Chapter 10

99 5 0
                                    

Nakarating nadin agad kami dahil malapit lang din ito sa bahay, dumeretso kami sa pwesto namin at napansin wala pa si Amora.

"Borj, akala ko ba kasama si Amora" tanong ko habang tinutulungan ko siyang mag ayos sa lamesa.

"Atat ka naman pre, wait kalang dadating yun alam mo naman na nandito si Ara sure yun" sagot niya naman, tumango nalang ako at kumain ng iniihaw niyang hatdog.

Naupo nalang ako sa sulok habang nakain at natingin sa paligid, maya maya pa ay dumating nadin kaagad si Amora, sasalubungin ko sana siya ng biglang may sumulpot na lalaki, kasama niya siguro.

"Hi guys" she said, nag silapitan naman kami sakanya.

"Btw guys, si Kuya Renz sinama ko na siya dito para naman ma meet niyo siya then nag transfer na siya sa school natin so sana maging close kayo" dugtong niya pa, nakipag kamay naman kami sa kuya niya at agad ding umalis si Borj at Ara dahil nag iihaw sila ng barbeque at hatdog.

"Kuya si Troy, kaibigan ko pala" ani niya at nakipag kamayan naman si Troy kay Renz.

"Nice meeting you po" sagot ni Troy, "sayo den"

"Kuya si Kairo, friend ko din" she said, nilahad ko naman ang kamay ko at nakipag shakehands.

"Aangas pala ng kaibigan mo Amora" he said, natawa naman kami parehas ni Troy.

"Halika Amora samahan natin si Borj at Ara dun" pag aaya ni Troy.

"Sige, kuya don muna ako huh ikaw na bahala sa kuya ko Kairo" she said.

"Sure ako na bahala kay Renz, Renz right?" ani ko, tumango lang si Amora at umalis nadin kaagad.

Umupo ako sa tabi ni Renz at nakipag kwentuhan.

"Mag kakasundo talaga tayo nan Kairo, ka same vibes ba naman" natatawang ani niya.

"Hindi naman, pero sana" sagot ko at ngumiti.

"Anong sana magkakasundo talaga tayo"  saad niya sabay akbay sakin.

"Oo talaga" tumango tango ako at natawa.

Mabilis lang maging close si Renz lalo na same school na kami edi yung pagiging introvert person ko magiging extrovert na kasi ang daldal ni Renz na hahawa ako tuwing natawa siya.

"Kwentuhan mo naman ako tungkol kay Amora" saad ko.

"Ah si Amora yan yung kapatid kong matampuhin sa lahat" natatawang sagot niya.

"Kasi kahit maliit na bagay magtatampo yan, pero mabait siya marunong siya mag paubaya" dugtong niya pa.

Kaya pala hindi siya nagalit dahil naging rank 1 ako?

"Bukod dun ano pa?" tanong ko ulit.

"Ayan si Amora matalinong kapatid ko yan hindi ko nga alam na rank 2 lang siya this quarter eh" sagot naman niya, napalunok naman ako at pilit na ngumiti.

"Nagalit ba siya?" I asked, umiling siya sabay tumingin sakin.

"Alam mo Kairo, nalungkot lang siya kasi akala niya ma didissapoint yung mother namin pero hindi naman kasi proud parin sakanya si mama" he smiled, napangiti naman ako at tumango.

"Asan pala ang Mommy niyo?" tanong ko ulit.

"Ofw both parents namin, kaya ayan si Amora nag sisipag talaga makapag tapos yan para makahanap siya ng trabaho at hindi na umalis ang parents namin" he said, ngumiti lang ako.

"Ikaw asan ang parents mo?" he askes, I look at him.

"Nasa bahay pero parang wala din eh" sagot ko, "Paano mo naman nasabi?" he asked again.

"Kasi kahit nanjan sila sa bahay hindi ko parin ramdam na may magulang ako eh, you know laging compare sa ibang tao minsan nalang makapag usap puro yabangan pa kaya kahit nanjan sila hindi ko parin ramdam" I smiled.

Inakbayan niya naman ako ngumiti "Alam mo tol nandito naman ako, ako nalang gawin mong tatay" ani ni Renz, natawa naman ako tumango "Oo naman" sagot ko.

Paano ko kaya sasabihin na, nagugustuhan ko na si Amora? bukod sa mabait siya mapagbigay at never nag tanim ng galit sa tao.

"Pero alam mo tol, kung may balak kang ligawan ang kapatid ko nako wag dadaan ka muna sakin bago mo ligawan yan" dugtong niya pa, napatingin naman ako sakanya at tumango.

"Oo pre, promise" I said, "Promise ha kundi ito makikita mo" saad niya sabay pakita ng kamao niya, natawa naman ako at napailing.

"Tama yan, halikana baka inaantay na nila tayo" ani niya, tumango lang "Sige pre una kana sunod ako" nakangiting sabi ko at sinundan lang siya ng tingin habang naglalakad papunta kanila Borj.

Nakatingin lang ako sakanila habang nag kwekwentuhan sila at napatingin kay Amora, hays ang ganda niya.

Tumayo nadin ako agad at lumapit sakanila at nakipagkwentuhan nadin habang nag kwekwentuhan kami tumingin ako kay Amora at ngumiti.

"Amora can we talk?" I asked, "Para saan Kai?" tanong niya.

"Nothing gusto ko lang na meron ma kwentuhan" I said, tumango naman siya at nag punta kami sa isang table.

"Ano pala ikwekwento mo? infairness close agad kayo ng kuya ko" she said, napangiti naman ako.

"Si Renz? madali lang siya maging close Mora" sagot ko at napatingin sakanya.

"Mora?" takang tanong niya, tumango naman ako "Yes, pinaikli ko lang ang Amora mo" I smiled.

"Ikaw talaga ang talino mo, kung ano ano nasa isip mo" saad niya at hinampas ang braso ko.

"Ang cute kasi eh" natatawang sambit ko, inirapan niya lang ako at natawa nalang din siya.

"Uhm.. Amora hindi kaba nagagalit sakin?" tanong ko sakanya.

"Bakit naman ako magagalit sayo? hmm nung una oo kasi sinusungitan mo ako, kung hindi dahil kay Troy hindi tayo magiging mag kaibigan" saad niya tsaka ngumiti.

"Sorry ha.."

"Ano kaba okay lang yun noh, atleast ngayon okay na tayo diba" she said tsaka nag wink, napangiti naman sa wink niya.

I feel so guilty tuloy, ang bait niya pero bakit ko siya kinakalaban sa eskwelahan?

Tumahimik lang kami saglit, at nakita ko siyang may sinusulat sa notebook ng makita niyakong nakatingin agad niya din itong sinira at ngumit.

"Ano yan?" takang tanong ko.

"Huh ito? wala ha" sambit niya tsaka tinago ang notebook, napatango nalang ako at ngumiti.

Nakipag kwentuhan lang ako sakanya at nakipag asaran, ang ganda niya kasama kaya na guguilty talaga ako sa sarili ko, pero kailangan eh hindi naman siya nagagalit kung maging rank 2 siya eh.

"Gusto mo ba ng pagkain?" tanong ko, at tumingin kanila Borj na busy sa harutan.

"Uhm kahit wag na muna busog pa naman ako" she said, tumayo ako at humarap sakanya.

"Kuhaan na kita, wait lang huh" saad ko tsaka lumapit sa table kung saan yung mga pagkain tsaka kumuha ng makakain naming dalawa.

Habang nakuha ako, dumating naman si Troy.

"Oh tol, mukhang nagkakaayos na kayo ni Amora ha" pang aasar nito, umiwas nalang ako at hindi siya pinansin.

"Alam mo Kairo, magagalit kaya si Amora pag sinabi ko lahat?" napatingin naman ako sakanya ng marinig iyon.

"Alam mo Troy, wala akong balak kay Amora kung gusto mo siya sayo na wala namang pipigil tsk." inis na sabi ko tsaka kinuha ang dalawang plato at bumalik sa table namin ni Amora

"Kumain ka muna mamaya kana mag sulat jan" sabat ko tsaka nilapag ang plato sa harap niya.

"Thank you Kairo" she said, ngumiti lang ako at kumain na habang nakikipag kwentuhan sakanya.

My Academic RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon