi ko habang patuloy sa pakikinig. "Yeah, The 1975. They have a lot of good songs; maybe you try to listen to them. You will never regret it." Nakangiting sabi ni kiro.



Bahagya pa akong nagulat. Ang haba kasi ng sagot niya nyayon. "Favorite band?" Tanong ko ulit. Tipid siyang tumango, "Yeah." Sagot niya na siyang ikinagulat ko. Parang feeling ko kasi close kami, echoss!!



"Ano favorite mo sa song nila?" Sunod ko pang tanong na para bang hindi ako nakipag talo sa kanya kanina lang. "Uhmm. Sincerity is scary." Tipid niyang sagot. Wala akong idea sa bandang gusto niya, pero hindi ko maiwasan ang hindi ma curious sa mga simpleng bagay na tungkol sa kanya.




"Bakit 'yun favorite mo?" Sunod ko pang tanong sa kanya. "The song has a deep meaning for me, and for some people, they're having a hard time understanding the deep meaning of the song, and for that question, I just love the song." Nag smirk pa 'to na para bang ayaw niyang sabihin ang dahilan.



"May balak kang kantahin song nila sa mga gigs nyo?" Sunod ko pang tanong. "Depende sa gusto ng banda." Maikling sagot niya.




"Eh paano pag nag request?" Tanong ko pa ulit. Mahina siyang tumawa sa akin, habang nakatingin pa rin sa kalsada.




"Maybe someday." Tango-tango niyang sagot.





"Dapat nandoon ako kapag kinanta nyo yung song nila ah." Sabi ko pa. "Okay, you can visit naman. Huwag ka lang magkalat." Natatawang sabi niya na parang bang tinutukoy niya ang nangyare kanina.



"And by the way, I'm sorry for what I did earlier. There's no excuse for what I've done. I'm really sorry." Sincere na sabi niya na bahagyang nakakapanibago.



"Okay lang yun, sorry din kung may mga nasabi akong masasamang words." Sabi ko naman.




"Okay na tayo?" Tanong ko pa.





"Yeah." Nakangiti niyang sagot.





Masaya ako ng mga oras na 'yon dahil parang kahit hindi ako sanay sa ganoong ugali at pakikisama ni kiro sa akin ay para bang gumaan ang pakiramdam ko. Yung tipong nawala ang lahat ng inis ko sa kanya kanina.




Mga ilang sandali lang ay malapit na din kami sa bahay nila daya at Lovie, kaya naman ginising ko na sila.



"Huy! Daya, gising na. Lovie, malapit na tayo." Pag gising ko sa dalawa. Habagya naman napamulat si daya at kaagad 'tong napatingin sa bintana. "Nandito na tayo agad?" Tipid na sabi nito.



"Kanina pa tayo nasa byahe, tulog-tulog ka kasi." Sagot ko. Noong maihinto na ni kiro ang sasakyan ay kaagad kaming lumabas ng sasakyan. Naiwan nalang si jigs sa loob dahil tulog na tulog 'to.





"Thank you! Kiro!" Nakangiting sabi ni lovie kay kiro habang papasok 'to sa loob ng gate.



Kumaway-kaway pa si Lovie sa amin bago ito tuluyang makapasok sa loob ng bahay.




Noong makapasok sila ay kami nalang ang naiwan sa labas ni kiro. Muli pa kaming magatinginan.



"Hatid na kita?" Parang nahihiya pa nitong tanong sa akin, hindi ko alam, pero parang namumula ata ang mukha ko, hindi dahil sa kilig kung hindi dahil sa pagka ilang.



Napa kagat labi nalang ako, nang mapansin kong nakatingin siya sa akin at hinihintay ang isasagot ko.




"Sige.. ha-hatid mo na ako." Parang sasabog ang dibdib ko ng sabihin ko, 'yon, yung iisipin palang na ihahatid niya ako ay parang kakaibang feeling na. Well, although walang means 'yon para sa kanya, para sa akin ay malaking bagay na 'yon.




"You have classes tomorrow?" Tanong ko habang naglalakad si kiro pabalik sa driver seat. Sandali 'tong huminto at tumingin sa akin.


"Yeah, what about you?" Tanong nito pabalik.



"Yup. Meron kami even though kakatapos lang ng exam." Mapakla kong sagot.


"Well, you don't have a choice." Kibit balikat niyang sagot saka nagpatuloy sa paglalakad papasok ng sasakyan.



Pinagmamasdan ko lang ang kabuoan ni kiro at hindi ko naman maiwasan ang hindi mamangha sa tindig at kilos nito. Kahit kasi likod ay sobrang gwapo na. Bukod pa doon ng mukha talaga siyang matalino, kaya kahit ako sa sarili ko ay hindi na ako magtataka kung bakit ang lakas ng dating neto sa akin.






"Chiara."



Bigla akong natauhan ng tawagin ni kiro ang pangalan ko. Nakatingin ito sa akin habang nasa tapat ng pinto ng sasakyan.




"Let's go. It's already past midnight." Sabi pa nito, kaya naman ay naglakad na din ako papunta sa sasakyan. At pagkapasok nga namin, ay naabutan pa namin si jigs na tulog na tulog. Napatingin pa ako kay kiro na ngayon ay nagsuot na ng kanyang seatbelt.




"Are you okay, na?" he asked.




Ngumiti ako at tumango sa kanya. Mga ilang segundo lang ay lumarga na din kami papunta naman sa bahay ko.




Malapit lang naman, 'yon kaya naman mga 20 minutes ay nasa village na din kami.



"Left side, Fresto Street." Pag instruct ko kay kiro papunta sa bahay namin.



Ginawa naman ni kiro ang sinabi ko. "Left side, Fresto Street." Pag ulit niya sa sinabi ko.




"Number 17": Pag banggit ko pa ng house number namin. Noong makarating nga kami sa tapat ng bahay ay medyo nahiya pa ako. First time, kasi 'to na may naghatid sa akin na ibang tao, and hindi alam kung anong magiging reaction ni mommy kapag nakita niya 'to. Ewan ko nalang kung gising pa sila.



"Dito na. Maraming, thank you!" Nakangiting sabi ko kay kiro. "Kuya jigs, thank you!" Sabi ko pa kahit alam ko naman na tulog na tulog siya.



"Nakatingin pa sa akin ni kiro habang inaayos ko ang mga gamit ko bago lumabas ng sasakyan.




"Ingat kayo pauwi ah." Paalala ko. Tumango naman si Kiro habang nakatingin pa din sa akin bago ako lumabas ng tuluyan sa sasakyan.




"Sige na, Dito nalang ako. Thank you sa paghatid." Halos pabulong ko pang sabi habang nakadungaw sa sasakyan. Binuksan kasi ni kiro ang window shield ng sasakyan, kaya naman kita-kita ang mukha niya.




"Okay, see you, Aro.




"Chiara."




Napalingon naman ako sa likuran ko ng makita ko si mommy at daddy na ngayon ay kalalabas ng gate.




"Anong oras na? Ngayon ka palang uuwe?" Nakakunot nuong tanong ni mommy na tila ba kagigising lang. Si daddy naman ay hindi sa akin nakatuon ang tingin kundi sa lalaking nasa loob ng sasakyan. Nagsalit-salitan pa ang tingin nito sa aming dalawa.




Napatingin naman ako kay kiro na papalabas ng sasakyan.



"Na traffic kasi ako mom," Pagdadahilan ko.



"Na traffic? Alas tres ng gabi? Traffic? Talaga ba chiara?" Pagsusungit sa akin ni mommy. Magsasalita pa sana si mommy ng mapansin niya ang lalaking katabi ko ngayon.



"Good morning, po." Nakatinging bati ni Kiro sa mga magulang ko. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti ng palihim.




Meeting the parents is important.




Chos!!




"Ah! Dad, Mom. Si kiro, friend ko." Pagpapakilala ko sa kanila. "Kiro, mommy, and Daddy Ko.




"Hi! You're Chiara's friend?" Tanong pa ni mommy na para bang gulat na gulat. Napatingin pa sa akin si mommy na parang hindi naniniwala.



"Yes, po." Nakangiting sagot ni kiro.



"Ijo, ikaw ba ang kasama nitong anak ko kaya siya ginabi?" Tanong ni daddy na para bang hinuhusgahan si kiro.



"Dad, kasama ko sila lovie at daya. Hinatid lang nila kami kasi medyo nakainom ako." Sabi ko. Napatingin naman sa akin si daddy na para bang ayaw pa maniwala.



"Ikaw ba ay nagsasabi ng totoo chiara?" Seryosong tanong ni daddy.



"Yes, Dad. Saka ayaw mo pa non? Hinatid na ako. Nag magandang loob na yung tao para ihatid ako." Gaslighter na kung gaslighter.




"Saka dad, pasok na tayo sa loob, may klase pa siya bukas.



"Di'ba kiro?" Bahagya ko pang kinalabit si kiro dahil seryoso at tahimik lang siya sa gilid ko.




"Future doctor yan, kaya huwag nanatin istorbohin, tara na dad." Pag aaya ko sa kanila. Bahagya ko pang hinawakan ang kamay ni daddy para hindi na 'to mag salita pa pr mag tanong. Si mommy naman ay pinagmamasdan lang ang buong kabuoan ni kiro na para bang kinikilatis niya 'tong mabuti.




"Schoolmate, kayo ng anak ko?" Tanong naman ni mommy. "No, Tita, I'm from Havier University, a 3rd year Med Tech student." Sagot naman ni kiro.



"Really? I'm glad to hear that." Excited na sabi ni mommy. Well, hindi ko naman siya masisi dahil family of doctors ang pinagmulan ni mommy. Kaya excited siya kapag nakakarinig ng mga story about the medical field.



"So you're also planning to continue to medical school?" Sunod pang tanong ni mommy. "Yes, Tita, I liked to, in God's perfect timing." Sagot ni kiro.



"Sige na, mag paalam kana, kung gusto mo pang makauwi sa inyo, magtatanong ng magtatanong yan sayo." Bulong ko kay kiro. Bahagya naman siyang natawa. Bahagya niya pang itinakip ang isang daliri niya, at kunwari ay kinakamot ang ilong upang takpan ang pag tawa niya.



"Mom, Dad, Kiro needs to go na." Sabi ko habang tinataboy na si Kiro sa harap nila.





"Good night, po, tito-tita. It's nice to see you, po." Nakangiting sabi ni kiro. Si mommy naman ay halos, hindi mapagsidlan ang ngiti habang tumatango kay kiro.




"Visit us next time, hah." Muli pang sabi ni mommy bago makapasok si kiro sa loob ng sasakyan.




"Bye! Ingat kayo pauwi ni jigs." Muling paalam ko bago ko isinara ang pintuan ng sasakyan. Noong maisara ko na'yon ay napatingin naman ako kila mommy at daddy na para bang may kakaibang tingin sa akin.




"Friends lang kami." Muling linya ko habang nagmamadali papasok sa loob ng bahay.



_____________________________

Chasing the Symphony Where stories live. Discover now