KABANATA 11

1.5K 42 1
                                    

BRUISES
📌: Errors Ahead

NAGISING ang dalaga sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Umupo siya mula sa pagkakahiga habang kinukusot ang mga mata. The bed was big and comfortable, chandelier ang ilaw, at kulay abo ang dingding ng silid.
 
Inilibot niya ang mga mata sa loob ng silid, a manly scent had filled the inside. Walang tao sa loob bukod sa kaniya, sa paglilibot niya ng kaniyang mga mata ay agad na natupok ang kaniyang tingin sa isang litrato. Isang babaeng nasa thirties at isang batang lalaki na nasa sampong taong gulang ang nakalagay roon.
 
Then after sometime a sound from a door opening was heard. Nilingon niya ang dereksyon ng pintuan at isang matangkad na lalaki ang pumasok. May dala itong tray ng pagkain at naglakad sa nakaupong si Bria.
 
“You’re awake,” anito sa malalim nitong boses. Inilagay nito ang pagkain sa side table ng higaan tsaka siya binigyan ng isang piraso ng t-shirt.
 
“Nasaan ako?” mahina niyang tanong.
 
“Inside my room,” anito habang binubuksan ang isang sliding door na papunta sa terrace ng kwarto.
 
“Paano ako napunta rito?” she asks again.
 
Sa pagkakataong ito ay nilingon na siya ng lalaki sa kaniyang dereksyon.

“Nakita kita kagabi sa daan while I was driving. You’re a crying mess nang makita kita, so I pulled over para sana tanungin kung anong nangyari. But you pass out,” he said in a flat tone of voice.
 
Mahina siyang napatango nang sabihin iyon ng lalaki. “Salamat kung gano'n,” she said, the man slightly noded.
 
“Eat up, kukunin ka ni Ash,” anito bago lumabas. Naiwang nagtataka ang dalaga sa loob— 'kukunin ako ni Ash? Sino si Ash?'
 

MATAPOS KUMAIN ay kaagad na tumayo ang dalaga upang ilabas ang tray ng pinagkainan. Hindi naman makapal ang mukha niya para hayaang ang lalaki pa kanina ang kumuha.

Nang makalabas ay bumungad sa kaniya ang higanting chandelier na nasa sala. She's at the second floor kaya madali niyang nakita ang chandelier sa ibabaw.
 
“Ganto ba talagang mga mayayaman, ang lalaki ah,” aniya sa sarili saka bumaba ng hagdan.
 
The staircase's railings were colored silver gray, napakalinis at halatang palaging nililinisan. Nang tuluyang makababa ay namangha ang dalaga sa ganda ng mga sofa na naroon. Ganoon din ang mga vases na nasa bawat sulok ng bahay— it was shouting maharlika.
 
Naglakad siya patungo sa kusina at nakita ang lalaking naroon. He was topless and had an apron on him, nakatalikod ito sakaniya kaya hindi siya nito napansin. Mahina siyang tumikhim para makuha ang atensyon nito, na nagawa niya naman.
 
Lumingon ito't tiningnan siya, “You done?” tumango siya bilang sagot. “Ilagay mo nalang iyan diyan sa mesa, and wait for Ash sa livingroom,” anito tsaka muling tumalikod.
 
“Sino si Ash?” nagtatakang tanong ng dalaga.
 
“You’ll see later,” anito habang nakapukos parin ang atensyon sa ginagawa.
 
She slightly nodded tsaka tumalikod upang magpunta sa may sala. Umupo siya sa isa sa mga sofa roon at kumuha ng isang magazine na nakalagay sa ibabaw ng maliit na mesa roon. Tiningnan niya iyon upang libangin ang sarili. She was going through the pages nang mapunta siya sa isang page ng isang babae na may hawak na sanggol.
 
A smile crept up her lips.

She was thinking that one day mahahawakan din niya ang batang nasa sinapupunan niya ngayon. She was caresing her belly as she thinks of that. Hindi nito mararanasan ang pananakit na natamo niya sa tiyahin as soon as she gave birthday to her angel. She will pour all the love and care na hindi man lang niya naramdaman dahil sa pagkawala ng mga magulang.
 
Nasa gitna ng pag-iisip ang dalaga nang biglang narinig niya ang isang paghinto ng sasakyan sa labas. She look at the direction kung saan naroon ang entrance ng bahay. And then minutes after that dalawang lalaki ang pumasok sa loob.
 
Isang lalaking may kulay berde ang mata at isa namang kulay asul ang mata. Naglakad ito papasok at halatang mga kagalang-galang ang mga lalaking ito. Halata sa istado ng pananamit na mapera at mayaman ang mga lalaki.
 
“Kai!” malakas na tawag ng lalaking may kulot na buhok nang makapasok.

Tiningnan niya lamang ang mga ito hanggang sa makarating ito sa tapat kung saan siya nakaupo.
 
“Hey, hey, hey, may magandang dilag pala rito. Hindi naman sinabi ni Kai na may iniibig na pala siya,” nakangiting sabi ng lalaki't umupo sa kaniyang tabi.
 
“Ulol that's Asher's lost woman,” natatawang sabi naman ng kasama nito't nilagpasan sila upang magtungo sa kusina.
 
“I’m Thomas by the way, and you are?” tanong nito habang nakalahad ang kamay.
 
“Do not even touch that woman there, Carter. Kung ayaw mong mawalan ng ulo mamaya,” a flat voice suddenly spoke. Iyon ang lalaki kanina na naka suot ng apron.
 
“Oh, pasensya na mahal ko pa buhay ko,” anito tsaka kinuha pabalik ang kamay. “By the way, anong pangalan mo?” tanong ulit nito.
 
“Bria,” sagot ng dalaga.
 
“So your nickname is Bria?” biglang sabat ng lalaking kasama nito kanina.
 
Tumango siya bilang sagot, “You know her?” tanong ng lalaking may suot ng apron.
 
“Yeah we bumped into each other kahapon nang samahan ko si Ash sa school ni Atchi,” anito.
 
Kaya pala pamilyar' aniya sa sarili.
 
“Ako nga pala si Albert, incase you forgot,” dagdag nito.
 
“I see, mukhang napakilala niyo na ang mga sarili niyo. I'm Kai, ang supplier ng pagkain ng mga ‘to,” tila natatawa nitong sabi.

"Napano 'to?" biglang tanong ni Thomas sakaniya. Nakatingin ito sa pasang nasa kaniyang braso, katabi lang kasi ng dalaga ang lalaki kaya napansin nito ang kaniyang pasa. She suddenly felt nervous nang makita ito ng lalaki, isa-isa ring nagsilapit ang dalawang lalaki na kanina ay nasa may mesa.


DRIVING HIS LAMBORGHINI ay kaagad na ipinaharurut ni Asher ang sasakyan patungo sa lugar ng kaibigan. Tinawagan kasi siya ng kaibigang si Kai kanina patungkol sa babaeng noon niya pa hinahanap. Sabi nito'y nahimatay raw ito kagabi kaya dinala nito ang babae sa bahay nito.

It was just a twenty minutes driving bago makaabot sa bahay ng kaibigan. Nakita niya rin ang naka-parking na sasakyan ni Thomas, kaya sigurado siyang nasa loob ngayon ang tatlo.

Nang makapasok sa loob ay si Kai lamang ang nakita niya, walang anino ng kahit mga taong inaasahan niyang narito.

"Looking for your woman? Nasa taas," pasimpli nitong sabi.

Kaagad siyang umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Nakita niyang bukas ang kwarto ni Kai kaya nama'y doon siya kaagad pumasok. As he enters Kai's room ay agad na sumalubong sa kaniya ang mga taong inaasahan niyang narito, kasama na ang babaeng pinunta niya rito.

They didn't notice his presence, kaya naman ay tumikhim siya. Ang kaninang nakatalikod na mga kaibigan ay kaagad na tumabi sa gilid. Now he can surely see the woman, ngunit kasabay no'n ay ang hindi niya inaasahang makita.

Suot nito ang damit ng kaibigan ngunit bukod do'n ay maraming pasa ito sa braso, at sa may labi.

"It's alerting right?" ani Thomas sakaniya.

—inker.
|•| A vote will be highly appreciated.🌷

THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER [Temptation Series #1]Where stories live. Discover now