TORPE
KASALUKUYAN silang nasa mall ngayon. Nag-aya kasi ang kapatid nitong magmall ngayong araw. At syempre ay isinama ang dalaga't anak ng kapatid nito.
Kanina pa sila lakad ng lakad sa loob ng mall ngunit tila wala itong nagugustuhang ni isang bagay sa loob. Pumunta na sila sa area kung saan naroon ang mga magagarang damit, pati narin sa area kung saan naroon ang mga mamahaling sapatos o mga sandals. Ngunit tila wala itong nagustuhan.
"Mommy," rinig niyang tawag ng anak nito sa babae.
Lumingon si atchi at nilapitan ang batang hawak ng dalaga. May itinuturo ito sa ina nito. Isang laruang robot iyon na kulay pula. Kinuha ito ng babae mula sa shelves at tiningnan ang nakalagay na presyo. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin nito sa anak.
"Do you want mommy to buy this?" tanong nito.
"How much is it?" tanong pabalik ni Seth.
Nakikinig lang siya sa konbersasyon ng mag-ina habang hawak niya parin ang munting kamay ng bata.
"It's worth two thousand-two hundred-twenty six pesos, baby," Yanna spoke in a soft voice.
"Can I count it with my fingers?" ani Seth habang tinitingnan ang nakabukas nitong palad.
Napaka inosente nito't halatang hindi alam kung gaano karami ang numerong nabanggit ng ina nito.
"You can't, that is too much. It could take you forever counting it with your fingers," ani Yanna sa anak.
Nakita niya ang marahan na pag-angat ng ulo nito upang tingnan ang ina.
"That is expensive, I don't want it," anito't kinuha mula sa mommy nito ang hawak na laruan.
She was shock at what she heard just now. That was indeed expensive ngunit kayang-kaya naman iyon bilhin ng kapatid ni Asher sa anak nito. Nakita niyang ibinalik ng bata ang laruan sa shelf kung saan ito kanina nakalagay tapos ay kaagad na bumalik sa pagkakahawak sa kaniya.
"Let's just find another one, mommy. Something a bit more cheaper that I can count with my fingers with."
Puno ng pagkamangha ang mukha ngayon ng dalaga. Hindi niya inaakalang sa dami ng pera at yaman ng pamilya ng bata'y nagagawa pa nitong mas pumili ng mas mura. Dahil kung tutuusin ay kaya naman iyon bilhin talaga ng mommy nito.
"Are you sure?" tanong ng mommy nito.
Tumango lamang ang bata bilang sagot pagkatapos ay ngumiti.
Nagsimula muli silang maglakad habang hawak-hawak parin ng dalaga ang anak ng kapatid ni Asher. Mula sa toy area ay napunta naman sila sa area kung saan nakalagay ang mga gamit na pangbata, kadalasan ay sa mga bagong silang ang naroon. Iba't ibang sizes ng damit, kulay ng sapatos, at iba pang gamit na pang sanggol ang naroon.
Inilibot niya ang kaniyang mga mata at natupok ang kaniyang paningin sa isang isang kulay pink na kuna. Maganda ang disenyo nito at puwedeng-puwede sa sanggol na babae. May kulay asul din namang nakalagay katabi nito ngunit mas maganda para sa kaniyang paningin ang kulay pink.
"I wish I had a baby sister too," rinig niyang sabi ng batang kaniyang hawak.
Tiningnan niya si Seth at nakabusangot ang mukha ng bata. Nakatingin ito sa pink na kuna.
"Really?" marahan niyang sabi.
Unti-unti naman itong tumingin sa kaniya't tumango.
Napangiti siya sa sagot nito. "Why don't you tell your mommy?"
"She said it's not the time. She said I was still a baby too that still needs to be take care of," anito, bakas sa tono ng bata ang pagkadismaya.
"Your mommy was right, Seth, you're still a baby yourself," aniya sa bata.
YOU ARE READING
THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER [Temptation Series #1]
RomanceThat was a night they couldn't forget. An epic experience that lead them to think of each other. Asher Mateo Hernandez and Brianna Agnes Vira's first encounter. A night full of pleasure and wanting for each other's touch. Her moans that filled the...