-CHYLENE HERA
Naglalakad ako ngayon dahil katatapos lang ng examination ko. Nauna na si Leigh dahil may pupuntahan pa raw sʼya. Habang ako naman ay tumambay muna rito sa Nightangle dahil magpapahingin ako rito. Sobrang na-drained ang isip ko roon sa examination. Sana nga lang ay pumasa ako, ayaw kong ma-disappoint ang mga magulang ko sa akin lalo na achiever ako.
May mga bench dito na nakabuo ng lettering and sa gitna ay may naka-design na parang tower na umiilaw pa. May mga magjowa pa na nagsusubuan at sweet sa isaʼt isa. Hindi siguro nila alam ang salitang privacy. Napapaiwas na lang ako ng tingin sa puwesto nila.
Saan na kaya si Mandy? Tapos na kaya sʼya mag-exam? Baka hindi pa kasi wala pa sʼyang chat and message sa akin. So kami ʼyong huli nakapagsimula tapos kami pa ʼyong una natapos.
"Tapos na ba ang exam mo?" tanong nang isang boses kaya halos mapalundag ako sa aking upuan.
Tumabi sa akin ang taong iyon kaya nilingon ko agad kung sino ito. Nakita ko si Asther na nakangiti. "Oo, ano pala ang ginagawa mo rito, Asther?" tanong ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin.
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nʼya kasi hindi naman ako nakatingin sa kaniya kundi sa harap. "Bakit? Ayaw mo ba akong makita?" balik nʼyang tanong.
Baka makita kami rito ng mga fan girl nʼya. Ano na lang kaya sasabihin nila sa akin? Sure ako na puro pambabatikos ang marinig ko dahil kasama ko rito ang Student Council President.
"Hindi naman sa ganoʼn. Ayaw ko lang ma-issue tayo Asther," diretso kong sabi para malaman nʼya agad ang iniisip ko.
Natawa naman sʼya ng mahina sa sinabi ko. Napapatingin na nga sa amin ang dumadaan at pinagbubulungan kami. Open space pa naman itong kinauupuan namin kaya kitang-kita kaming dalawa rito.
"Hayaan mo sila sa iisipin nila. Wala naman akong pakialam sa iniisip at pinagsasabi ng iba. Saka tawagin mo na lang akong Reen. Mas maganda if ganiyan ang itatawag mo sa akin," sabi nʼya at ramdam ko sa boses nʼya ang galak.
So, pumapayag na sʼya magpatawag galing sa pangalan nʼyang Vashreen? Akala ko ba ayaw nʼya sa second name nʼya.
"Bakit gusto mo na ganiyan ang itatawag ko sa ʼyo?" seryoso kong tanong kasi curious din ako.
Ayaw ko naman maging feeling close porket kaibigan ko ito. Dapat alaalahanin ko rin na galing ito sa sikat at mayamang pamilya.
"Dahil kabigan kita," sabi nʼya sa mababang boses na parang napipilitan.
Ganoʼn din ba ang tawag nʼya sa kaniyang mga kaibigan? Baka nga oo kasi kaibigan nʼya rin naman sila.
"Okay, since ganoʼn ang tawag sa ʼyo ng mga kaibigan mo ay papayag ako," sabi ko sa masayahin boses.
Hindi lang kasi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng malapit na kaibigan na lalaki. Masaya pala kapag may kaibigan kang lalaki.
"Puwede ba kitang imbitahan?" pag-iiba nʼya ng usapan.
Imbitahan? Saan kaya nʼya ako iimbitahan? Hindi naman siguro sa family gathering nila? Kasi ayaw ko pumunta sa family gathering nila lalo na mayaman silang pamilya.
"Saan naman?"
Umupo sʼya sa upuan nasa harap ko para magkatingnan kami. Bumuka ang labi nʼya kaya kitang-kita ko ang braces nʼya na color black na. Until now pa rin ay may braces sʼya. Wala ba sʼyang balak na tanggalin ito?
"Sa band practice namin," sabi nʼya habang nakangiti.
Band? May banda pala sʼya? Ngayong ko lang nalaman o baka naman ito ʼyong kinukuwento sa akin ni Mandy na may sikat daw na band inside the campus. Hindi kasi ako interesado makinig sa mga kuwento sa akin ni Mandy dahil halos lalaki naman ang laman ng kuwento nʼya.
![](https://img.wattpad.com/cover/319891656-288-k816681.jpg)
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Dragoste[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...