Prologue

539 13 0
                                    

"Mr. Riego, you will be the partner of Ms. Marquez" saad ni Sir.

Nang marinig ko ang sinabi ng aming Sir napatingin ako kay Kairo na ngayon ay nakatingin na sa akin ng masama.

"Diba mag karibal kayo sa acads? then ngayon mag ka grupo na sa reportings, sign naba yan na mag babalik na ang aking ship na MoraKai" sabat ni Ara habang nakangiti na parang nang aasar.

"Tsk Ara matagal na yun wag mo na nga ibalik pa nanakainis naman!" sigaw na sabi ko at inayos gamit ko.

Napatingin ako sa aming Sir ng marinig siyang nag salita.

"Ms. Marquez!, you forgot that there is a teacher in front of you wala kang respeto" ani nito na masamang nakatingin sakin.

"Get out" dugtong pa niya, agad ko namang inayos lahat ng gamit ko at napatingin sa gawi nila Kairo na natatawang nakatingin sakin, inirapan ko lamang sila bago lumabas

"Nakakainis! sobra akong na iinis, nag momove on nako sakanya bakit siya pa?!" inis na asik ko habang nag lalakad sa hallway at bitbit gamit ko.

Dumeretso ako sa library para mag check ng mga books na medyo familiar sa topic namin sa report, ilang minuto din akong nag stay sa library ng marinig ang bell agad kong inayos yung mga gamit ko at dali daling lumabas ng library para salubungin si Ara.

"Bes" sigaw ko ng makita siya at dali daling lumapit sakanya.

"Ano? yan kasi nag inarte ka yan tuloy na palabas" natatawang sabi nito habang umiiling.

"Tsk, ang dami daming student siya pa ha?! nakakainis pwede naman atang mag solo" I said habang naka crossarm.

"Asus gusto rin naman, hindi mo ba namimiss?" saad niya, inirapan ko na lamang siya at nag punta na sa cafeteria.

Habang nag kwekwentuhan kami ni Ara nagulat nalang ako ng marinig ang malamig na boses ni Kairo na nag mumula sa likod ko.

"here, ito address ko pumunta ka after class para matapos na to" saad niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko at inabot yung papel.

"uhm ahm.." natigalan ako at di nakapag salita.

"Ano?, kung ayaw mong pumunta ako nalang gagawa tutal kaya ko naman" imabot niya sakin ang papel at umalis din agad.

Bumalik nanaman ang pagiging demonyito niya.

"Hoy!" saad ni Ara sabay batok sakin, agad naman akong natauhan at namumulang tumingin sakanya.

"Ano yan te? kinikilig kana? akala ko ba move on na" pang aasar niya, inirapan ko nalamang siya at umayos ng upo.

"Pumunta kana wag kanang tumanggi pa sayang yon" natatawang ani niya, kinurot ko nalamang ang tagiliran niya at natawa nalang din.

"Oo na basta walang malisya to as if naman na magugustuhan ko ulit yon duhh" rolled eyes.

"Tatandaan ko yang sinabi mo Amora!" sigaw niya sabay turo sakin, natawa nalang ako at napailing.

After namin kumain dumeretso na kami sa last sub namin at pagkatapos non dumeretso ako sa cr para mag ayos ng kunti dahil di nako makakauwi sa bahay para mag ayos pa, naunang umuwi si Ara dahil birthday ng mommy niya kaya ako nalang mag isang pupunta sa bahay ng lalaking yon.

After kong mag ayos dumeretso nadin ako sa terminal at pumara ng taxi.

"Manong bayad po" ani ko sabay abot ng bayad at sinabi sakanya kung saan yung address ni Kairo.

Pagkababa ko sa taxi napatingin ako sa bahay nila, ang daming memories dito hindi parin nag babago ang bahay nila maganda padin tulad ng dati.

Nag doorbell nadin agad ako at agad naman akong pinagbuksan ng mga maids niya.

Pumasok na ako at agad naman akong sinalubong ng mga maids niya, "Hi miss, sino po sila?" saad ng isa "baka gf ni Sir" ani naman nung naka salamin, umiling ako ng marinig iyon at natawa "hindi po, kapartner ko po kasi siya sa report namin, asan po pala siya?" tanong ko, nakakapag taka hindi nako kilala ng mga maids dito, siguro nag palit na?

"Nasa taas halika" sabat ng maid, at sinamahan akong umakyat sa taas at pumasok ng kwarto niya.

"Ang ganda hmm kasing laki lang ng dorm ko pero mas maganda itong kwarto niya, nakakamiss talaga tumambay dito kasama sila Borj" I said at nilibot paningin ko sa loob ng kwarto niya.

"Oh nandito kana pala akala ko hindi ka tutuloy, maarte ka pa naman" natigilan ako ng marinig iyon at napatingin sa likod ko, naka balot lanv ang towel sa waist niya habang nag pupunas naman siya ng buhok at nakatingin sakin, hindi ko mapaliwanag ang nararandaman ko ewan ko ba, oo pogi siya, mayaman at habulin ng mga babae pero ang sama ng ugali niya!

"Hoy!, alam kong pogi ako wag mo nako titigan baka mamaya kulamin mo pako" dugtong niya pa at natauhan ako sa sinabi niya at inirapan siya, "feelingero tsk"

Nilabas ko na ang libro ko at inantay siyang matapos sa pag bibihis nag research narin ako ng mga idea sa google, idea lang naman kukunin ko gaya mo pako sayo na halos lahat kinuha na kimi lang.

Mahaba mahaba ang gagawin namin buti nalang next week pa ang pasahan, nag umpisa nadin kaming gumawa.

Puro asaran lang kami at wala pa sa kalahati ang nagagawa namin pero anong oras na, tumingin ako sa relo ko at nakitang 9:40pm na napabaligtas ako sa kinauupuan ko at nag mamadaling ayusin gamit ko.

"Ano nanaman nangyayari sayo ha? nababaliw kana ba? hindi pa tapos thesis natin" Saad niya, "need ko na umuwi may curfew ang dorm na tinutuluyan ko dapat 10:00 pm nasa dorm kana kung ayaw mong masiraduhan" sagot ko.

"Pero 9:45 pm na aabot kapa kaya?" pang aasar na ani nito, inirapan ko nalamang siya at kinuha gamit ko at dali daling lumabas ng kwarto niya "9:50 palang aabot pa to" I said habang nag mamadaling lumabas ng bahay nila, nag antay lang ako ng taxi sa labas ng gate nila.

"10:00 pm na" napalingon ako ng marinig ang malamig na boses ni Kairo sabay tingin sa relo ko, napa upo nalang ako sa sahig at napabuntong hininga.

"Hays saan nako tutuloy nito?" tanong ko at susubukan sanang tawagan si Ara kaso lowbat din ako, napayuko nalang ako at tumahimik

"Dito kana matulog, wag kanang bumyahe gabi na mahirap na at babae ka pa naman baka mapahamak kapa" sabat niya, napangiti naman ako pero diko pinakita sakanya iyon!

Kahit papaano may kunting pag ka anghel din itong si Kairo, kunti lang kunting kunti lang talaga dahil demonyo na siya last school year.

"Ano ayaw mo ba?" dugtong pa niya.

"Uhmm hmm.."

My Academic RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon