KABANATA 7

1.6K 48 2
                                    

📌: EXPECT SOME ERRORS WHILE READING

FOUND YOU
 

LUMIPAS ANG ILANG ARAW at ganoon ang naging trato ng mga kaibigan ni Bria sa kaniya. They've been gentle as they can towards her. No heavy thing, no stress at all they were indeed her friends. Sila ang mismong bumibili ng cravings ng dalaga at umiinda ng paiba-iba niyang ugali.
 
Malapit na at mag iisang buwan na ang bata sa kaniyang loob at andito sila ngayon ng dalawang kaibigan sa isang cake shop. Si Mira at Ali ang nagdala sa kaniya rito, sabi nila'y oorder sila ng cake para i-celebrate ang isang buwan ng bata sa kaniyang loob.

She already said na hindi na kailangan but this two insisted kaya pumayag nalamang ang dalaga.
 
Nakaupo lamang sila sa isang table na malapit sa bintana habang naghihintay sa cake na inorder ni Mira. It was two in the afternoon, wala na silang klase kasi may naging meeting ang mga teachers sa school kaya maaga sila ngayong nakalabas.
 
Nagsimula silang mag-usap tungkol sa bata at kung nasabi na niya ba ito sa tiyahin niya.

Natahimik muna siya'ng saglit bago niya sagutin iyon, sinabi niyang sa susunod na muna pag nagkaroon na siya ng tiyempo. Sa totoo lang ay hindi pa niya alam kung paano niya sasabihin sa tiyahin lalo na't alam niyang magagalit lang ito at baka ipalaglag pa nito ang bata pag nagkataon.
 
Ilang minuto ay isang babaeng nagttrabaho sa shop ang lumapit, dala nito ang isang box, hindi ito kalakihan ngunit kulay rosas ito. Mira told her to open it at tumambad sa kaniya ang isang kwadradong cake. Stripe na blue at pink ang kulay ng cake at may nakalagay pang ‘HAPPY 1st MONTH' sa ibabaw.
 
A tear slid down her cheeks, masyado ng maraming nagawa ang mga kaibigan sa kaniya, and even herself knew na hindi iyon mababayaran ng kahit anong salapi. Their love for her was pure from their hearts at gano'n rin siya sa dalawa.
 
“Oh ano yan?” tila natatawang sabi ni Ali.
 
Tiningnan niya ang dalawa, bakas sa mga mukha nito ang saya.
 
“Huy Bri naiiyak ka?” ani naman ni Mira.
 
“Thank you,” her voice is shaky at mukhang naiiyak na talaga si Bria.

Isang yakap ang ginawad niya sa dalawa and god know how she was so grateful to be having them as her friend.
 
"Ano kaba naman, wala 'yun no syempre kaibigan ka namin. Saka hindi ba dati pa lang pinaguusapan na natin na tayo ang magiging ninang ng magiging anak natin. Oh edi sino pa bang tutulong sayo e kami lang naman nitong may highblood na'to," natatawang ani Ali habang nakatingin kay Mira.

"Huy Allison, grabe kana talaga sakin ha!" ani Mira habang bakas ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Ali sa panghuli.

"Totoo naman Mira, huwag kana lang umangal. Okay?" tila nang-aasar nitong sabi.

"Aba't—"

"Uy, tama na. Tigilan niyo na nga 'yan," pag-awat niya sa dalawa. "Kainin nalang kaya natin 'tong cake na'to mukhang masarap e," aniya.

Isa-isa silang nagsiupo. Mira then ask for three disposable forks para magamit nila. Binigyan sila ng babaeng nasa counter ng tig iisa then they started eating it.

That moment was unforgetable, they took pictures at ipinost iyon sa kada social media nila.

It was indeed a memory that she should treasure through out the time.

They were busy eating when she notice a car parked across the street. Katapat ito ng shop, wala iyon roon kanina at hindi niya man lang napansin ang pagdating nito sa pwestong iyon kahit na kanina pa silang nasa may bintana ng shop. She narrowed her eyes habang nakatingin sa sasakyan. She also haven't seen someone coming out from the car, mukhang may tao pa roon.

Shesh creepy. 

"Huy, ayus ka lang?" biglang basag ni Mira sa nakatuon niyang atensyon sa labas.

"Ha?"

"Ang sabi ko kung ayus ka lang ba?" pag-uulit nito.

"Oo naman, ayus lang," she said assuring her.

She then took one last glance at the car before putting her attention again to the slice of cake that was on her plate.

NAKATUON ang atensyon ni Asher sa laptop niya, he was currently doing his works nang biglang mag ring ang cellphone niya. He didn't take the first ring at pinabayaan lamang ito, ngunit tumunog ulit ito. He lazily answered his phone without looking at the caller id.
 
“Hello?” he said with his tired voice.
 
“Boss, mukhang nahanap na namin ang babae.” Tila nawala ang pagod sa katawan ng binata ng marinig ang sinabi ng kausap.
 
“Are you sure?” paninigurado niyang tanong.
 
“Oo boss. Nasa isang mall sila kanina,” anito.
 
“Sila?”
 
“Oo boss, dalawang babae saka isang lalaki.” Napakunot noo ang binata nang marinig ang sinabi nito.
 
“Where are they now?” he asks as if desperado itong makita ang babae.
 
“Ah boss kasi nalingat ako ng tingin e. Pero boss nakuhanan ko naman ng litrato.”
 
He then let out a sigh, “Yeah, pakisend nalang. I want it immediately, Rodel,” aniya bago pinatay ang tawag.
 
Ibinaba niya ang telepono sa gilid ng kaniyang mesa, he was waiting for the picture na isesend ng taohan niya. He was feeling a bit nervous and excited at the same time, he was thinking of ‘what if hindi iyon ang babae?’ He would surely wait another days, weeks, or maybe months para makatanggap uli ng update.
 
He was busy on his thoughts nang biglang may lumabas na notification sa laptop niya. Someone had message him and it was his men. Limang litrato ang isenend ni Rodel.
 
He was a bit nervous and excited at the same time. Nang pindutin ng binata ang litrato ay kaagad na tumambad sa kaniya ang isang babaeng may kulay tsokolateng mata at may mala rosas na labi. Naka zoom-in ang pag capture ng litrato kaya kitang kita ito. She was wearing a plain black shirt at rip jeans sa lower portion.
 
A smile slowly crept to his lips—almost like a smirk was plastered on his face.
 
Kinuha niya kaagad ang cellphone at kaagad na dinial ang isa sa mga kaibigan. And thank god at kaagad nitong sinagot ang tawag.

"Yo! Hernandez. What's up?"

"Argov, can you do me a favor?"

"Yeah, ofcourse. But let me remind you— two million?" tila natatawang sabi ng nito.

"Oo na, just help me find this woman," tila nagmamadali niyang ani.

"Okay. Sino ba?" tanong nito. Kaagad naman niyang ipinadala ang litrato ng babaeng isinend ng taohan niya kanina.

"Her. I want it immediately Argov," aniya bago patayin ang tawag.

Tiningnan niyang muli ang mga litratong ngayo'y nakabandera sa kaniyang laptop.

‘Found you'
 

inker.
|•| A vote will be highly appreciated.🌷

THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER [Temptation Series #1]Where stories live. Discover now