Kagat-kagat ko ang kuko ko habang naka-upo sa inidoro at hindi alam kung ano ang gagawin. Sa mga oras na ito alam kong nagsisimula na ang klase namin. Sigurado akong hinahanap na rin ako ni White. Wait, bakit naman niya ako hahanapin diba. Hindi naman kami close.
Pigil ako huminga sa loob ng cubicle dahil sa mabahong amoy na naaamoy ko. Amoy ihi, ang panghi. I can't. Bakit ba ang baho-baho ng amoy ng banyo ng mga lalaki.
Kanina nang bulungan ako ni Liam na may tagos ako, nanlaki agad ang mata ko at hinila ang mga kamay niya kung saan walang masyadong estudyante. Sa pag hila ko ay napalayo kami. No choice at umu-oo ako sa suggestion niyang mag banyo rito sa cr ng mga lalaki.
Wala namang ibang estudyante, thank God. Ilang minuto na nga ako narito at hindi ko pa rin maisip kung saan ako kukuha ng napkin. Kahit sa banyo ng mga babae ay wala rin namang napkin, ano pa kaya sa mga lalaki diba. Sa room namin meron. Sa loob ng cr ng room namin. Maalaga kasi si ma'am sa aming mga nagda-dalaga at dalaga.
Wala naman akong dalang extra napkin dito sa bag ko. Hindi ko naman kasi akalain na madadatnan ako ngayong araw. Regular naman kasi ang mens ko sa pagkakaalam ko.
Nahihiya akong lumabasa at utusan si Liam na kumuha ng napkin sa banyo namin sa room. Pero paano naman ako. Hanggang mag-uwian dito nalang ako? At baka may mga lalaki rin na magbabanyo rito. Worse pa kung may magba-banyo ritong teacher. Tsk. Hindi naman siguro?
"Ano ba ito" sinapo ko ang aking noo.
Oo, na. Kahit parang nahihiya ako na utusan si Liam, gagawin ko na.
Tumayo ako at binuksan ang cubicle. Tsaka dumiretso sa pinto ng banyo. Bwat hakbang ko ay iniisip ko na wag nalang. At bawat hakbang ko iniisip ko na baka wala na siya. Baka iniwan niya na ako. Baka umalis na siya.
Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ng kaonti ang pinto. Sumilip silip ako at hinanap ang lalaking hinahanap ko.
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng wala akong makitang miski anino ni Liam. Umalis na siguro siya. Aalis na talaga siya. Hindi naman kami magkaibigan talaga diba? At mukhang umalis na siya dahil ayaw naman niyang bigyan ko pa siya ng responsibilidad.
Nanlumong tumingin ako sa lupa at pinigilan ang kalungkutan sa mga mata ko. Ano nalang ang gagawin ko?
Isinirado ko ang pinto tsaka sinandalan ito. Parang hindi ko alintana ang mapanghing amoy ngayon dahil sa kalungkutan.
"Cellphone" banggit ko at pumasok ang kanina pang dapat na pumasok sa ulo ko. Pinitik ko ang ulo ko dahil sa katangahan ko. Oh my g! Bakit ngayon ko lang na isip iyon! May CELLPHONE PALA AKO DIBA!?
Hahakbang na sana ako sa palayo sa pinto ng may kumatok. Nanlamig ang mga kamay ko. Patay, mukhang may papasok. Pero bakit ito kakatok.
"Miley?"
Bumilis ang pag tibok ng puso ko. Nag init ang pisnge ko sa boses na nasa kabilang banda. Bumalik ba siya?
Mabilis na kinapa ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ng pawisan na totoy. Tagaktak ang pawis nito at hinihingal hingal pa.
" Eh? " walang salita na lumabas sa bibig ko. Tumatakbo ang mga mata ko sa mukhang niyang pawisan. Namumula ang maputing balat niya ganon din ang magandang labi nito. Weird, pero may kung anong naramdaman ako sa tiyan ko habang nakatingin sa gwapo nitong mukha.
WAIT! DID I SAY GWAPO!? AS IN G-W-A-P-O!? siya!?
Ipinikit ko ng marahas ang dalawang mata ko at lumungo lungo. Ano ba itong pumapasok sa isip ko.
"Eto" minulat ko ang mata ko at tumingin sakanya na nakatingin sa akin. May hawak siyang plastic at sa bewang ay may t-shirt na nakasabit. Sa kabilang kamay niya ay may pants naman.
YOU ARE READING
Tagu-taguan Sa Liwanag
Teen FictionLove is a game, sabi nga nila. A game that Miley and Liam loves to play. Tagu-taguan, hanggang kelan kaya sila magta-tago. Hanggang kelan kaya nila ipipikit ang mga mata sa katotohanan kung ano ang meron sakanila. Love na nga ba talaga ang nararamda...