CHAPTER M-13

49 5 0
                                    

-CHYLENE HERA

Ngayong araw malalaman ang result ng examination namin. Kinakabahan ako sa result dahil kahit na confident ako na makakapasa ako pero baka mabago ang tadhana. Lalo na super hirap ng mathematics at languange.

Nandito ako sa bahay dahil umuwi muna ako rito para tulungan ang parents ko. Natuwa naman sila sa naging desisyon ko na umuwi muna sa bahay sa tagal na hindi nila ako nakita. Tinutulungan ko ngayon si Mama sa pagtatahi ng mga damit.

Marunong naman ako magtahi dahil tinuruan kami noong high school pa lang ako. Gusto ni Mama na sʼya ang nag-aayos sa mga sira naming damit o ʼdi kaya ay kapag tatahi sʼya ng panibagong damit. Gastos daw masyado kapag ipagawa pa sa iba. Kaya mas mabuti raw na sʼya na raw ang gumawa para tipid.

Si Papa naman ay namamasada para dagdag sa araw-araw gastusin namin, minsan lang kasi sʼya maging janitor sa pinagtatrabahuan nʼya. Hindi muna nagbukas ng paninda sa palengke si Mama dahil pagod pa sʼya. Since malapit na ang open classes ay todo kayod ang mga magulang ko sa gastusin. Lalo na maraming bayarin kapag open classes.

Lalo na ʼyong department fee, college fee and other event. Kahit only child lang ako ay kulang pa rin ang pera namin sa araw-araw na gastusin. Sana nga ay maging scholar ako para makatulong sa mga parents ko.

“Anong balak mong kukunin na course, anak?” tanong ni Mama habang nagtatahi ng damit ni Papa.

“BS Accountancy po.”

Napangiti naman si Mama sa naging sagot ko. Halatang nagustuhan nʼya ang kukunin kong course. “Maganda iyang napili mong course, anak. Sigurado ako na maliit lamang ang nakakapasa nʼyan pero tiwala naman kami sa ʼyo na makakaya mo. Sana maging scholar ka anak para maliit na lamang ang maigastos namin sa ʼyo,” sabi ni Mama na patuloy sa pagtatahi.

Natahimik ako sa sinabi ni Mama. Hindi magiging madali na mag-strive ng scholar. Wala kasing ibibigay na allowance sa mga DL. CL and PL lang ang binibigyan nila ng allowance. May mga scholar naman na hindi pang-academic pero dapat malaki ang CGPA mo at GPA.

“Susubukan ko po na pumasok sa list of scholar,” tanging naisagot ko dahil hindi ko kakayanin na makapasok dito.

Ayaw ko naman malungkot o ma-disappoint sa akin ang mga magulang ko. “Hʼwag mong subukan. Gawin mo, dapat makapagtapos ka ng with latin honor at awardee. Hʼwag kang gumaya sa mga pinsan mo na walang natapos sa pag-aaral,” strikto na sambit ni Papa habang tinapunan nʼya ako ng seryosong tingin at binalik agad sa ginagawa.

Galing kasi sʼya sa maliit namin na garahe sa labas dahil nilinisan nʼya ang kaniyang tricycle. Tapos sideline nʼya rin na magtrabaho bilang janitor para mapagkasya ang gastusin namin araw-araw.

Tumango na lang ako bilang sagot. Dahil ayaw ko makipag-sagutan sa tatay kong kakaiba kapag magalit. Saka ayaw ko rin sa kaniya kung paano nʼya maliitin ang mga pinsan ko. Hindi pa naman nʼya alam ang magiging takbo ng tadhana pero hinuhugasan na nʼya ang mangyayari sa buhay ng mga pinsan ko.

Mas tiningnan ko ang aking cellphone at halos mapatalon ako sa gulat dahil sa aking nakita. Lumabas na nga ang result ng exam kaya  nanginginig ang aking daliri habang pinipindot ang link ng examination. Tahimik akong nagdadasal na sana makapasa ako dahil hindi na namin kaya ang private school.

Pag-open ko sa link ay tinaype ko agad ang birthday ko dahil ʼyon ang way para malaman ko ang aking score kung nakapasa ba ako o hindi. 80 ang passing score namin. Pagkalabas ng result ng exam ko ay mas lalo akong natuwa.

I got 100 score sa exam. Pasado na ako sa cutting score ng accountancy na 90. Nakangiti akong lumapit kay mama at pinakita ang score. Nanlaki ang mga mata nʼya at niyakap ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon