Kairo's pov.
"Alam mo Borj, siya na nga yung tinutulungan kanina sa pool siya pa may ganang galit" I said, habang naglalakad lakad sa club house.
"Ganto kasi yan Kai, kahit ako ganyan din sino ba naman kasi matutuwa eh tumalon ka sa 3ft lang tapos sasabihin mo baka malunod, kung maka asta parang gf na ha, crush mo naba?" natatawang sabi niya, napabuntong hininga nalang ako.
"Hays, masama bang maging concern lang sakanya?" tanong ko at naupo sa upuan.
"Hindi naman, pero bakit nag iba ata taste mo? diba hate mo siya dati kasi kalaban mo siya sa acads tapos ngayon, ikaw ha witwiw" seryosong sabi niya, hindi nako umimik at pumasok na agad sa loob para mag pahinga.
Oo nga bakit ganto yung nararamdaman ko? hindi naman ako dati ganto, Kairo need mo maging rank 1 kung tuluyan kang mahuhulog kay Amora paano na yung goal mo na maging proud sayo ang parents mo, kaya chill iwasang mahulog kay Amora isa lang siyang patibong.
Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa lamesa na nasa labas tsaka na upo, habang nagpapahangin ako bigla namang tumabi sa Renz sakin.
"Kairo, gising kapa pala" ani niya, ngumiti naman ako "oo hindi pa makatulog eh"
"Siguro iniisip mo chixs mo" natatawang sabi niya, natawa naman ako at inakbayan siya "Alam mo pre iisang babae lang ang nasa loob ng puso ko kaya wag mo nakong anuhin jan" sagot ko sabay batok sakanya.
"Sino naman yan? spill" saad niya sabat kamot sa ulo, "Wag mong sabihin na si Amora yan ha" seryosong sabi niya.
Napatingin ako sakanya at natawa "Si Amora magiging chixs ko? asa tss" saad ko tsaka umirap.
"Ayan buti yan tol, wag mong anuhin utol ko ha? kung hindi magkakamatayan talaga tayo" nakangiting sabi niya sabay pakita sa muscle niya.
"Oo naman nag promise nako sayo eh, tsaka as if naman na magustuhan ako nun noh" natatawang tugon ko, tumango naman siya.
Habang nag kwekwento siya about sa pamilya niya ako ito tulala ewan ko ba kung anong nangyayari sakin, normal paba to?
Hays... sa tingin ko nagugustuhan ko na siya, pero parang may pumipigil sakin, habang nag iisip ako natauhan nalang ako ng bigla akong tawagin ni Amora.
"Kairo" nakangiting sambit niya habang papalapit sakin, napalunok naman ako at ngumiti din.
"Ano meron Ms. Marquez? ano matutulong ko sayo?" nakangiting tanong ko at tumayo tsaka inalukan siya ng upuan.
"Wala lang hindi ako makatulog eh, iniisip ko padin yung nangyari kanina" she said, napakamot nalang ako sa ulo at natawa.
"Sorry ha oa talaga ako, akala ko kasi malalim yung pool eh maliit ka pa naman tignan mo hanggang balikat lang kita" saad ko at hinawakan balikat ko.
"Ikaw naman hanggang kaibigan ko lang" natatawang ani nya, napatango naman ako at umiwas ng tingin tsaka natahimik.
"Wala ba akong pag asa sayo Amora?" seryosong tanong ko.
"Alam mo Kairo, ikaw ang Ideal man ko kung hindi mo lang ako sinungitan nung first day edi sana matagal na tayong magkaibigan" sagot niya, napangiti nalang ako.
"Magkaibigan naman tayo ngayon ha" I said tsaka hinawi buhok niya.
"Oo nga, ang saya nga eh kasi naging kaibigan kita" nakangiting sabi niya.
"Hanggang kaibigan lang ba talaga?" tanong ko at umiwas ng tingin.
"Oo Kairo, kaya halika may snacks ata sa loob kain tayo dun nakakagutom eh" dugtong niya pa tsaka humawak sa kamay ko.
"Ah sige una kana susunod ako" nakangiting sambit ko, nagulat nalang ako ng bigla niyang halikan ang pisnge ko, parang nagkaroon ng butterfly sa stomach ko.
"Sige una nako ha" saad niya at naglakad palayo, tumango lang ako.
Napahawak naman ako sa pisnge ko at napapikit tsaka ngumiti tsaka sinundan siya ng tingin, "Sige kita nalang tayo Amora babye!" sambit ko habang kumakaway.
"KAIRO!" sigaw ni Renz natauhan naman ako at napatingin sakanya.
"H-ha?" tanong ko at umiwas din agad ng tingin.
"Alam mo kulang lang yan sa tulog Kairo, tamo kahit gising ka nanaginip ka at kapatid ko pa talaga ha" he said, napakamot nalang ako sa ulo at pilit na ngumiti.
"Una nako matulog kana pre, nag aadik kana ata sige na" dugtong niya pa sabay hampas sa braso ko, ngumiti lang ako at sinundan siya ng tingin.
"Sige kita nalang tayo Amora babye!" sigaw ni Renz "grabe na tama mo tol" dugtong niya pa habang natatawa, hindi ko nalang pinansin at napa buntong hininga nalang.
Napakagat labi nalang ako at napailing, tss.
Bumalik nalang ako sa kwarto at kitang tulog na si Borj, nahiga ako sa tabi niya at napatingin sa kisame.
Napangiti ako at napailing ng maisip nanamn ang nangyari kanina, hays nakakahiya pero atleast na samahan ko si Amora, habang iniisip ko yun hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
--------------------------------
Late na ako nagising at nag hilamos lang tsaka lumabas nadin kaagad.
"Goodmorning kai" bati sakin ni Borj, ngumiti lang ako at nakipag apir.
"Nasa labas sila nakain, pumunta kana dun para naman makapag almusal ka" dugtong niya pa, "Nandon naba si Amora?" tanong ko.
"Ang aga aga Amora ka agad, alam mo gutom lang yan halikana" he said tsaka inakbayan ako at naglakad palabas.
"Guys, itong si Kairo tulog pa ata nananigip pa eh" natatawang ani ni Borj.
"Alam mo ba pre, kagabi payan" sabat naman ni Renz sabay nag tawanan sila, tahimik lang ako at na upo na.
"Ganyan din si Louise kagabi, nanaginip" natatawang sabi ni Ara.
"Asan pala si Amora?" pakikimasok ni Troy, "Nasa loob pa ata" sagot naman ni Ara.
"Sige puntahan ko lang ha" saad ni Troy, tumayo naman si Renz at inakbayan si Troy.
"Alam mo hintayin nalang natin siya dito, wag mo ng puntahan baka lalong mag tagal" seryosong sabi ni Renz, natawa naman ako ng makita ang reaction ni Troy.
"Kain na guys, kain na!" sigaw ni Ara, "Goodmorning" ani ni Amora habang naglalakad papunta sa table namin, napangiti naman ako at nilapitan.
"Goodmorning din Ms, Marquez" nakangiting sambit ko, nakita ko naman siyang ngumiti.
"Hoy ikaw naman Kairo, itong si Troy pinigilan ko tapos ikaw naman aaligid aligid sa utol ko ha?" nakamewang na sabi ni Renz, napalunok ako at pilit na ngumiti.
"Ikaw naman Amora dito ka, kumain kanalang Kairo" dugtong niya pa, sabay hila kay Amora.
"Oo na bayaw" natatawang sagot ko, "Ano sabi mo?" nakataas kilay na tanobg ni Renz, sabi ko "Oo na ang aga aga sungit" inirapan ko siya at natawa tsaka na upo sa tabi ni Amora.
"Pag pasensyahan mo na si kuya" She said, "Ano kaba okay lang, kahit ako ganyan din ako ka strict pag may bunso akong kapatid eh" saad ko.
Kinuhaan ko siya ng pagkain at bumalik din sa agd lamesa.
"Thank you Kairo" nakangiting sabi niya, "Basta ikaw aasahan mo ako sa lahat" I said tsaka na upo sa tabi niya, nakipag kwentuhan nalang ako kay Amora habang nakain ng biglang sumulpot si Troy.
"Amora, gusto mo gala tayo?" tanong ni Troy, nakikinig lang ako sa kanila habang nakain.
"Uhm sure pag tapos kong kumai-" hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Amora.
"Alam mo Mora, swimming nalang tayo uuwi nadin kasi tayo mamaya diba?" sabat ko, tsaka tumingin kay Troy at ngumiti.
"Kairo ano kasi sasamahan ko muna si Troy gumala" nakangiting sambit niya.
"Ganun ba?" napatango tango nalang ako at ngumiti.
"Oo nga tsaka kaya mo nayan mag isa Kai, hindi ka naman malulunod" sabat ni Troy sabay gulo sa buhok ko, sinamaan ko nalang siya ng tingin at kumain nalang.
BINABASA MO ANG
My Academic Rivals
RomanceMadaming nag sasabi na ang highschool ang pinaka memorable na stage sa buhay nang lahat dahil dito mo mararananasan ang ma inlove, ma broken dahil sa crush mo na nag friendzone sayo bukod dun magkakaroon kapa ng mga kaibigan na sobrang solid. BASED...