Miguel POV
"Miguel!" narinig kong may tumatawag sa akin.Paglingon ko..
"Lolo! Lolo, miss na miss na kita" tumakbo ako papunta kay lolo at niyakap sya ng mahigpit
"I miss you too Miguel" sabi ni lolo habang nakayakap parin sakin
Humiwalay narin si lolo sa wakas. Nakahinga narin ako. Di joke lang.
"Kamusta na Miguel? Ano, may girlfriend ka na ba uli?" tanong ni lolo. Alam rin kasi nya na naging kami ni Wendy and pinilit lang ako ni mommy na maging kami.
"Wala pa po lolo" sagot ko.
"How about girl bestfriend? Meron ba?" tanong uli ni lolo sa akin. Ang curious ni lolo masyado sa personal life ko. Haha.
"Meron naman po lolo" sagot ko kay lolo. Para naman masatisfyBianca POV
Tanghali na ako nagising. Mga 11:30am ata un, Miguel kasi eh. Aga tumawag. Naextend pa ng super tagal ung tulog ko, nakulangan.Maliligo na ako ngayon, then siguro pupunta si Eunice. Maglalaro kami ng Dama.
Pagtapos ko maligo bumaba na agad ako para hintayin si Eunice
Maya maya habang nakaupo ako sa may sofa, biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo naman ako para buksan ung pinto.
Pagbukas ko ng pinto..
"Bianca!" sumigaw si Eunice, akala mo naman nasa bundok eh XD
Pagkapasok naman ni Eunice bigla akong yinakap. Grabe ito ha."Eunice, di na ako makahinga" sinabi ko kay Eunice, ayun bumitaw narin. Epektib!
"Oh, ano? Ready ka na ba sa laban natin? Nag practice ako para dito ha, hindi dapat ako matalo!" nagyabang pa ito. Hayss
"Ready ready na ako! Nagpractice rin ako noh. Pero, ayoko magyabang. Inunahan mo na kasi ako eh" biro ko kay Eunice
"Huy! Hindi ako mayabang" Eunice..
"Joke lang. Hahaha" sumimangot habang tumatawa ako. Hahaha XD"Ano ba naman ito. Halika na nga, maglaro na tayo" yinaya ko na si Eunice maglaro, kinuha ko naman ung board para makasimula na kami.
Tumagal ung laro namin.
Nung natalo ko na si Eunice..
"Panalo ako, talo ka" sabi ko kay Eunice. Panalo ako, yes!
"Oo na, sige na. Panalo ka na, talo ako. Wag mo na ipamukha. Ulit!" nagrequest si Eunice ng rematch kasi talo sya. Pero kailangan ko na maghanda eh.
"Hindi na pwede Eunice, umuwi ka na. Kailangan ko na maghanda. Ininbita kasi ako ni tita Giselle na magdinner" pageexplain ko kay Eunice.Linigpit na namin lahat ng kalat at nagpaalam na si Eunice at umuwi na. Ewan ko lang kung tatakas un at gagala nanaman kung saan saan. Umakyat na ako agad sa taas at nagbihis ng pangalis. Nagsuot ako ng floral na dress at kumuha ng isang maliit na puting bag. Naghead band nalang ako para walang hasel.
Bumaba na ako at pumili ng sapatos, pinili ko ung floral ko rin na sapatos. Para pares sa dress ko.Maya maya naman dumating narin si Miguel..
Miguel POV
Bumaba na ako ng sasakyan at kumatok na sa pintuan nila Bianca.
Binuksan na ako ni Bianca at umalis na kami.Pagdating namin sa restaurant...
Umupo na kami ni Bianca sa table na rineserve ni mommy. Nandito narin si mommy, nauna na sya kesa samin at nagorder na para sa amin.
Habang kumakain kami...
"So, Bianca. What are your plans for college? What course will you take?" paninimula ni mommy.
"Umm, matagal ko na po kasing pangarap na maging doctor balang araw. Para mabigay ko po sa pamilya ko ung buhay na matagal na namin pinapangarap" sagot ni Bianca kay mommy
"Ahh, that's great! A doctor and a pilot ay bagay na bagay as a couple ^_^" ha?! Ano nanaman pumasok sa isip ni mommy -__-
Napangiti nalang si Bianca sa sinabi ni mommy sa kanya, or sa amin.Natapos narin kami kumain at nagbayad na si mommy.
On our way to the parking lot..
"Ma, ako na po maghahatid kay Bianca. Alam ko po kung saan sya nakatira"sabi ko kay mommy. Pumayag naman..Pagdating namin sa bahay nila Bianca..
"So pano. Mauna na ako ha. Goodnight!" paalam ko kay Bianca
"Sige, bye. Goodnight" nagpaalam si Bianca sakin at umalis na ako at umuwi.------------------
Sorry for the long wait para sa ud. Natamad kasi fingers ko eh. Haha. Sorry again.
Enjoy!!