HAPPY 2: TEXT
JOHANN's POV
Pag uwi ko sa bahay galing 7eleven mga bandang 6pm na, samantalang umalis ako dito ng mga 9am ng umaga.
grabe! diko na namalayan yung oras, nakaka tuwa kasing kausap si benben eh.
sabi nya saken next time dun daw ulet kami magkita, uuwi nadaw sya kasi nagtext nayung papa nya. pero teka nga muna, meron kase talaga syang kamukha eh. kamukha nya yung ano... yung ano ko dati... amp yung ano, dinyo ba maalala? si ano. tsk tsk dibale na nga atleast nalaman kong hindi sya yung iniisip ko, kamukha at kaugali nya lang pala HEHE.
"oh bat ngayon kalang?" sabi ni papa
"nagpalamig lang po ako sa 7eleven, nakakamatay daw po kasi yung sobrang inet eh"
"sige, magsaing kana lang dyan at ikaw na bumili ng ulam nyo, papasok nako"
"okey po. anung oras po kayo uuwi?"
"10am nako makaka uwi, ikaw ng bahala dito"s
i papa kase panggabi sya sa trabaho nya. gwardya kase sya sa isang call center company kaya ganun.
"sige po pa"
ay sheeet, yung cellphone ko nga pala. may mga nagtext nga pala saken kaninang umaga.pagtingin ko.
BOOM, sabog ang inbox ko.
puro gm naman to eh.
pero may isang text na pumukaw ng atensyon ko.
si kathyrine mendosa, yung famous nung 4rt year highschool kame, nag pm saken? aba himala!
madalas kaseng gm lang ang ginagawa neto eh. kahit mag hello ako sa kanya ayaw talagang mamansin.
Si Kathyrine din yung nag pm saken noon ng tungkol sa debut ni Maurine rivera kaya ako nakapunta haha. ang laking pasasalamat ko sa kanya dahil kung di sya nag text nun eh baka diako nakapunta nun.
february 2014 yung debut ni Maurine nun at ininformed ako ni Kathyrine. april 2015 na ngayon. 1taon na ang nakalipas ngaun nalang ulit sya nag pm saken.anu kayang meron?
"wui johan, magkita kita daw tayo sa linggo dun sa mcdo sa parola. 8am"
huh? baket kaya? magkita kita? madami ba kame?
nag paload at nagreply agad ako
"kathyrine, baket? anung meron?"
after 5minutes, nagreply na sya
"hoy bakit ngaun ka lang nagtext? dimo ba alam?"
"naiwan ko kasi cp ko eh, alin ang di alam?"
"may swimming daw tayong mga magkaka batchmate nung elementary"
"aywe? bat diako informed? mga jojo talaga sila kelan daw? saan? sino? bakit? paano? totoo? dinga? weeh?"
"oo, nga baliw ka talaga. oh eto number. i pm mo, sya nalang tanungin mo, 0910674****""sige salamat, teka, sino ba ituu?" tanong ko
"basta itext mo nalang"okey sige, itetext ko nalang mamaya. tinatamad pako eh hahaha.
Nung grade 6 kase kame, sila Kathyrine Mendosa, Maurine Rivera, Darren Hernandez at ako ay talagang solid troopers.Mula pa noon hanggang nung high school kame ay di nag bago yun.
sa kasamaang palad, nagkahiwa hiwalay na kame pagdating namin ng college.
kanya kanyang school na kase ng pinasukan at bihirang bihira nalang kame magkita o mag kamustahan manlang.
Si Venissa jiselle naman, sya yung ultimate crush ko simula elementary, kaso pagdating namin ng high school eh di ko na sya nakita.
Maganda si Venissa, kahit mga bata pa kami noon eh talagang lutang na lutang na yung kagandahan nya.niloloko nga ko nila Darren dati na ligawan ko nadaw. HAHAHA
excuse me bata papo ako di ko pa nga po alam meaning ng LOVE eh. hanggang crush lang po ako XDpero promise, pagnagkita ulet kame, saka nako manliligaw. eeeh?kamusta na kaya sila? balita ko may reunion daw na magaganap eh. im so egzoiteeed.
elementary reunion ito, ibig sabihin nandun si venissa. yeyy. makikita ko ulet si crush ;">
teka nga. replyan ko na kaya yung number na binigay sakin si kathyrine.
first text ko sa kanya "HOY" ang rude ko no HAHA medyo bastos.
"hoy kadin" aba nag reply.
at ang taray ah
"balita ko may reunion daw ah, kelan, saka saan, magkano?" tanong ko
"sa calamba, laguna. golden resort, sa april 30, no need to pay. i can manage"
sagot nya aba mayabang to ah, ano akala mo saken walang pera? well oo nga tama sya.
"libre mo entrance naming lahat? saka foods?"
"oo nga, ang kulet all you have to do is to attend in our reunion"
edi wow, mayaman kapala eh. teka sino ba itong mayabang na to?
"wait lang, ano nga ulet name mo?"
mga 1hour, 33 minutes, 26 seconds at 85 miliseconds nakong naghihintay ng reply nya pero di na sya nag text. baka nalunod na sa pera nya. angas kase
!tinext ko si kathyrine
"kath, sino ba yung mayabang na yon? yung binigay mo saking number"
"baket? panong mayabang?" reply nya
"basta na aangasan ako eh"
"basta kilala mo yun, classmate natin yan nung elementary"
"ano ngang pangalan?"
"secret HAHAHA"
huh, ang wierd naman. alam ko na! may hinala akong si Darren o kaya si Maurine yon.lakas trip netong mga to eh."ah sige, basta sabay sabay tayong pupunta ng calamba, laguna ah." text ko
"yes boss"
(NEXT CHAPTER)
BINABASA MO ANG
Walang Happy Ending
Genç KurguHello guys, im John :D Gusto ko lang naman sabihin sa inyo na ang istoryang ito na sinulat ko ay para sa mga taong pusong sugatan, pusong duguan at pusong butas at crack, para sa mga taong bigo sa pag-ibig, bigo sa pamilya, bigo sa kaybigan, bigo s...