Have you ever looked at someone and said "I want to marry him"Dahil lage-lage noong high school palang kami, kapag nakatingin ako sakanya na malaya. Sinasabi ko sa sarili ko na papakasalan ko ang lalaking ito.
When I was in high school. I thought he is the right guy for me. Delesyunada talaga ako, kapag naghuhugas ng pinggan, iniisip ko siyang maging ama ng lima naming anak.
I thought he was the right guy for me, the right guy that I can marry. But, every day in high school, tinatanong ko rin ang sarili ko. Gusto ko ba talaga siya o dahil sa bored lang ako at siya lang lage ang nasa tabi ko.
I asked myself too. Do I like him romantically? Or just I like him because I'm comfortable with him.
That's in high school. Mga katangahan.
Now, heto na ako. Isang ng nurse sa abroad. Sa totoo, ayoko talaga maging nurse, gusto ko lang makalaya sa bansa ko. Mainit kasi roon.
"Ma? oh kamusta kayo riyan?" malambing ang boses ko at nakangiti, nakaupo sa hagdan ng hospital na aking pinagtra-trabahuan.
Pagkatapos ko maka pag graduate, naghanap agad ako ng trabaho, sa kachambahan na punta ako rito sa Spain. Noong unang buwan ko ay gusto ko na agad umuwi, kahit ngayon nga uwing-uwi na ako. Pero kapag nakapagpadala ako ng pera at mag video call kami ng pamilya ko, nakikita ko sa mga mata nila ang saya na naibigay ko, ang sarap sa pakiramdam. Parang gusto kong wag na umuwi at mag trabaho nalang nang mag trabaho.
[Anak, iyong pinsan mo. Ikakasal na] pag kwento ni mama. Alam ko na iyon, ang pinsan kong babaeng sinasabihan nilang malandi noon. Iyong suplada kong pinsan na puro pera lang ang inaalala. But now, she's a successful teacher. [Ikaw ba?] muntik kong mabuga ang kape sa loob ng bibig ko sa sinabi niya.
Kakatapos lang kasi ng duty ko. Wala naman pa akong gagawin sa unit na nirentahan ko. Tambay muna ako sa hospital, feeling lonely nanaman ako ron pag-umuwi ako. Papasok nanaman ang mga what ifs ko pag mag-isa ako.
"Wala pa akong plano sa ganyan" dahan dahan akong tumayo sa hagdan habang nakahawak ang isang kamay sa isang tasa ng kape. "At isa pa single ako" humaba ang nguso ko sa sinabi ko. Totoo iyon, simula ng heartbreak ko ng first year college ay wala ng sumunod.
Nagbuntong hininga ako bago humarap pataas at umakyat sa hagdan.
[Hindi kapa naka move on? asus] nanuksong tumawa si mama. AKO!? HINDI NAKA MOVE ON!? aba ay kahit lageng nasa TV iyon, naka move on na ako. Tinatawanan ko na nga lang iyon kapag nakikita ko sa kahit saang lugar ang mukha niya, like magazine, internet, o balita. Hindi na pogi sa mga mata ko ang pogi kong ex. Huh!? gulo ko talaga.
"Sin o ba siya para hindi ako maka move on?"maldita kunong sabi ko habang humahakbang pataas. May mga taong nakasalubong ako kaya nagtaka naman ako. Sinundan ko sila ng tingin. Bakit narito sila nagha-hagdan? may elevator naman ah. Atsaka private personal lang pwede rito ah.
[Sa pogi nun. Sikat na nga iyon. Pinoy Pride] proud na sabi ni mama. Sabagay maraming Pinoy ang proud sakanya. Syempre mga Pinoy pa. Kahit konting achievement lang yan ng kapwa Pilipino, masaya na sila at proud. Kaya nga minsan nakakatawa ang pagka-over proud ng mga Pinoy. Katulad ko, nabanggit lang ang isang kapwa ko Pinay sa ibang bansa, proud na ako.
Napangisi ako sa nasa isip ko. Nakatabingge ang ulo ko, nakaharap sa likod. Nakasunod pa rin sa tatlong taong naglalakad pababa sa hagdan.
"Yon? Pogi? Magaling lang mag football y—" saktong pag harap ko sa dinadaan ko pataas ay nabunggo ako sa matigas na bagay. Nanlaki agad ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang nabunggo ko. Matigas na dibdib, at natapunan ko lang naman ito ng kape na hawak ko. Naku, mainit pa naman ito.
Naka white hoodie jacket ito habang ang kamay ay nasa bulsa sa unahan.
"Hala gage—" papaharin ko na sana siya gamit ang panyo ko mula sa jacket ko nang tumingala ako at nagtagpo ang aming mga mata.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Ang mga mata niya, pamilyar ito. Mga matang lage ko noon nahuhuling nakatingin sa akin. Ang magagandang kulay itim na mga mata. Ang singkit niyang mga mata. Ang mataas na ilong niya, ang makapal na kilay, ang mahabang pilikmata, at ang perpektong labi niya.
Ganon pa rin siya. Walang nagbago. Mas lumaki lang. Mas tumangkad lang. Mas naging barako lang. Ganon pa rin siya maningin. Ganon pa rin ang dala niya sa aking puso.
Sa mainit na palad niya ay natauhan ako. Hinawakan ako nito sa bewang dahil sa pagbiglang pag-atras ko.
Walang emosyon ang mga mata niya, pero alam ko ang galit na nasa puso nito. Ang galit na kahit ilang taon na, alam kong tago-tago niya pa rin.
Sabagay he's good at hiding.
"Boss Liam!?" at bigla niya akong niyakap na lamang. Ang mainit na bisig niya. How I miss this.
How I miss him.
How I miss his presence.
His warmth and his love.
And I miss how we loved to play hide and seek in the past.
This is a work of fiction.
Names, characters, places, events, and incidents are all products of my imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead, are purely coincidental.Please bare with my grammatical errors. I'm still learning day by day.
PLAGIARISM IS A CRIME.
Batch mate Series
#1
Tagu-taguan Sa Liwanag
YOU ARE READING
Tagu-taguan Sa Liwanag
Teen FictionLove is a game, sabi nga nila. A game that Miley and Liam loves to play. Tagu-taguan, hanggang kelan kaya sila magta-tago. Hanggang kelan kaya nila ipipikit ang mga mata sa katotohanan kung ano ang meron sakanila. Love na nga ba talaga ang nararamda...