AUTHOR'S NOTE: This Kabanata hasn't been editted yet. So do expect some errors while reading. ENJOY!
DINNER DATE?
NAKATAYO lang si Bria habang iniisip kung papaano haharapin ang lalaki. Hindi naman kasi dapat naging ganoon ang dalaga, biglaan nalang siyang nagpaalam upang matulog kahit na ang totoo ay hindi ka siya inaantok. Bria bit her lower lip to reduce the nervousness she's feeling, but that didn’t even help.
“Bria?” Isang boses ng babae ang na rinig niyang tumawag sa kaniya mula sa labas ng silid. Kasunod no'n ay ang tatlong pag katok sa pinto.
“Bukas ‘yan,” aniya mula sa loob.
Nagbukas ang pinto at pumasok si Klara. “Kakain na, nauna na si sir kanina kasi raw may meeting siya. Pinapasabi na niya lang sayo na kukunin ka niya mamayang alas syete ng gabi para magdinner sa labas.”
Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang dalaga. Tila nakahinga siya ng maluwag ng marinig na wala na sa loob ng bahay ang binata. Pero ngayon ay ang mamaya naman ang inaalala niya.
“Bri, ayus ka lang?”
Nawala siya sa pag-iisip at napatingin sa babaeng nasa kaniyang tapat.
“Oo, ayus lang. Tara baba na tayo,” aniya't ngumiti sa babae.
Sabay silang lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. Nakita niya kaagad ang iba pang mga katulong na naglilinis sa may sala, iyung iba naman ay nakita niyang nasa may kusina. Nagtungo sila sa mesa kung saan nakahanda ang mga pagkaing pang agahan. Itlog, bacon, ham, at fried rice ang nakahain roon.
“Kumain kana at ipagtitimpla kita ng gatas,” ani Klara na siyang tatalikud na upang timplahan siya ngunit pinigilang niya ito.
“Ako na Klara,” aniya habang hawak ang may braso nito.
Napakunot ang noo nito at mahinang natawa. “Bria, ako na. Iyon ang trabaho ko, ang pagsilbihan ka. Baka mapagalitan pa'ko ni sir Ash pag nalaman niyang hindi kita pinagtimpla,” natatawa nitong sabi.
Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakahawak sa braso nito, at umupo nalamang sa upuang naroon. Nagsimula siyang kumain, ilang minuto lang din ay ibinigay na ni Klara sa kaniya ang itinimpla nitong gatas.
Nang matapos siya sa pagkain ay nagboluntaryo pag siyang siya na ang magliligpit at maghuhugas ng mga pinagkainan. Ngunit pinigil siya ng mga kasambahay roon, ganoon din sila Klara at manang Ester na hindi siya pinayagang gumawa ng nais.
“Pero ayus lang po talaga. Ako na po ang maghuhugas ng mga ito, wala naman din po akong gagawin,” pagpupumilit niya sa mga katulong na nasa loob ng kusina.
“E ma’am kami po talaga ang mananagot pag pinagtrabaho po namin kayo. Bilin po ni sir na huwag daw po kayong pagurin,” ani ng isa sa mga kasambahay roon.
“Pero—,” naputol ang kaniyang pagsasalita ng magsalita ang mayordoma sa kaniyang likuran.
“Hija, pabayaan mo na sila riyan at sila na ang gagawa ng mga tungkulin nila,” ani manang Ester na nasa may entrance ng kusina.
“Jusme ang alaga ko,” rinig niyang sabi ni Klara na kakapasok lang sa eksena.
Marahan siya nitong hinablot upang lumabas. Dinala siya ng babae sa garden ng bahay kung saan parang alam na niya kung bakit. Nandoon si mang Jose at si Anthony roon, sila ang mga hardinero ng binata. Mukhang makikipag usap na naman ang babae at isinama pa talaga siya nito.
“Mang Jose,” pagtawag nito sa matanda roon.
“Oh andito kana naman Klara,” nakangiti nitong sabi ng lumapit sila sa kinaroroonan ng mga hardinero.
“Totoo po bang uuwi raw si Miss A?” rinig niyang tanong ni Klara sa matanda.
Mukhang ito talaga ang morning routine ng babae ang isama siya sa tsismisan nito. Nakatayo lamang siya sa may tabi nito habang medyo nakikinig sa mga pinaguusapan nila.
“Ayun ang sabi-sabi,” sagot ni mang Jose.
“Kung ganoon, edi magkakaroon ng isang welcome party,” bakas sa boses ng babae ang pagka excite nito.
Buong kalahating oras lang siyang nakatayo roon habang nakikinig sa pinaguusapan ng mga ito. Hindi naman din niya ugaling biglang sumabat nalamang sa mga naguusap. Kaya ay nanahimik na lamang siya.Tungkol sa isanh Miss A ang pinaguusapan ng mga ito. Hindi niya naman kilala kung sino iyon, ngunit ayun sa deskripsyon nila ay tila mukhang kailangan pang bilhin ng milyones ang babae bago mo pa ito makausap.
MADALI lang ang paglipas ng araw. Halos ganoon lang naman ang nangyayari sa araw-araw na nandito ang dalaga sa puder ng lalaki. Palagi niya lamang na kakakuwentuhan ang mga taong nagtatrabaho sa loob ng bahay. Wala naman siyang ibang magawa dahil ayaw siyang pagtrabahuhin ng mga ito, kesyo baka pagalitan daw sila ng amo nila.
