It's Friday. Physical education day.
Tuwing biyernes kami nag p-pe, at tuwing biyernes lang din ako nagpapasalamat na nabuhay ako sa mundong ito. Kumbaga ang friday ang favorite day ko. At sa palagay ko ay hindi lang ako pati rin ang ibang estudyante.
Dapat ngayon nagsasaya ako na Friday, pero ngayon hindi maiguhit ang mukha ko.
Nakalabas na si papa sa hospital at ang pinambayad sa bills ay binenta ang bike ko. Si mama ang nag suggest non. Nanghingi rin si papa sa mga kapatid niya sa abroad at salamat nagbigyan siya.
Naiinis ako kay mama. Oo, naiinis ako sakanya na pilit niyang binenta ang biseklata ko sa kapitbahay namin. Pero hindi lang iyon, naiinis din ako sakanya dahil kahit anino niya ay hindi siya nagpakita kay papa.
Ang sarap mag dabog, may gana pa talaga siyang pagalitan si papa. Nagalit siya dahil bakit daw ito na aksidente, hindi raw ito nagi-ingat, nag gastos pa raw tuloy ng malaking pera.
Ewan ko ba. Noon kapag biyernes uwing uwi ako sa bahay. Pero ngayon na biyernes parang gusto ko nalang na sa school matulog. Sa school kasi nakakalimutan ko ang mga problema ko. Kaysa sa bahay na pasan ko ang mundo.
"Oy, tulala siya" may mahinang bumatok sakin mula sa likuran ko. Lumingon naman agad ako sa payat na lalaking ngiti-ngiti sa akin. Malaki ang pag ngiti niya at flex na flex ang braces niya.
"Birthday ko!"
"Happy birthday" bati ko sakanya. Bumati na ako sakanya pero nawala naman ang ngiti niya sa labi.
"May kainan mamaya sa bahay. Punta ka" pilit na ito ngayon na ngumiti. "Pupunta rin si Queenie" dagdag pa niya.
Si Jeyo. Kaibigan siya ni Queenie. Na nakikipag friends din sa akin. Feeling close kasi siya. Kung ako may Liam na dikit nang dikit sa akin. Si Queenie meron namang buntot, ang Jeyo na buntot nang buntot sakanya.
Palibhasa kasi simula bata sila ay magkakilala na sila. Magkaibigan kasi ang mga mama nila, na ikwento sakin ni Queenie noon.
May kaya sa buhay ang pamilya nila Jeyo. Ang sabi sabi kasi rito sa school ay anak ng mayaman si Jeyo at nangasawa lang ng bago ngayon ang mama niya, which is ang papa niya na kinikilala ngayon.
Hindi kasi magkamukha si Jeyo at ang kinikilala niyang dad ngayon na doctor. Maputi kasi si Jeyo at matangos ang ilong. Para siyang may lahi, dagdag pa na kakaiba ang mga mata niya. Kulay amber.
"Punta ka. Papauwi ko sayo ang ulo ng lechon" bumalik na ang ngisi niya lalo na ng tumingin siya sa may likuran ko.
Gwapo si Jeyo. Totoo iyon, attractive ang mga facial features niya kahit na payatot nga raw siya. Marami nga ang nagka-crush sakanya kasi ma itsura siya. Pero sakin mas pogi pa rin si Liam.
"OY MIRANDA!" sumigaw sa harap ko si Jeyo habang ang mga mata ay nasa likod ko.
Narito kami ngayon sa oval kaya malamang nag pra-practice ngayon sila Liam. Malapit na kasi ang Provincial meet. Umaabot lage sa iba't ibang lugar ang football team namin sa school kaya mahal na mahal sila ng mga teachers. Kaya rin karamihan sa mga football player na magagaling ay nasa pilot section. Like Liam, lage siyang nasa section one. Lage ko siyang kaklase.
Lumingon ako sa likod at nagbanggaan ang mga mata namin ni Liam. Ako na ang unang humiwalay ng tingin kaagad dahil sa hindi ma explain na bagay ay nakaramdam ako ng hiya.
Tagaktak ang pawis nito na lumapit sa harap namin at may sipa sipang bola.
"Hep?" Tanong kaagad nito kay Villarreal.
YOU ARE READING
Tagu-taguan Sa Liwanag
Teen FictionLove is a game, sabi nga nila. A game that Miley and Liam loves to play. Tagu-taguan, hanggang kelan kaya sila magta-tago. Hanggang kelan kaya nila ipipikit ang mga mata sa katotohanan kung ano ang meron sakanila. Love na nga ba talaga ang nararamda...