📌: ERRORS AHEAD
KATANUNGAN
NAGLALAKAD ngayon papunta sa classroom nila ang dalaga. Dala-dala ang dalawang libro sa kamay ay tahimik lang siya sa paglalakad sa hallway. Balak niyang tanungin mamaya ang dalawang kaibigan na siyang kasama niya sa pagpunta sa birthday ng kaklase, kung anong nangyari nang gabing iyon.
Nasa labas palang ang dalaga ay kaagad na bumungad sa kaniya ang maingay na boses ng mga kaklase. Nang makapasok ay malapit pa siyang matamaan ng ipinagtatapon na mga papel ng mga ‘to at buti nalang ay nakailag siya. Pinandilatan niya na lamang ang nagtapon non bago naglakad papunta sa kaniyang upuan.
Nandoon na si Mira ang isa sa kaibigan niya. Nagbabasa ito ng libro habang nakasalpak ang dalawang headset sa tainga. Hindi ata siya napansin nito nang umupo siya sa tabi ng kaibigan, abala parin ito sa ginagawang pagbabasa kaya hinayaan niya na lang muna.
Kinuha niya ang kulay rosas na highlighter sa bag niya’t inumpisahan ring magbasa. Ngayon ang long quiz nila sa Algebra at History kaya dapat ay pag-aralan niya ito.
Ilang sandali ay napansin niyang wala ng masyadong ingay ang silid at napalitan ito ng mga bati ng kaniyang mga kaklase. Inangat niya ang tingin at nakita ang propesor nila sa matimatika. Inilipat naman niya ang tingin sa katabi na abala parin sa pagbabasa.
“Mira,” mahina niyang tawag sa kaibigan habang mahinang hinihila ang damit nito. Napatingin ito sakanya bago kinuha ang nakasalpak na headset nito sa tainga.
“Andito kana pala,” nakangiting sabi nito.
“Kanina pa, andiyan narin siya oh” aniya't tumingin sa propesor nilang abala ngayon sa pag-aayus ng mga test paper.
Rinig niya ang pagsinghap nito. “Hindi pa'ko nakakapag review sa Algebra,” anito na para bang katapusan na ng mundo.
“Pakopya nalang mamaya?” dagdag pa nito na parang batang nanghihingi lang ng kendi.
“Ako pa talaga? E hindi rin naman ako nakapagreview sa Algebra, History kaya ang inuna ko,” ani Bria.
“Paano na yan,” nababahala nitong sabi, tapos ay inilipat ang tingin sa isa pa nitong katabi.
“Ali nakapagreview ka sa algebra?” rinig niyang tanong ng kaibigan kay Ali— ang pangatlo sa kanilang magkakaibigan.
“Hindi, wala rin namang papasok sa utak ko,” ani Ali at binuksan ang isang pakete ng sitsirya.
“Okay class get one and pass,” rinig nilang sabi ni Mr. Lim “You will be having one hour to answer that test paper. Pagkatapos nitong tumunog ng timer sa desk ko all of you must submit. Understood?” mariin nitong sabi.
Tiningnan ng dalaga ang ngayo'y test paper niya sa mesa ng inuupuan. She was relieve ng makitang madali lang ang mga katanungan sa papel. Inumpisahan niya itong sagutan hanggang, tatlumpong minuto lamang ang tinagal ng matapos siya.
Tiningnan niya ang dalawang katabi ang isa'y halos mangiyak-ngiyak na habang ang isa nama'y tila walang problemang kinakaharap. May tatlumpong minuto pa bago ipasa ang mga papel kaya nireview niya na muna ang mga sagot niya sa papel. May tatlong binago ang dalaga habang may lima namang hindi siya sigurado sa sinagot.
Nagdaan ang ilan pang minuto at tumunog na ang timer sa desk ng propesor. Isa-isang nagsitayuan ang mga kaklase ni Bria't ganoon rin siya. Ipinasa niya ang papel pagkatapos ay kaagad na bumalik sa upuan.
“Anong sagot mo sa four?” tanong ni Mira sakaniya.
“D ata yun, bakit?” tanong niya pabalik.
“Ayy yes! atleast may isa ng check,” maligaya nitong sabi.
“D pala answer dun? Akala ko B,” sabat naman ni Ali.
Napasapo nalamang siya ng sariling noo nang marinig iyon mula kay Ali. Kahit kelan talaga ay parang wala itong ka proble-problema sa pag-aaral. Nang matapos sila sa asignaturang matimatika ay sunod namang pumasok ang propesora nila sa P.E. si Mrs. Cantaños.
Tahimik lang sila sa likuran habang nagtuturo ang propesora. Nagsusulat rin ang dalaga ng notes niya sa notebook upang aralin mamaya.
“Uy Bri,”mahinang pagtawag ni Ali sakanya sa kalagitnaan ng kaniyang pagsusulat.
Tumingin siya sa kaibigan bago magsalita, “Bakit?” mahina niyang tanong.
“Saan ka nga pala nagpunta nong birthday ni Charlotte, nauna ka bang umuwi?” tanong nito.
“Oo nga Bri, nagising nalang kasi kaming magkatabi ni Ali sa sofa nina Charlotte. Tangina kasi binitsinan yung inumin namin ng bruhang ‘yon.” Tila naiinis na sabi ni Mira.
“Hindi ako naka-uwi no'n…” huminto muna ang dalaga bago ipinagpatuloy ang pagsasalita, “...nagising ako sa isang kwarto,” aniya.
“Kwarto?” takang tanong ni Ali.
“Sa isang hotel. Kwarto ng isang hotel ‘yun. Basta nong magising ako masakit ang katawan ko nun.” Pansin niya na nanlaki ang mga mata ng dalawa sa sinabi niya.
“May damit kana man nun diba?” tanong kaagad ni Mira.
“Yun na nga e, wala akong niisang saplot sa katawan," wika ng dalaga.
Rinig niya ang pagsinghap nilang dalawa. “Naisuko naba ang bataan!?” medyo may kalakasan nilang tanong sa dalaga sanhi ng paglingon ng propesorang na sa harapan.
“What’s the commotion over there M’s. Vira?”tanong ni Mrs. Castaños sa kanila.
“Wala po ma’am,” aniya't pinandilatan ang dalawang kaibigang nasa kaniyang tabi.
TUDO TANONG ANG DALAWA niyang kaibigan sa kaniya. Kahit na nasa hallway sila ngayon papuntang canteen ay hindi parin natitigil ang mga tanong ng mga kaibigan sa kaniya.
“Bri malaki ba?” tanong ni Mira na sinamaan niya lang ng tingin.
“E masarap?” tanong naman ni Ali sa kaniyang tabi.
“Ang dudumi niyo,” ani Bria na bakas sa mukha ang pandidiri.
“Wow ha! Curious lang naman kami kung ipinot*k ba sa loob o hindi,” naka cross ang brasong sabi ni Mira.
May sasabihin pa sana siya nang makarating na sila sa canteen, maraming tao ang naroon at mukhang puno puno na ang mga mesa sa loob. Inilibot ng dalaga ang mata nagtitingin kung may natira bang bakante. Napako ang mga mata niya sa mesang malapit lang sa mesa nila Drew ang captain ng basketball sa kanilang unibersidad.
Hinila niya ang dalawa sa mesang iyun at sabay na naupo. Mira would be the one getting their food habang maghihintay silang dalawa ni Ali sa mesa. They were busy talking some stuffs nang biglang may humila sa isa sa mga upuan na naroon sa kanilang mesa.
They both look at the girl—it was Charlotte. Ang babaeng queen bee ‘kuno’ ng school kasama ang tatlong alipores nito. Tiningnan nito si Bria ngunit tinaasan lang ito ng kilay ng dalaga.
“Was it fun?” tanong nito. Napakunot siya ng noo sa tanong nito.
‘Pinagsasabi ng bruhang ‘to?’ tanong niya sa sarili."Huy Karlota pinagsasabi mo?” maangas na sabi ni Ali sa babaeng kaharap ngayon ng dalaga.
Inilipat nito ang tingin kay Ali bago magsalita, “Pwede bang ishut nalang ang mouth Allison?” Charlotte said rolling her eyes, tapos ay ibinalik ulit ang tingin kay Bria.
“So Bria, did you have fun?” tanong ulit nito sa kaniya.
“Charlotte ano bang pinagsasabi mong have fun, have fun na yan?” bakas sa boses ng dalaga ang pagkairita.
“I’ve seen you go out with a guy noong gabi ng birthday ko, saan kayo nagpunta? Is he your sugar daddy?” mapangasar ang tono nitong tanong sa dalaga na siyang ikinakunot ng kaniyang noo."Ano Brianna?" inilapit pa nito ang sarili tsaka drekta siyang tiningnan. Tila ba gusto niyang hampasin ng dos por dos ang pagmumukha nitong makapal na nga kinapalan pa ng foundation.
Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin at kailangan pa talaga siyang asarin sa pagmumukha nito.
'Ano bang sugar daddy'ng pinagsasabi nito?' tanong niya sa sarili.
—inker.
|•| A vote will be highly appreciated.🌷
YOU ARE READING
THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER [Temptation Series #1]
RomanceThat was a night they couldn't forget. An epic experience that lead them to think of each other. Asher Mateo Hernandez and Brianna Agnes Vira's first encounter. A night full of pleasure and wanting for each other's touch. Her moans that filled the...