-CHYLENE HERA
“Kinahihiya na talaga kita,” naiinis na sambit ni Mandy na nakaupo ngayon sa tabi ko.
Nandito kami ngayon sa bench na malapit sa New Building. Nagpapahangin kami rito dahil sariwa ang hangin dito. “Hʼwag mo nga ipaalala, nakakahiya talaga ʼyon sa akin,” sambit ko dahil kinuwento ko sa kaniya ang nangyari.
Natawa sʼya sa akin at puno pa ng pagkain ang kaniyang bibig dahil sa chichirya. “Shunga ka kasi, bakit ka kasi hindi naghanap mo na bago ka pumasok doon? Malay mo may bawat room na pare-parehas ang bawat room number,” sambit nito at kinakain ang kaniyang chichirya.
May punto naman sʼya pero siraulo talaga ang lalaking ʼyon kung sinabi nʼya lang agad edi sana hindi ako mapahiya roon. Sino kaya ulit ang lalaking ʼyon?
“Kasalanan talaga ito ng lalaking ʼyon, kung sinabi nʼya lang agad edi sana hindi ako mapapahiya sa klase na ʼyon. Kung alam ko lang ang pangalan ay...” sambit ko habang nakatingin na sa malayo.
Uminom ng tubig si Mandy. “Ano? Anoʼng gagawin mo sa lalaking ʼyon? Hahanapin mo ba at ipapa-salvage?” natatawang tanong ni Mandy na parang alam na nʼya ang gagawin ko.
Magandang ideya ang sinabi nʼya pero ayaw kong madungisan ang pangalan ko at pag-iisip. “Hʼwag ganoʼn, hindi naman ako ganoʼn mag-isip,” depensa ko sa aking sarili.
Sasayangin ko lang ang oras ko para sa siraulo na ʼyon. “Edi, anoʼng gagawin mo? I know you, hindi mo ʼyon papalagpasin lalo na napahiya ka.”
Napaisip ako sa sinabi ni Mandy at humarap sa kaniya ng nakangisi. “Kung malaman ko ang pangalan nʼya ay gagamitin ko ang pangalan nʼya sa story na sinusulat ko at papatayin para hindi na ako mahirapan,” cool kong sabi habang iniisip kung ano nga ba ang gagawin kong pagpapahirap.
“Akala ko ba hindi ka ganoʼn mag-isip. Scammer ka pala, e,” sambit ni Mandy at dinuro pa ako.
Inalis ko ang kamay nʼya sa pagduduro sa akin. Ayaw ko kasi ng ganoʼn. Pero, seryoso talaga na ganoʼn ang iisipin ko. Napahiya kasi ako ng lubos dahil sa ginawa nʼya kahit katangahan ko ang nakasalalay. Pero, sinabi ko naman ʼyon sa kaniya tapos hindi man lang ako na-inform. Nakakainis lang talaga ng sobra.
“Hindi ako scammer, okay? Sadyang naiinis lang ako sa kaniya lalo na ʼyong pagmumukha nʼya,” sabi ko nang biglang bumalik sa isipan ko ang pagmumukha nʼya na nakangisi.
Kung makita ko man lang sʼya ulit ay sisiguraduhin ko na babawi ako sa kaniya. “Parang gusto kong makilala ang taong ʼyan, ano ba ang pagmumukha niya?” curious na tanong ni Mandy.
Pagmumukha ng taong ʼyon? Siyempre panget na tao na may masamang ugali. “Pangit sʼya na puno ng pimples ang mukha. Nakakasuka pa ang kaniyang pagmumukha,” sambit ko at napangiwi naman si Mandy.
Kilala pa naman ito sa pagiging handsome striker. Mga guwapo ang mga gusto nʼya na idagdag sa collection nʼya. “Seryoso? Tapos tinawanan ka lang? Ghorl, dapat hindi ka pumayag. Itayo mo ang bandera ng mga babae. Hanapin nga natin ʼyan tapos sugurin natin. Kailangan mo makaganti, hʼwag kang mag-alaala dahil susuportahan kita,” sambit nʼya kaya napahinga ako ng maluwag.
“Sige, kapag nakita natin sʼya ay ituturo ko para masamahan mo ako. Nabubuwiset talaga ako sa kaniya lalo na kapag naalala ko ang mukha nʼyang panget,” sabi ko at napaismid na lang.
Maraming student ang naglalakad sa paligid. Marami rin ang naglalambingan sa tabi-tabi, may ilan din na nagpapansin sa mga crush nila. I think mga Junior High School ito dahil iba ang uniform nila sa amin.
Red jacket na may black sa bawat edge nito, black t-shirt at black pants ang uniform namin, sa mga lalaki naman ay baliktad. Black jacket with red ang uniform nila at red t-shirt sa loob kapag SHS.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...