HAPPY 10: RIVALRY

15 1 0
                                    

HAPPY 10: RIVALRY


JOHANN's POV


Grabe, sobrang saya ko paren, diparin ako makapaniwala na girlfriend ko na ngayon si crush.

Ang saya saya saya.


Ano na bang gagawin ko?

Magkita kaya kami sa 7eleven? ay wag nalang dun. palagi nalang dun ang eksena eh.


dito kaya sa bahay. tutal pauwi narin naman si mama mamaya eh. si papa naman gabi pa ang alis, tas nandito rin si ate. perfect timing to para ma meet nya ang family ko :D


"Hello, Jiselle. may gagawin kaba ngayon?" tinawagan ko sya at sinagot nya agad


"ay wala naman baket?"


"punta ka dito samin, magkita tayo sa 7eleven, sunduin kita dun" toinks nagamit ko rin yung lugar na 7eleven. masyado ng promoted yun ah. ministop naman kaya o kaya cheers HAHAHA jk


"ah sige. magbibihis nako ah, wait kita dun bae. mga 8am" sabi nya


"okey sige! anung bae? tawagan naten? ayoko nun" HAHA nagreklamo daw ako kunyare


"ay bakit ayaw mo nun?" sabi nya


"ang panget ng meaning nun, Break Ang Ending HAHAHA" sabi ko


"Oo nga noh haha, edi MHE nalang"

"MHE? anu namang meaning nun?" tanung ko


"MHE, edi May Happy Ending HAHAHA oh diba ang cute" sagot nya


HAHAHAHA oo nga noh ang cuuute


"hahaha sige sige mhe nalang. okey sunduin kita don ah"


makalipas ang ilang minuto, nakapagluto agad ako ng mga pagkain. mga 7:30 palang ng umaga. di naman halatang excited ako diba? pumunta agad ako dun sa malapit na 7eleven samin para ako nalang yung maghihintay sa kanya bago mag 8am.


pagdating ko don. nakita ko na kaagad sya HAHAHA, uuuy may mas excited pa pala saken XD


"MHE kanina kapa dyan?" salubong ko sa kanya


"ay hindi naman, kakarating ko lang din" aywe? eh mukha ngang kanina pasya dito eh haha


"tara na. pakilala kita sa family ko"


"ah sige tara."


Habang naglalakad kami papunta sa bahay. hawak hawak ko yung isa nyang kamay. eto naba yung tina tawag nilang holding hands while walking? HAHA ang sarap sa feeling. ang lambot lambot ng kamay nya. kalalaki kong tao kinikilig ako haha

Walang Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon