04

35 3 0
                                    



"Ms. Fementel got the highest score" wika ng professor namin ng kuhain ko ang exam paper ko sa harapan.

"Wow! Iba talaga." Pumapalakpak pang sabi ni Lovie. Napangiti nalang ako ng makuha ko na ang paper ko.

"97, not bad." Sabi ko sa sarili ko habang papabalik na ako sa chair ko.

"Patingin ako! Excited na wika ni lovie ng makabalik ako sa chair ko. Nasa first row ako kaya naman binigay ko iyon kay Lovie na nasa second row. Hindi ko alam bakit niya gustong umupo doon at ayaw naman tumabi sa akin. Kahit ang ibang classmate ko ay ayaw na ayaw umupo sa unahan. Kaya ako lang ang nag iisang naka upo sa first row.

"97! Ang taas" hindi makapaniwalang sabi ni lovie. Ngumisi lang ako sa kanya at kinuha ang paper ko.

"Congrats! Ms. Fementel." Masayang wika ng prof namin.


"Thank you so much, Sir." 


Napabuntong hininga nalang ako matapos tingnan ang papel ko. Napapaisip ako kung paano ko nagawa 'yon?

Noong mag simula ng mag turo ang prof namin ay bumalik na ako sa realidad. Itinuon ko lang ang buong atensyon ko sa pag kuha ng mga important details para sa topic namin. Nabasa ko na 'yon a head of time pero kailangan ko pa din pakinggan ang prof namin for additional information.

"Class dismissed."

Halos parang mga langgam ang mga classmate ko palalabas ng room pagka dismissed sa amin ng prof.

"Hope, bilisan mo na. Gutom na gutom na ako." Pagpapamadali sa akin ni Lovie habang ibinabalik ko ang mga gamit ko sa loob ng bag ko. "Wait lang." Pag tataray ko sa kanya.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay kaagad akong tumayo at kinuha ang bag ko at dali-daling sumabay kay lovie papalabas. Naglalakad lang kami papunta sa canteen.

"What time next class mo?" Tanong niya sa akin. "3:30 pa." Tamad kong sagot.

"Habang ng vacant natin." Masayang sabi ni Lovie.

"Mas mahaba yung sayo, gaga!" Pagsusungit ko naman ulit.

"Atleast may vacant." Naka pouty na sagot ni lovie. Pagod na pagod ang katawang lupa ko dahil sa haba ng lecture namin kanina. Kaya naman sumasakit na ang ulo ko.

"Ate, apat na corndog then dalawang lemonade juice." Si lovie na ang nag order para sa amin na dalawa. Hindi namin kasama si daya dahil may mga event pa 'to na kailangan gawin.

Sandali pa kaming nag hintay sa order namin bago kami makaupo sa chair. "Oh! Order mo." Inabot naman sa akin ng dalawang corndog.

Napatingin nalang ako sa paligid habang ina-unwrap ang plastic ng corndog. Hindi ko alam pero bakit sobrang drain na drain ako this past few days.

"Te, na message mo na ba banda nila kiro?" Tanong sa akin ni lovie habang kumakain ako ng corndog. Sandali naman akong napahinto at tiningnan lang siya ng nagtataka "Bakit naman?" Tanong ko habang ngumunguya.

Tumataas naman ang kilay ni lovie at bahagya pang iginilid ng ulo niya "eh kasi nga may bagong event na ino-offer si daya, para ata sa acquaintance party ng mga organization." Parang hindi pa siya sure sa pinagsasabi niya.

"Hindi ko alam yan, wala naman sinasabi yung head." Kunot nuo kong sabi sa kanya. Saka kung may dapat na makaalam dyan eh ako yun. Part din kaya ako ng student council.

"Well.. na chika lang sa akin ni daya. Aba malay ko ba kung sure na 'yun" pag irap niya pa sa akin. Sinimangutan ko lang siya dahil doon. "Ask ko mamaya si daya para sure." Sagot ko nalang at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos ng mahabang vacant ay pumunta na din ako sa assigned room ko habang naiwan naman si lovie sa canteen. Mamaya pa sa akin ang klase niya.

Chasing the Symphony Where stories live. Discover now