Gabi na at hito siya ngayon, inaayusan ni Klara. Sabi nito'y paparating na raw si Asher upang kunin siya. Kaya naman ay kaagad siya nitong binihisan at nilagyan ng kolorete ang mukha. Wala naman siyang alam sa pagme-makeup kaya naman si Klara na ang naglagay. Ganoon rin sa pagkuha ng kung ano ang isusuot, ay si Klara rin ang pumili. Wala naman kasi talaga siyang alam sa mga ito. Tanging polbo lang naman at liptint ang inilalagay niya sa mukha. At simpling damit lang rin ang isinusuot niya.
Pero ngayon ay iba na. Hindi lang basta dress ang suot ng dalaga. Isang back less fitted dress na above the knee ang kaniyang suot. Kulay pula ito at bumagay naman sa make up na inilagay ni Klara sa kaniyang mukha. Sa mga paa niya naman ay isang two inches heel ang napili ni Klara upang ipasuot sa kaniya.Hindi siya sanay sa heels, ngunit hindi rin naman siya nahihirapan sa mga ito. Tiningnan niya ang sarili sa salamin, klaro na ang maliit na umbok sa kaniyang tiyan.
“Ayan ang ganda mo na masyado,” nakangiting sabi ni Klaro habang nakatingin sa kaniya.
“Naku naman,” natatawa niyang sagot.
“Oh siya tara na, baka nasa baba na si sir,” anito at inalalayan siya sa paglalakad.
Pababa pa lamang ng hagdan ay ramdam na niya ang titig ng mga iilang naroon. Ngunit ang kaniyang mata ay nakapukos lamang sa dalawang pares ng matang nakatingin sa kaniyang pagbaba. Hanggang sa makababa silang tuluyan ni Klara sa ibaba ng hagdan ay hindi parin nakukuha ang mga ito sa kaniya. Medyo naiilang siya sa titig nito ngunit isina walangbahala niya iyon.Mula sa kamay ni Klara na umalalay sa kaniya kanina ay ipinasa ng babae ang kamay ng dalaga sa binatang kanina pa naghihintay sa kaniyang pagbaba. An electric shock was again released as she felt his hands holding hers.
"Let's go," anito habang hawak ang kaniyang kamay upang umalalay.
Tumango siya at hindi na nagsalita. Parang hindi naman na talaga siya makakapagsalita dahil sa mukhang tila nagkakarera na ang bawat pintig ng puso niya. Ang bilis nito at mukhang ayaw pang kumalma.
"Mag ingat sa pagmamaneho, Asher," rinig niyang sabi ni manang Ester nang makapasok na sila ng sasakyan.
Isang hand gesture lang ang isinagot nito sa mayordoma. Ipinaandar nito ang sasakyan at marahan na pinatakbo. Nakatuon lamang ang mga mata nito sa pagmamaneho ng sasakyan habang siya nama'y tila nagnanakaw ng tingin sa binata. Kahit pa na naka-side view ang lalaki ay kita parin ang kagwapuhan nito. Mula sa makapal nitong kilay, matangos na ilong, hanggang sa mga labi nito. Mukha siyang isang prinsipeng nasa isang libro.
"Are you done staring?" biglang tanong nito.
Napakurap ang dalaga. "Ha?"
"We're here Bri, kanina ka pa ata nakatitig sa akin?" natatawa nitong tanong.
Ramdam niya ang pag init ng kaniyang pisngi nang sabihin iyon ng lalaki. Nagiwas na lamang siya ng tingin at ipinukol sa labas ang mga mata.
'Buendia's Chinese Cuisine' basa niya sa nakalagay na pangalan sa isang malaking kainan.
Narinig ng dalaga ang pagsara ng pinto sa kabilang upuan. Nakita niyang naglakad ang binata papunta sa pinto ng kaniyang inuupuan. Then the door opens, inilahad nito ang kamay sa dalaga. Bago paman niya ito tanggapin ay itinanggal niya muna ang seatbelt na suot. Buti unlucky for her hindi ito natanggal, mukhang na stuck ito sa pinasukan.
"Is everything okay?" tanong ng binata ng mapansin ang dalagang nahihirapan sa seatbelt.
She shook her head indicating 'no' as the answer. Kaagad namang inayos ng binata ang seatbelt nito and with just a minute ay natanggal ito. But before bringing himself out, tiningnan muna nito ang dalaga. Their faces are just now inches apart that causes her heart again to pound hysterically, like she was in some sort of a marathon.
Ngumiti ito sa kaniya, and it would be a lie kung sasabihin niyang hindi siya nahuhumaling sa itsura nito tuwing ngumingiti. And then parang natamaan ata siya kidlat ng biglaan nalang siya nitong halikan. Well it was just a peck, but still it was like a lightning bolt has hit her heart at the moment.
"Huwag ka ngang nanghahalik!" usal niya't marahan itong itinulak, ngunit tumawa lang ito tsaka muling inilahad ang kamay para sa kaniya.
"Kaya kami nagaassume dahil sa letseng mixed signals na 'yan" aniya sa sarili bago tanggapin ang nakalahad nitong kamay.
—inker.
📌: A VOTE FROM EVERY READER IS HIGHLY APPRECIATED:>
YOU ARE READING
THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER [Temptation Series #1]
RomanceThat was a night they couldn't forget. An epic experience that lead them to think of each other. Asher Mateo Hernandez and Brianna Agnes Vira's first encounter. A night full of pleasure and wanting for each other's touch. Her moans that filled the...