HAPPY 15: THE PLAN

14 1 0
                                    

HAPPY 15: THE PLAN


JOHANN's POV


Mga ilang linggo narin akong naka confine dito sa ospital, si mama at si ate Jorinda lang ang madalas na nagbabantay sakin dito. Madalas din naman akong dalawin dito nila bruh at Jiselle, kaso diko na sila masyadong ma entertain dahil medyo hirap narin akong magsalita.


"Good morning po tita, ate, Johann" bigla kaseng dumating sila Bruh kasama nya sila Kath at Darren dito na may dala dalang mga prutas.


"ay good morning hija, hali kayo dito maupo kayo" sabi ni mama


"tita kumusta napo ang lagay nya?" tanong ni Darren, alam narin pala nila Kath at Darren yung sakit ko


"ayan, medyo maayos naman. Parang namamaos lang sya ngayon." sabi ni mama


"ah ganun po ba, ay eto po tita may mga dala po pala akong mga prutas dito" sabi ni Maurine


"maraming salamat Maurine ah."


"ay wala po yun"


"thank you kase hindi mo sya pinabayaan, palagi kang nandyan para sa kanya" sabi ni mama


"nako wala po yun tita, ganun po talaga pag bestfriend." sabi ni Mau


"talaga? nako maswerte pala yang si Johann eh, may bestfriend syang kagaya mo" sabi ni mama


"nako tita, mas maswerte po ako sa kanya" Mau


"hmm. Oh teka lang hija ah, bibili muna ako ng pagkaen natin, samahan nyo muna si ate Jorinda mo dyan" paalam ni mama


"ah sige po."


Pag alis ni mama, biglang lumapit sa akin si Mau at hinawakan yung kamay ko ng mahigpit, si ate naman nanood lang ng tv. Nakatingin lang din sakin sila Kath at Dar.


"Johann, anong nararamdaman mo ngayon? medyo okey kana ba?" tanong nya


"ah oo, okey lang ako." sagot ko


"psst, alam ko di ka okey, naka ngiti ka nga pero nakikita kong may masakit parin sayo" sabi nya haha grabe talaga tong si bruh only my bestfriend can see the pain behind my fake smile.


"ah oo, medyo hurtful pa nga yung feeling ko."


"aahm. alam mo Johann, MAY GUSTO kase sana AKOng sabihin SAYO eh, matagal ko na dapat tong sinabi sayo kaso natatakot lang ako." sabi ni Mau

"natatakot? saan? bat ka naman natatakot?" tanong ko


"natatakot akong baka masira yung friendship natin" sagot nya


Walang Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon