MONDAY nanaman. Parang naka time lapse lang ang mga araw. Nagkikita kami ni Liam sa school at parang wala lang nangyari. Nahaharap niya ako sa school na parang hindi lang siya pumunta sa harap ng bahay namin para mangutang. Nakakangiti lang siya sakin habang ako naman ay gulong-gulong sa mga pinaparamdam niya sa akin.
"Ano ba prefer niyo class?" naka upo si ma'am sa mesa sa gitna. Naka krus ang dalawang kamay niya at nakatingin sa amin. Lutang na lutang ako na umalis kanina sa bahay at ngayon na last period nalang at pananghalian na parang nasa ere pa rin ako.
Sa bahay kanina ay nalaman kong totoo na may lalaki sa mama. Foreigner ito. Taga Spain. Nakita ko sa fb na nakikipag chat si mama sa lalaki. Na open ko kasi ang account niya. Nagsesend pa nga si mama ng mga selfie niya at kahit ng akin. Sinasabi niyang single mom siya kahit hindi. Ang lalaki naman ay nagse-send din nga mga ginagawa niya araw araw. Para silang kabataan na long distance relationship. Kung wala si mama, asawa at anak, ay nakakilig basahin ang conversation nila. Pero dahil may anak at asawa si papa, nakakapanindig balahibo ang ginagawa ni mama.
"Ishoot nalang ma'am!"
"Live nalang ma'am, hindi namam kami lahat marunong mag edit edit eh!"
Wala ngayon sa tabi ko si Liam. Noong nakaraang linggo pa siya wala sa tabi ko. Pasulpot sulpot lang siya na umuupo sa tabi ko o kaya mag lunch sa tabi ko.
Busy siya sa mga kaibigan niya sa likod at sa NILILIGAWAN niya raw sa itaas. Sa second floor. Grade 10 student.
Natapos ang English namin at may Romeo and Juliet pala kami. Kung minamalas ay magkasama pa kami ni Liam. Nag one two three kasi kanina at pareho kaming group two. Si Queenie naman ay group three.
Magfi-film daw ng favorite scene namin sa Romeo and Juliet. Nag meeting kami kung anong scene ang amin pagkatapos umalis ni ma'am. At ang mga loko, ang balcony scene ang pinili. Kahit lutang ako kanina ay alam ko kung ano ang nangyare sa balcony scene.
"Eh, maghahalikan?" tanong ng isang ka-group namin.
"Gago, syempre hindi!" natawa ang iba sa sagot ng group leader.
Kasama ko rin pala sa group si White. Pag lumingon ako sakanya ay nakatingin ito sa akin na parang naawa. Palagay ko ay alam niya na ang panglalaki ni mama. Syempre, bff ang mga papa namin. Nagi-inom doon si papa at nasabi niya na ata ang problema sa pamilya namin.
"Si Liam pwedeng Romeo!" suggestion ng lalaking barkada ni Liam. Nagtawanan naman silang dalawa. Biro lang pala iyon ng kaibigan niya pero kumagat ang group leader.
"Si White nalang!" nakangisi ang babae sa tabi ni White. Isa mga girl bff niya.
"Ngi, at gusto mo ikaw si Juliet!?" sumabat ang kaibigan ni Liam. Mukhang nakaka over the bakod ang sinabi ng kaibigan ni Liam at walang may tumawa maliban sakanya.
"Ayoko, mag-aambag nalang ako" nakatingin na ngayon sa cellphone niya si White. Parang nagta-type siya sa cellphone niya. "Sa Saturday diba?" tanong nito habang nakayuko ang ulo.
"Yes" sagot ng group leader.
"Hindi ako pwede" pag-angat ng ulo niya ay tumingin agad siya sa akin bago tumingin sa group leader. "May lakad kami" at yumuko ito ulit at nag cellphone.
"Edi si Liam nalang!"
In the end si Liam nga ang Romeo. And sa huli ako ang naging Juliet. Sabi kasi nila ay mukhang close kami ni Liam at hindi kami ma awkward sa isa't isa pag ganon. Tikom lang ang bibig ko at parang nakalusot sa kabilang tenga ko ang mga pinagsasabi nila kaya hindi ako naka hindi.
Uwian na at cleaners ko pa. Gustong gusto ko na umuwi kaso monday cleaners ako. At ka group ko pa si Liam. Tinutulak talaga ng universe na palagi kaming magkasama.
YOU ARE READING
Tagu-taguan Sa Liwanag
Fiksi RemajaLove is a game, sabi nga nila. A game that Miley and Liam loves to play. Tagu-taguan, hanggang kelan kaya sila magta-tago. Hanggang kelan kaya nila ipipikit ang mga mata sa katotohanan kung ano ang meron sakanila. Love na nga ba talaga ang nararamda...