Sa Mundong NakakaP**a

121 22 0
                                    

Alam mo iyang Pag-ibig nakakap*ta talaga iyan eh. Madaming nababago iyan sa buhay mo. Iyong tipong isa lang siyang dumating pero ang dami ng nagbago. Iyong dating mundo mo na umiikot lang sa barkada mo biglang nag-iba ang ikot noong dumating siya sa buhay mo. Isang dumagdag pero maraming nabaliktad. Nag-iisang tao nakapagpabago ng daily routine mo.

Isipin mo, kung dati sa tanghali at hapon ka lang may hinahanap at ang hinahanap mo lang ay ang barkada mo, noong dumating siya kakamulat pa lang ng mata mo siya na agad ang hanap mo. Hinahagilap mo na agad ang cellphone mo para tingnan kung nag-chat at nag-message na siya sa'yo. Iyong oras mo sa barkada mo napunta na sa kanya. Kung dati nakikipag-kwentuhan ka pa sa barkada, ngayon it's either hindi ka na makipagkwentuhan or nakikipagkwentuhan ka hawak mo ang cellphone mo kachat/katext mo siya. See, wala na sa kanila ang attention mo?

Dumating siya, minahal ka, naniwala ka, minahal mo. So dumating din iyong punto na kapag may gimmick ang barkada, it's either hindi ka kasama, or sasama ka kasama rin siya, or sasama ka kasi magkaaway kayo. Grabe, mahal na mahal mo na siya! Hindi mo na siya kayang iwan. Todo pasalamat ka kay God kasi ibinigay siya sa'yo. Sobrang saya mo kapag magkasama kayo. Feeling mo kinumpleto niya ang buhay mo. Feeling mo hindi ka na mabubuhay ng wala siya. Feeling mo siya lang sapat na. Hiniling mo na sana kayo na talaga. Pinangarap mo na sana kayo na hanggang huli. Nawala na ang barkada sa eksena.

Kailan ba sila ulit papasok? Siyempre sa panahong ganito...

Ayan na! Nag-away na kayo! Nagselos/Nagtampo ka sa dahilang katanggap-tanggap na hindi niya maintindihan at ikaw pa ang sinabihan na hindi mo daw siya naiintindihan. Naging cold siya ng ilang araw, umabot ng isang linggo, nawalan na ng gana sa'yo, nawalan na kayo ng sparks. At iyon na nga, umiyak ka. Sino bang lalapitan mo? Di'ba iyong mga taong iniwan mo, tinalikuran mo or kinawangan mo dahil lang sa isang tao? Barkada mo! Sila ang sinabihan mo ng problemang 'yan. Ang kapal mo din ano? Pasalamat ka mabait sila. Pinakinggan ka nila at naintindihan nila ang problema mo: na siyang hindi naman naintindihan ng letseng isang dumagdag sa buhay mo na pinagkahusay-husayan mo!

Hanggang sa iniwan ka na nga ng taong iyon... Paano ka magmo-move on? Siyempre sa tulong ulit ng barkadang minsan mo na iniwan para sa taong sinabi mong  "Buhay Mo" kuno.

Sa huli saan ka ba dadamputin? Siyempre sa BARKADA mo pa rin. Sa mga totoong nagpapasaya sa'yo kahit walang kapalit. Sa mga hindi nang-iiwan dahil sa simpleng tampuhan. Sa mga nakakaintindi sa'yo. Sila ang dapat mong ipagpasalamat sa Panginoon. Sila ang dapat mong i-consider na kumumpleto sa'yo, ipagpasalamat na makasama mo, at hihilingin mong makasama pa sa mahabang panahon.

So huwag mo nang ulitin na talikuran, kalimutan or kawangan sila-ang nakararami, dahil lang sa nag-iisang dumagdag sa buhay mo.. Huwag mo nang sasayangin ang pagkakaibigan ninyo dahil lang sa taong inaasahan mong siya na.. 'Wag na 'wag kang malilito. Hindi mo naman kailangan pumili between 'Siya' o 'barkada'. Ganyan lang talaga sa mundo ng pag-ibig... Nakakap*ta.

Hugot/Advice ko [^_^]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon