Chapter 2

182 6 0
                                    

Nakauwi nako ng dorm at nag palit lang tsaka nag ayos, "Ang random ng araw ko ngayon may nakilala akong demonyo na lalaki at may nakilala din akong may mabuting puso ah? di pa pala nakikilala pero next time makikilala ko na siya, ang pogi pa naman niya hmm yung isa pogi din kaso masama ugali" sabi ko habang naka tingin sa kisame.

Bumangon muna ako para mag handa ng dinner at mag halfbath after kong magawa yun na upo nadin ako at nag cellphone habang nakain, ng biglang may nag message.

"natanggap mo ba yung damit? kung oo, kasiya ba sayo? sorry kung di ako nakapag pakilala sayo ng maayos pero next time pag nag meet tayo ulit, goodnight Ms, Louise"

-unkown

Napangiti naman ako ng makita iyon, gusto ko pa sanang replyan kaso baka humaba lang ang aming usapan, infairnes pogi na mabait pa hays.

Nakangiti akong kumain habang nag cecellphone at nakikinig ng music, hindi ko na tinawagan si Ara dahil alam kong busy din yun dahil umuwi ang Dad niya galing states.

Tinapos ko na ang aking pagkain para makapag pahinga na dahil maaga pako bukas, inayos ko na ang pinagkainan ko at na upo saglit upang mag skincare at after nun nahiga nadin ako at niyakap yung damit na binigay sakin kanina, hmm bango...

Hindi ko na nalamayan na nakatulog napala ako.

---------------------------------

Maaga akong nag asikaso at ayoko namang malate, nag dala nako ng extrang damit para incase na baka mapagtripan ulit, inayos ko nadin ang pinagkainan ko nag lagay ng light make up, polbo at liptint lang naman ang ginagamit ko dahil medyo sensitive ang aking face sa mga make up products.

Lumabas nadin ako ng dorm at pumara ng tricycle tsaka sumakay, "Manong bayad po jan lang po sa tabi" ani ko sabay abot ng bayad at bumaba nadin agad, sinalubong naman ako ni Ara at sabay nanamn kaming pumasok.

Naupo nako sa upuan ko at wala pa naman masyadong tao at napatingin ako sa gawi nila Kairo na nag tatawanan at nag kwekwentuhan, pogi naman siya kaso lang masama ugali, umiwas ako ng tingin ng bigla niyakong tignan.

Ilang minutes din ang lumipas bago pumasok ang Sir namin.

"So this is our first project, individual to tommorow ang deadline hindi naman mahirap to dahil gagawa lang kayo ng Essay about sa last school year niyo dahil dito din ako mag babase sa mga natutunan niyo last school year, walang maximum words kung sino ang pinaka marami at nakapag pasa ngayon siya ang may mataas na points pero sana wag naman yung kakapiranggot lang at isang paragraph, nakakaintindihan ba tayo students?" sabi ni Sir habang naka taas ang kilay, tumango naman kaming lahat.

"Okay good pwede na kayong mag start habang wala pa ang next subject" he smiled.

"Hoy teh, ano susulat mo? yung mga naging kaaway mo ba last school year?" natatawang sabi ni Ara, kinurot ko ang tagiliran niya at natawa din.

"Baliw ka siguro, syempre hindi isusulat ko yung mga topic na diko na gets nung last school year also yung mga natutunan ko din" I smiled, tumango lang siya at nag simula nadib mag sulat.

Hindi ko maiwasang tumingin kay Kairo, ewan ko ba parang naakit ako dahil kahit malayo amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango at diko parin makakalimutan ang ginawa niya kahapon medyo na inis ako pero nung nakita ko siya ngayon para niyakong sinusuyo gamit ang kaniyang matamis na tingin niya sakin.

My Academic RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon