Para saan nga ba ito?
Sa totoo lang ginawa ko ito nang biglaan. Naalala ko lang kasi iyong mga post ko minsan na #HugotNiEiyelle101 at #AdviceNiEiyelle101. Kadalasan kasi may bigla na lang nangyayari sa buhay ko na kahit naman walang kwenta eh binibigyan ko ng halaga. Oha!
Madalas kasi hindi natin binibigyan ng pansin iyong mga bagay na dumadaan sa atin. Hindi naman natin naiisip na makapagbibigay-aral ito kung ating iisipin.
Ilalagay ko dito iyong mga bagay na maaaring walang kwenta sa iba. Sigurado ako may magsasabi pa diyan na BITTER ako. Alamin nyo muna naman kung totoo, pwede ba? Kasi ako, kahit sa simpleng status lang ng iba sa fb, madalas nabibigyan ko iyan ng meaning. Iyong meaning na pansarili na lamang. Sa ganoong paraan nabibigyan ko ng aral ang sarili ko. But this time, gusto ko i-share sa inyo kung anuman ang maisip ko. May kwenta man o wala, basta para sa'kin...
someday it's gonna make sense.
Ano ba'ng mapapala ninyo dito?
Ewan ko. Basta ang alam ko lang, kung bukas ang isip ninyo sa pagtanggap ng mga bagay-bagay, may matututunan kayo dito kahit papaano. Kung hindi kayo mga dakilang galit sa mundo at puro negatibo ang iniisip, kung hindi kayo iyong tipo ng tao na ayaw maliwanagan ang isip at nananatili sa kanyang katwiran na walang kahihinatnan, maaaring matuto talaga kayo sa simpleng salita dito.
Handa akong maging kaibigan ninyo. Lapitan ninyo ako kung may problema kayo, kung kailangan ninyo ng advice. Handa akong mag-advice. Pero sana naman makikinig ka sa advice ko, ano? Hindi iyong nagpaadvice ka pa kung magmamatigas ka lang din naman. Ano pang saysay ng isesermon- este iaadvice ko sa iyo kung ganoon naman din pala, diba? Ang gusto kong bigyan ng advice eh iyong mga taong bukas ang isipan at handang tumanggap ng kaliwanagan ng isip. Hindi iyong mga nagmamatigas.
Kung lalapit ka para magpa-advice, humanda ka na sa mga tanong ko. Siyempre magtatanong-tanong muna ako para alam ko naman ang eksena. Hindi iyong basta na bibira at sasawsaw nang wala namang alam sa nangyari. Paano ako makakakapag-bigay ng advice, diba?
Kapag nagtatanong ako, huwag mong isipin na napaka-tsismosa ko naman. Depende naman iyon kung sasagutin mo ang tanong ko eh. Para din naman iyon sa mga advices na ibibigay ko. Medyo hard ako pag nag-advice. Pagkatapos kong magtanong at nalaman ko na ang istorya tapos nakita kong medyo may saltik ka o pagkakamali, talagang pinapamukha ko na mali ka. Dederetsohin kita para alam mo. At least malalaman mo di'ba? Hindi kita kailangan plastikin kasi para sa iyo din naman iyon. Kung hindi kita dederetsohin, paano naman makakatulong sa'yo ang kaplastikan ko?
Oh, iniisip mo ba matapang ako? Takot ka na ba humingi ng advice kung sakaling magka-problema ka? Nakuh, wag kang shunga! Hahaha. Kailan pa nag-grow ang taong palaging takot? Huwag kang mag-alala. Kung kailangan mo ng kaibigan andito ako. Handang pektusan ka! Hahaha.
Yun lang! Feel free to approach me everytime you need a friend! ^_^