#NOTE: mahaba. masyadong hugot.
Masakit ba? Oo, alam kong masakit iyan. Pero alam mo ba kung anong dapat mong gawin?Iiyak mo lang! Hanggang kailan? Hanggang mapagod kang umiyak. Kasi sa ganung paraan, ginagawa mo ang Letting go. Pag wala ka ng maiiyak, gawin mo na ang moving on.
Paano? Ibaling ang atensyon sa iba. May umaaligid ba sayo, nagpaparamdam? Meron man o wala buksan mo ang puso mo at papasukin ang taong yon o yung taong darating pa lang. Oo siguro hindi mo pa mahal ngayon, pero balang araw mamahalin mo din iyan. Isipin mo lang yung magagandang ginagawa niya sayo na siyang maaaring dahilan upang siya'y mahalin mo.. kung may masamang side siya, tanggapin mo iyon. Pero depende naman kung gaano kasama.
Oh ayan, nasabi ko na ang dapat mong gawin. Choice mo na kung iyong susundin. Kung iisipin mong mahirap, wag ka nang umasang mkakamove on ka. Dahil sa taong gustong magmove on, Condolence at rest in peace na sa taong negative.
Sasabihan mo ba ako na ang kapal ng mukha ko o malakas ang loob kong sabihin ito gayung di ko naman alam ang narararamdaman mo? Tanggap ko iyan. Oo siguro nga hindi ko alam. Pero alam ko at may ideya ako kung gaano kasakit.
Bilang isang taong minsang nagmahal ng totoo pero sinayang ng maling tao, pinili kong bumangon at maging masaya kasabay pagbitaw sa masamang nakaraan ko. :) sana ikaw magawa mo din.