"May assignment kaba?" tanong sa akin ng katabi ko sa upuan. Si Liam, ewan ko ba sakanya bakit kailangan pa niya ng assignment. Eh excuse nga raw siya dahil athlete.
Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin ako sa paglalaro ng piano tiles sa cellphone ko. Kapag naglalaro ako, walang dapat na magdistorbo sa akin. Ini-imagine ko kasi pagnaglalaro ako na nasa world game ako. Tapos nasa finale na, kailangan manalo ako. Laban Pilipinas.
Pinitik nito bigla ang siko ko. Biglang nagkamali ako ng pindot dahil sa pagkamanhid ng kamay ko. Bwisit talaga ang lalaking to! Lage nalang sinisira ang araw ko na sira na.
Ewan ko ba bakit tabi nang tabi eto sakin. Simula grade 8 ay parang aso ko na siya. Kung saan ako umuupo roon din siya. Ngayon na nasa front ako umuupo, malapit ang teacher, aba ay narito rin siya.
"Ano kaba!?" naiinis na sabi ko sakanya. Tinaas niya ang dalawang mga kamay niya para magpakita ng pagsuko.
"Chill, babe" ngumisi ito at pinisil ng dalawang kamay niya ang pisnge ko. Kaagad na tinapik ko ito dahil masakit. "Ay hala, namula siya oh! Kinikilig siya sakin!" sinindot ng daliri niya ang pisnge ko.
Baliw na talaga itong lalaking to? Malamang mamumula! Pinisil niya ba naman.
Wala talaga ako sa mood dahil sa bad trip ako mula kanina. Kaya imbes na e-massacre itong katabi ko, inirapan ko nalang siya at tumingin sa bintana.
Nag-away nanaman kanina si mama at papa sa bahay. Natatakot ako na baka mag hiwalay sila. Paano nalang ako pag nag kalayo na sila? Sin o nalang ang magluluto ng pananghalian ko, sin o nalang ang mag-aayos ng bike ko kapag nasira ito. Syempre kasi pagnagkahiwalay na sila, sa isa lang ako sa kanila sasama.
Nagsad face ako at hinaplos haplos ang pisnge kong masakit. Kahit masakit ang pisnge ko, mas masakit kapag nagkahiwalay ang mga magulang ko.
Huminga ako ng malalim bago humarap sa katabi ko na nakatingin pala sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay sa paghuli ko sakanya na nakatingin sa akin. Ano nanaman ba ang naisip nitong kalokohan at nakatingin ito ng maigi sa akin.
Umiwas ito ng tingin bago tumingin ulit sa akin. Kung kaninang nahuli ko siya ay naiilang siya, ngayon naman ay ngiti ngiti siya na parang loko.
Loko-loko talaga siya. Kinulang sa gamot. Uminom siguro siya ng biogesic na ang panulak ay soft drink kaya nag ka ganito.
"Ang panget mo kasi" piningot niya ang aking ilong tsaka tawang tawa na tumayo at pumunta sa mga tropa niya sa likod.
Nanghaba naman ang nguso ko sa pag pingot niya. Nakatingin lang ako sakanya habang nakikipagchismisan siya sa mga babae at lalaki na ka barkada niya.
"Palagay ko crush ka niyang si Liam" may biglang sumalita sa tabi ko. Binaling ko ang tingin sakanya. Si Queenie, ang matalino kong kaibigan na academic achiever.
Nakatuon ang mga mata niya sa akin ngayon habang bukas ang libro nahawak niya, na nakatakip sa ilong at baba niya.
Seryosong ko siyang tiningnan bago tumawa sa sinabi niya. Loko, pano naman niya nasabi iyon. Lage nga ako binu-bully tapos crush. Kung crush dapat may spacial treatment. Eh, sa ginagawa ni Liam, binibwisit niya ako lage. Crush ba yon?
Nagpantay ang kilay niya sa pagtawa ko lalo na at may dalang hawak pa ito sa tiyan. I find it funny kasi. Ewan, pero natatawa lang ako. Nakakatawa lang isipin.
Binaba niya ang libro at pinatong sa desk. Nakakaintriga rin itong si Queenie minsan. Bukod sa matalino kasi e napaka ma-issue. Konting kembot lang ay pagiisipan niya nang masama. Pero, iyong mga na-issue niya ay naging totoo naman. Parang manghuhula na nga siya at hindi ma-issueng babae.
YOU ARE READING
Tagu-taguan Sa Liwanag
Teen FictionLove is a game, sabi nga nila. A game that Miley and Liam loves to play. Tagu-taguan, hanggang kelan kaya sila magta-tago. Hanggang kelan kaya nila ipipikit ang mga mata sa katotohanan kung ano ang meron sakanila. Love na nga ba talaga ang nararamda...