10. Namsan

21 4 8
                                    

*YOONGI*

I'm on my way now to Jin's restaurant since ininvite kami ni Jin sa soft opening ng bagong restaurant nito. Pagdating ko ay nandito na si Yugyeom, Jackson, Jimin and Namjoon. Nag-umpisa na ding ihain ni Jin ang mga especialty ng bago nyang restaurant.

Kumakain na kami nang lumapit sakin si Aro. "They landed safely, Young master.." bulong sakin ni Aro. I just nodded. "Pero hindi daw po muna agad uuwi ang Young lady.." napatigil ako at nilingon ko sya.

"What do you mean? Sa bahay sya uuwi di ba?"

"Opo, pero may dadaanan daw po muna sila bago umuwi.."

"And where is that?"

"Hindi daw po alam ni Chen. Hindi pa daw po nagbabanggit ang young lady sa kanya.."

"Is everything alright Yoong?" Tanong ni Namjoon.

"They're here.." sagot ko sa kanya.

"Ohh.. so your wife is back.." sabat naman ni Jackson na kumindat pa nga sakin.

"Whatever.." sabi ko kay Jackson. At saka nilingon si Aro. "Tell Chen na imessage sakin wherever they're going.."

"Yes, Young master.." at umalis ito.

Nagpatuloy lang kaming kumain. Nagkwekwentuhan pa nga sila habang ako naman ay walang tigil ang pagcheck ng phone ko dahil baka nagmemessage na si Chen. Originally, sa parents talaga nya muna sya sana dapat uuwi, but her father had an emergency situation sa company nila sa Dubai at kailangan nito pumunta doon at isasama na lang daw ng Papa nya ang mama nya. Kaya sa huli ay sa bahay na namin ni Jieun sya uuwi.

"Yoongi, just say the word kesa naman na-aaligaga ka dyan.." ani ni Namjoon. "I can track her using my phone.."

"No need. Chen will just update me-speaking.." I said as I checked Chen's message.

CHEN:
We're on our way to Namsan Tower, Young master.

"I need to go." Paalam ko sa kanila.

"Susunduin mo si Jieun?" Tanong ni Jimin.

"Nope." Sagot ko sa kanya. "Una na ako." Paalam ko sa kanila at agad agad umalis ng restaurant. Nagmadali ako magdrive papuntang Namsan Tower medyo malapit lang din ito sa restaurant ni Jin kaya mabilis ako nakarating doon. Pababa na ako sa sasakyan nang makareceive ako ulit ng text galing kay Chen.

CHEN:
The Young lady will meet someone.

I replied:
Who?

CHEN:
Hindi  po nya sinabi kung sino. Basta sabi nya po ay may kakausapin syang kaibigan sa isang café dito.

I replied:
Ok. I'm here. Go home.

CHEN:
Ok po Young master.

Hindi kaya.. Hindi kaya si Jungsuk ang kikitain nya dito?! Pababa na sana ako ng sasakyan nang makita si Jieun pumasok sa isang maliit na café na malapit kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Hindi ko maiwasan mangiti at mapabuntong hininga habang pinagmamasdan ko syang umupo sa isang table. She's still as beautiful as the last time I saw her. Tho medyo nangangayayat ata sya. Alam kong hindi ko dapat ito nararamdaman but I missed her. I missed her smile and her wit. Nakakamiss yung mga simpleng bagay sa kanya na nagpapangiti na sakin. Namimiss ko yung napakahinhin nyang kilos na made me want to take care of her and protect her. She's too fragile for my world. Too fragile and too important.

E I G H T (Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon