Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Liam sa akin. Siguro, ay joke niya lang iyon sa akin. Palabiro naman kasi siya diba. Tama, biro niya lang iyon.
Niyakap ko ang unan ko at pinikit ang mga mata. Sa aking pagpikit ay mukha ni Liam ang pumasok sa isip ko. Minulat ko naman kaagad ang mga mata ko dahil mukhang masama na isipin siya. Baka pag nalaman niyang iniisip ko siya. Teka, hindi naman niya malalaman. Hindi ko naman sasabihin sakanya na iniisip ko siya. Na ginugulo niya ang utak ko.
Pagkatapos ng nangyari ay bumalik na kami sa classroom at dumating ang teacher namin si Filipino. Hindi naman niya ako pinansin nong uwian. Parang hangin lang ako sakanya. Sumabay siya sa mga tropa niya at may pinuntahan pang babae sa second floor.
G-Gusto niya b-ba ako?
H-Hindi naman siguro. Gusto niya lang talaga ako inisin kaya ginawa niya yon diba? DIBA!?
"ANO BA!?"
Napabangon ako sa malakas na sigaw na nanggaling sa labas ng kwarto ko. Sa sala namin. Mukhang nag-aaway na naman ang mga magulang ko. Mukhang wala na talaga silang pag-asa.
"LASING KA NANAMAN!? ABA LALAKI, KUNG LAGENG BARKADA MO LANG ANG IISIPIN MO. PAANO KAMI RITO SA BAHAY NG ANAK MO!?" malakas na sigaw ni mama.
Isa pa kasi iyon. Naging manginginom si papa. Palibhasa na sama sa barkada. Mga kasamahan niya sa trabaho.
Nagtra-trabaho kasi ngayon si papa sa construction at lageng pagod. Ang palusot niya palagi kay mama ay umiinom sila para mawala ang pagod nila. Kaya lang pagdating ng sweldo ni papa ay binabayad lahat ng sweldo niya sa alak na inutang nila at ininom. Tuloy si mama lageng galit sakanya.
May trabaho naman noon si papa eh. Nagtra-trabaho siya sa call center kagaya ni mama rin noon. Doon nga sila nagkakilala, sa trabho nila. Kaya lang pinagbuntis ako ni mama. Nalaman ng pamilya ni mama at hindi sila papayag na hindi sila makasal. Pinakasalan namam ni papa si mama dahil nga nabuntis niya. Takot lang niya sa tatay ni mama. Naging maselan ang pagbu-buntis ni mama, atska pag panganak sa akin ay lage akong dinadala sa hospital. Kinaylangan ni papa magtrabaho ng todo. Si papa kasi ay hindi natapos ang course niya sa college at nagtrabaho nalang kaagad. Si mama naman ay natapos, kaso ay hindi na naka kuha ng board exam. Nursing kaya ang mama ko.
Naging security guard na si papa hanggang sa lumaki ako at ngayon na nasa highschool ako ay natanggal siya. Kaya naman nag construction na siya.
"P-PAG UWI PA-GOD! T-TAPOS BU-BUNGANGAAN KA-KAPA!" halos utal utal si papa sumigaw na sumabat kay mama dahil sa kalasingan.
Hindi na napigilan ng luha kong maglandas sa pisnge. Nasasaktan kasi ako. Masakit kasi marinig na nag-aaway ang mga magulang mo. Noon naman hindi sila ganyan. Sweet na sweet nga sila eh. Kaso nitong mga buwan, lage nalang silang nag-aaway. Nakakainis na pakinggan. Masakit sa tenga at sa puso.
Maya-maya ay may narinig akong nabasag na bagay kaya naman mabilis na lumabas ako sa kwarto ko. Pagbungad ko ay ang picture frame naming nasa ibabaw ng cabinet ay nasa sahig na. Nabasag ito. Binasag ata ni papa. May dugo sa kamao ni papa. May sugat din siya sa kilay niya at labi. Para siyang nakipag-away sa labas.
Nakita ako ni mama kaya lumapit agad siya sa akin. Namamasa ang mga pisnge ni mama at pinahiran niya ito gamit ang likod ng mga palad niya. Hinawakan niya ang dalawang braso ko.
"L-Labas ka pauwiin mo na iyong tao sa labas" utos nito sa akin at mahinang itinulak ako para umalis. Ginalaw ko naman ang mga paa ko at naglakad.
"Oh! Saan mo papapuntahin ang anak mo!? Ayaw mo siyang marinig ang sasabihin kong may lalaki ka!?"
Parang napako ang mga paa ko sa pinto namin sa labas. Nagtatahulan ang mga aso namin sa bakuran at bukas ang gate. May mga tao ring nakikiisyuso at sumisilip silip.
YOU ARE READING
Tagu-taguan Sa Liwanag
Fiksi RemajaLove is a game, sabi nga nila. A game that Miley and Liam loves to play. Tagu-taguan, hanggang kelan kaya sila magta-tago. Hanggang kelan kaya nila ipipikit ang mga mata sa katotohanan kung ano ang meron sakanila. Love na nga ba talaga ang nararamda...