the promise
______________________________________________________Grasya's Pov
chop
chop
chop
chop*punas pawis*
5 am na, dapat nang bilisan ng Dyosang to ang ginagawa koooo. *sabay taas ng kutsilyo*
"AAAAAAAAAHHHH!"
*_*
Napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw.
"Mudrabells, anong acting yan?! parang nakakita ka ng... isang napagandang nilalang""Hay nako bata ka, madali akong mamamatay sayo! Bakit ka may dalang kutsilyo?! akala ko may serial killer sa bahay!! At ano na naman yang nakapahid sa pagmumukha mo?" si mudra talaga oa much.
"Maaaaaa. pampaganda nga to as in PAM-PA-GAN-DA. As in pampabeauty. Pinagluluto ko kasi ang jowabells ko. Hihihi" Aaaay, kinikilig akoooo.For sure magcoconfess na ng undying love sa akin ang Prince charming kooooo. Ay! Bongga!.
"Diyos ko! Grasya! Nananaginip ka pa yata, sige hala, matulog ka na! Boypren boypren, wag mo ko pinaglololoko." Sabay massage sa ulo niya.
"May boyfriend ka na ateeeee? is it real? is it real?" Si Christian, ang atribida kong kapatid na bunso.
"Of course! I'm a Dyosa!" Sabay flip ng aking oh so beautiful hair.
"Weeeeehh? Ma oh, si ate gumagawa ng kwentooooo" Aaaay, sarap sabunutan ha, buti na lang I'm a very kind and beautiful ate.
"Oh sya, sya, bahala ka na kung ano gusto mo. Kung sino man yang-"
"Kinulam,mama, kinulam ni ate." Sabay dila sa akin ni Christian. Pigilan nyo ko! Pigilan nyo ko! Papatulan ko na talaga to. (-_-) rawr.
"Hala, sige na. Magbihis na kayo" At nagwalk out na ang aking mudra.
Bahala kayo. I'm busy. Whaaaaa. Kinikilig akooooo. For sure magugustuhan to ni Karl my loves.
Sa School...
Hanap.
Hanap.
Tingin sa kanan.
Tingin sa kaliwa."GG, sino ba hinahanap mo?" Si Rowann, with her new panyo, oh diba? Di yata sya mabubuhay pag wala yun ee.
"Bestieeee, of course, sino pa ba? edi ang my one and only Karl duh~" Sabay irap. Hay nako, buti na lang lalabs ko tong isang to.
"Bestie nakakatakot aa? stalker ang peg? haha."
"Bestie, sa ganda kong to? Di stalker ang tawag sa magaganda like us, admirers bestie, admirers." Di ko din magets, pag pangit stalker ang tawag, kaya never akong magiging stalker. Like hellooooo? admirer ako, admirer.
"k dot" napaface palm pa si Bestie ko. Nega talaga.
"Oh my gee. Oh my gee. Nandyan na sya, nandyan na sya." Sabay paypay ko sa beautiful fez ko. Inadjust ko na rin yung bago kong ribbon sa ulo. This is it!
"Bestie, sigurado ka ba dyan?" Sabay hila ni Rowann sa sleeves ng shirt ko.
"Of course! Baka nagugutom na ang jowa ko noh?"
"Jowa?" Nakakunot na tanong niyang tanong.
"Duh. Of course. Si Karl. My one and only" Sabay takbo ko palapit sa kanya.
"Hi Karl, this is for you!!" Sabay pakita ng aking flirty smile at beautiful eyes.
"Nakngtokwa pre, hahaha" sabi nung isang kasama ni my loves.
"Hahaha.dre, andyan na Grrrfriend mo.hahahaha." Oh my, kahit friends nya alam na meant to be talaga kami ni Karl.
"Shut up!" Sigaw ni Karl. Ang hooooot. *drools*
Tiningnan nya ko ng masama. Tapos bigla niyang kinuha yung lunch box na pinrepare ko para sa kanya. I saw him smirk. Gooood. Kahit smirk nya ang gwapo pa din. Bagay na bagay talaga sya sa dyosa like me. hohoho.
"Ginawa ko yan for you." Sabi ko with matching beautiful eyes.
"Talaga?" Binuksan nya yung tupperware. "Thank you."
*whoooosh*
(*_*)
oh.my.
Binuhos nya sakin yung food.
"Hahahaha." Naririnig kong nagtatawanan yung mga kasama nya. Tumalikod na sila at umalis.
"Bestie!! Oh my God." Tumatakbong pumunta si Rowann na may dalang tissue. Maraming tissue. "Anong nangyari?"
"So pathetic."
"Mapapala nya."
"Feelingera kasi sis."
"Hahaha"Naririnig kong bulungan nila. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Bestie.
"It will be okay." Sabi nya sabay pahid sa luha na di ko namalayan na tumulo pala...
Pinapangako ko, pag ang pangit gumada... Humanda ka.
Humanda ka Karl Madrigal.