Nakarating nako ng dorm kasama si Troy, nag ready lang ako ng meryenda habang siya naman ay tumitingin ng mga pictures ko na naka display.
"Independent woman huh, ikaw lang talaga mag isa dito?" tanong niya, tumango naman ako at ngumit "Oum yung mom ko kasi ofw and yung mga kapatid ko nasa bahay ng lola ko" sagot ko.
"Ganun ba, ang talino mo pala huh ang daming awards siguro proud sayo parents mo" nakangiting sabi niya.
"Uhm oo naman, bakit mo pala natanong?" pinunasan ko ang kamay ko tsaka lumapit sakanya.
"Wala naman" he smiled, "Sa akin kaya kelan kaya magiging proud parents ko?" dugtong niya pa, nawala naman ang ngiti saking mukha ng marinig iyon.
"Bakit?" tanong ko at na upo sa tabi niya, "Never naging proud parents ko dahil lagi nila akong kinukumpara sa brother ko na kesiyo ganyan di ako marunong sa academics" malungkot na sambit niya, hinawakan ko naman ang likod niya at ngumiti.
"Ano kaba, proud din yun sayo tsaka mahaba pa ang panahon kakaumpisa lang natin ng school kaya makakabawi kadin" I said habang nakatingin sakanya.
"Sana.." sagot niya tsaka umiwas ng tingin, "Alam mo Troy pwede naman kitang tulungan eh pag may mga project ka or homework pwede naman tayong mag tulungan" saad ko at tsaka hinawakan kamay niya.
"Sigurado kaba?" tanong niya, tumango tango ako at ngumiti "Oo basta iwasan ang bulakbol sa school"
Tumango naman siya sabay yakap sakin, namula naman ako sa ginawa niya at agad ding umiwas "Nga pala may binili akong meryenda kanina sa labas halika kain tayo" ani ko, tsaka inaya siyang pumunta ng lamesa.
Kumain kami habang nag kwekwentuhan, na kwento niya din sakin ang side ng family niya nakakalungkot lang dahil kinocompare siya lagi sa ate niya, sinubukan niyang makapasok sa top last school year pero hindi niya kinaya.
"Sabi ko nga sayo na tutulungan kita sa lahat" saad ko, ngumiti siya at tumango "Opo na po Miss Louise" natatawang sagot niya hinampas ko naman siya at natawa din.
Habang nag kwekwentuhan kami nag decide nadin siyang umuwi, hinatid ko lang siya labas ng dorm ko at inantay maka sakay ng tricycle, ng makasakay na siya bumalik nadin ako kaagad sa dorm ko.
"Pano pag siya nga?, pano pag siya talaga yung nag bigay ng necklace?" sabi sa sarili ko habang tinitignan ang kwintas na suot ko.
"Pero bakit niya naman ibibigay ito? hindi niya pa naman ako kilala ng lubos" napakibit balikat nalang ako na higa sa kama ko at kinuha diary ko.
Sinulat ko lang ulit ang mga ganap sa buhay ko, gusto niyong malaman? suyuin niyo si author.
Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ang play na ginawa namin ni Kairo, hindi ako kinikilig ang awkward dahil lahat ng ginawa niya wala sa script!
Habang iniisip ko lahat bigla namang tumawag si Ara, agad kong kinuha ang cellphone at sinagot.
"Besss omg kaa" bungad nito, nag taka naman agad ako kasi ewan iba ang mood niya ngayon ang hyper.
"Oh?"
Narinig ko naman siyang natatawa at parang kinikilig "Omg ka talaga" saad niya ulit.
"Ano ba yon?" tanong ko.
"S-si K-kairo arghh!!" utal utal na sabi niya, agad naman akong bumangon at nagulat sa sinabi niya.
"Ano meron?" seryosong tanong ko.
Bakit naman nasabit sa usapan namin si Kairo? nababasa ba ni Ara ang nasa isip ko?
"Kinikilig ako sainyo, nung napanood ko yung play sana ako nalang ikaw hays" napabuntong siya ng hininga, natawa naman sa sinabi niya.
"Don't tell me na you like him?" pang aasar sakanya.
"Huh ako? diba ikaw na nag sabi na ang pangit niya na nga at ang pangit pa ng ugali niya, alam mo bakit sakin na punta yung usapan huh" she said, natatawa parin ako habang nakikinig.
"Alam mo Amora, kung hindi lang talaga kayo mag ka Academic Rivals siguro friend natin siya" dugtong niya pa.
"Sino naman nag sabi sayo na mag ka academic rivals kami?" takang tanong ko.
"Halata naman eh! diba nung first day nag unahan kayong mag pasa ng essay tapos nung play nag agawan pa kayo kung sino magiging director" pagkwekwento niya, napatingin ako sa salamin at napabuntong hininga.
"Ayun lang? alam mo Ara normal lang talaga yan, tsaka nakipag kaibigan naman ako sakanya huh pero pinaalis niya ko imbis na mag pakumbaba siya, siya patong mataas pride" sagot ko.
"Pero alam mo Amora Louise, bagay kayo hihi" natatawang ani niya, natawa naman ako at sinamaan ng tingin ang cellphone ko.
"Ano kaba kadiri ka, hindi ganun kababa ang standards ko para sakanya iw nakakadiri, nakakakilabot" I said at nag rolled eyes.
"Kadiri daw pero nung mga nakaraang araw grabi makatitig" pang aasar niya.
"Tse, syempre kinikilala ko siya masama ba yun?"
"Hindi naman pero iba yung titig mo eh, alam mo last school year siya pala yung tinitilian ng mga babae tuwing may basketball sa school" saad niya.
"Puro ka kasi aral ayan hindi ka nakakasabay sa trend ngayon mo lang siya nakilala" dugtong niya pa.
"Ano naman kung tinitilian siya? kahit mag kakilala na kami dati wala parin akong pake sakanya" sagot ko.
"Alam mo Ara, hinatid ako ni Troy kanina" I said, "Ano? seryoso ba? bakit ano meron?" sunod-sunod niyang tanong.
"Wala lang, nagkwentuhan lang kami about sa family namin" nakangiting sabi ko.
"Baka siya talaga nag bigay ng necklace sayo" she said, napaisip nanamn ulit ako.
"Kung siya man edi thank you, pogi siya masipag sakto lang, ayun yung lalaking hinahanap ko hindi si Kairo" sagot ko.
"Ayan naman lagi mong sinasabi dati pa oh tignan mo ngayon wala kapang bf" natatawang sabi niya, inirapan ko nalang.
"Tse, bukas nalang tayo mag usap" saad ko at pinatay ang call.
Tumingin ako sa necklace at napaisip.
Kung siya talaga ang nag bigay, thank you pero hindi niya naman ako kailangan bigyan ng materyal na bagay sa simpleng pagpapakita niya lang sakin okay na ako.
Hindi naman siguro masama kung mag ka gusto ako sakanya diba? mabait siya, medyo matalino, masipag at humble kasama yung kapogian niya dagdag points na lang yun.
My gf na kaya siya? hmm siguro wala dahil hindi niya naman ako bibigyan ng necklace kung meron diba? ano sa palagay niyo?
Wala pang isang buwan, may nagugustuhan agad ako hays.
Si Kairo din naman ganun pero ang redflag niya kasi eh, hindi siya gentleman, ang sungit sungit pa, pogi siya oo pero ang hinahanap ko yung mabait hindi demonyo eh.
Pero kung kayo? si Troy or si Kairo?
BINABASA MO ANG
My Academic Rivals
RomanceMadaming nag sasabi na ang highschool ang pinaka memorable na stage sa buhay nang lahat dahil dito mo mararananasan ang ma inlove, ma broken dahil sa crush mo na nag friendzone sayo bukod dun magkakaroon kapa ng mga kaibigan na sobrang solid. BASED...