Chapter 6

5 1 0
                                    

Kaysa sumabay kay Liam na pumunta sa bahay nila Jeyo, ay nagpamasahe ako. Natatakot kasi ako umangkas sa motor. Tsaka hindi sa wala akong tiwala kay Liam. Iniiwasan ko rin kasi siya.

Hindi ko batid sa sarili ko ko kung bakit iniiwasan ko siya. Pero basta gusto kong iwasan siya. Naiinis kasi ako sakanya na ewan simula makita ko siya kasama iyong babaeng taga kabilang school.

"Best friend!" Malayo pa ako sa bahay nila Jeyo pero nasa gate na ito at kumakaway sa akin. Alam ko na rin kasi ang bahay nila Jeyo. One time kasi noon may groupings at sa bahay kami nalang gumawa ng project.

Naka kulay pulang polo ito at skinny jeans sa baba. Malaki ang polo sakanya kaya nagmumukha siyang hanger. Hoy, hindi sa masama ang pag tingin ko kay Jeyo ah. Dinescribe ko lang talaga siya.

Nang makalapit sakanya sa harap ng gate nila ay doon ko lang napansin na tahimik ang loob nila. Tumingin ako sa up and down na bahay nila. Modern ang style, kaya ang ganda tingnan. May terrace sa second floor at may mga upuan at mesa roon. Kulay black and white ang pintura ng bahay nila. At kita rin kahit nasa gate ang loob nila. Nahawi kasi ang ilang kurtina. Napalibutan kasi ng mga malalaking glass door ang sa harap ng bahay nila.

"Ah, wala masyadong bisita" humarap na ako kay Jeyo na nakangiti. Hindi naman siya mukhang malungkot na wala masyadong tao. Parang mas masaya pa nga siya.

" Lika na" hinawakan nito ang pulso ko at iginaya papasok sa hanggang balikat na gate nila. Kulay itim ang gate nila at malaki.

Pagkapasok ay may sasakyan na naka garahe sa loob. May nakita rin akong mga pusa na nakahiga sa kung saan saan lang.

Marami talagang pusa sa bahay nila Jeyo. Cat lover kasi daddy nitong doctor. At sa nakikita ko ay cat lover din si Jeyo. Syempre, wallpaper ba naman niya sa phone niya ang mga pusa nila. Atsaka, profile picture niya sa fb ay ang isang pusa nilang orange.

Binitawan ni Jeyo ang kamay ko at binuksan ang pinto. Pagkapasok ay sala agad nila ang madadatnan, katulad ng saamin. May hagdan sa gilid at may mga picture sa paligid. Minimalist ang dating ng bahay nila at puro beige color pa ang kulay ng mga bagay bagay. May nga tanim din sa loob.

"Ayon si Queenie oh" tinuro niya si Queenie na nakahiga sa sofa. Naka uniform pa ito at naka medyas. Nagce-cellphone ito at ngumiti ngiti. "Feel at home lang" mahinang tinulak ako ni Jeyo at napatingin sa gawi namin si Queenie.

Nang tumingin sa gawi namin sa Queenie at tumayo agad ito at ngiti ngiting lumapit sa akin. Nawala na rin kasi si Jeyo sa tabi ko dahil may nag doorbell sa gate nila.

"Buti naman at pumunta ka!" nilagay nito ang braso niya sa braso ko. "Lika" naglakad kami papunta sa sofa at umupo. "Wala masyadong tao. Baka mamaya pa kasi darating ang ibang relatives nila tita"

Tumango tango lang ako.

Mukhang close na close talaga sila Jeyo at Queenie. At ang family nila.

"Si Liam?" tanong nito.

"Ewan?" Sagot ko na patanong.

Ewan ko ron. Pinuntahan ko nga siya sa 0val para silipin. Pero ang nasilip ko ay siya na nakikipaglandian nanaman. Ayon, iniwan ko. Nakakainis eh. May babe na nga taga kabilang school. May baby pa na grade 11.

Imagine siya pa ang nagba-baby sa grade 11.

"Speaking of the devil" kinurot ni Queenie ang tagiliran ko at tumingin kami sa dalawang lalaking pumasok sa loob.

Speaking of the DEVIL talaga. Eto na si Liam. Naka jersey pa rin ito pero uniform pants na baba.

Speaking the damit pala. Hindi ko pa rin nasasauli ang hiniram ko sakanya. Hindi niya pa naman nahahanap. At hindi ko pa rin kasi nalalabhan. Nasa loob pa rin ng kwarto ko nakalagay sa mga damit na hindi pa nalabhan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tagu-taguan Sa LiwanagWhere stories live. Discover now