HAPPY 14: DI YAN TOTOO!
JOHANN's POV
Nandito kami ngayon sa ospital na pinakamalapit na nadaanan namin habang nagmamaneho si kuya.
Kasama ko ngayon sila Maurine at Jiselle, binabantayan nila ako ngayon. Si kuya naman umalis na pabalik ng camp, pero bago sya umalis tinawagan nya muna sila mama at ate Jorinda para puntahan ako dito.
Habang nagdadrive kase kanina si kuya papunta samin eh bigla nanaman akong inubo ng matinde. Tas sumuka nadin ako ng dugo kaya wala na silang nagawa kundi dalin ako dito sa ospital.
Pina inom na nila ako ng gamot para dun sa ubo ko at saka pain killer narin para naman dun sa sakit ng likod at tagiliran ko.
Pero bago kami umalis ng kuhala bay kanina, hindi ko pwedeng makalimutan yung gold fish na nahuli ko sa may fish pond. nilagay ko yun sa plastic bottle at itinago sa bag ko, ngayon ay nasa bag ko parin sya. Sana buhay pa haha, may pagbibigyan kase ako nun eh.
Mga ilang oras pa ang lumipas, dumating na sila mama at ate.
"oh anong nangyare sayo Johann?" sabi ni mama
"ah tita, Good evening po. Nagkasakit po kase sya tapos inuubo ubo po" sabi ni bruh
"ganun ba? anong sabi ng doctor?" tanung ni mama
"chineck up palang po sya tapos binigyan sya ng gamot" bruh
"ah okey."
"ahm, Good evening po maam, kayo po ba yung magulang ng patient?" biglang dumating yung doctor
"ay good evening din po. opo ako po ang magulang nya" sabi ni mama
"ah okey po, paki pirmahan nalang po yung mga nandito tapos kukuhanan napo muna namin sya ng dugo." sabi ng doctor
wuuuut? kukuhaan ako ng dugo? AAAAAAHH AYOKO NG INJECTIOOOOOOOOOON
"doc, dipo ako pwede sa injection" sabi ko
"wag kang mag aalala hijo, di to masakit, parang kagat lang to ng langgam."
luh? pano nya nalaman na takot ako sa karayum?
"ah doc, edi ipakagat nyo nalang po ako sa langgam" sabi ko
"Hahaha wag kang matakot hijo, relax ka lang" sabi ng doctor
"uwaaaaaaa! ang sakeeeeet" sabi ko >.<
"hijo wala pa! diko pa naitutusok, relax ka lang, hindi yan masaket"
"okey"
Pagkatapos kumuha ng dugo yung doctor sakin. Umalis din sila agad at ibinigay nya yung injection sa mga nurse na kasama nya.
ie-examine daw nila yung dugo na yon para madetect nila yung sakit ko.
"mhe, ayos ka lang? wag kang mag alala gagaling kadin." sabi ni Jiselle
"bakit ba kase bigla ka nalang nagkasakit ng ganyan? may nararamdaman ka naba dati pa?" tanong ni ate Jorinda
"meron po ate, inuubo ubo nako dati kaso di ko nasasabi sa inyo dahil ang dami kong ginagawa." sagot ko
"oo nga bruh, diba matagal na yang ubo nayan? dika pa pala nagpacheck up?" sabi ni bruh
"oo eh. madalas ko kaseng makalimutan haha" sabi ko
BINABASA MO ANG
Walang Happy Ending
Teen FictionHello guys, im John :D Gusto ko lang naman sabihin sa inyo na ang istoryang ito na sinulat ko ay para sa mga taong pusong sugatan, pusong duguan at pusong butas at crack, para sa mga taong bigo sa pag-ibig, bigo sa pamilya, bigo sa kaybigan, bigo s...