Chapter 11

61 4 0
                                    

Amora's pov.

Alam niyo ang saya ko ngayon dahil close na kami ni Kairo, pero nung nalaman ko na rank 2 lang ako nalungkot din ako dahil nga gusto ko talaga maging rank 1 pero ang sabi ng  Mommy ko na hindi sa lahat dapat ako ang unahin dahil marami din taong mas deserving and also proud padin naman sila sakin, tsaka marami pang panahon para bumawi and deserve din ni Kairo ang rank 1 dahil ang sipag niya talaga, pero bakit iniisip ng iba naming kaklase na mag kaaway kami? dahil ba gusto namin maging rank 1 or sadyang maiissue lang talaga sila?

Nakikipag kwentuhan lang ako kay Kairo habang nakain ng biglang sumingit si Kuya sa usapan natin.

"Hep.. hep, ano yan ha tawanan agad, ikaw Amora halika nga dito" sabat ni kuya sabay hila sa kamay ko.

"Kuya nagkakainan lang naman kami" nakangusong sabi ko.

"Oo Renz tama si Amora" sagot din ni Kairo.

"Anong kainan ha? ikaw Amora dun kana nga, at ikaw nalang toy nakakalimutan mo ata ang pangako mo sakin" seryosong sabi ni kuya.

Tumayo nako at baka manggulo nanamn yan dito, "Bye Kairo, see you later" nakangiting sambit ko, "Bye din Amora" he said.

"Haharot pa eh dun kana nga!" sigaw sakin ni kuya, "Ito na nag papaalam lang eh" tugon ko.

"Alam mo Renz ligtas yan sakin si Amora ako bahala sa kapatid mo tol, trust me" ani ni Kairo, namula naman ako sa sinabi niya.

"Amora gusto mo talaga maupakan eh no?" seryosong sabi ni kuya sakin "ito na nga eh" nag wave nalang ako nag lakad na.

"Ikaw Kairo wag mo ngang pormahan yan si Amora alam mo bata payan 14 palang yan tol kaya iwas iwas kajan" sabi ni kuya, rinig na rinig ko pa habang naglalakad ako palayo.

Pumunta nalang ako kung asan si Ara at kumain nalang ng barbeque habang nakikipag chikahan kay Ara.

"Bad trip ka nanaman" she said, tinignan ko naman siya at ngumuso.

"Si kuya kasi eh! ang ganda na ng usapan namin ni Kairo pinaalis niya pa ako" I said sabay kagat sa barbeque.

"Protective lang talaga si Kuya Renz noh, tsaka ano naman diba nga inis na inis kajan kay Kairo dati" natatawang sambit niya, pinangliitan ko naman siya ng mata.

"Dati yun Ara tsk people change, common sense" mataray na sabi ko at umiwas ng tingin.

"Asus parang dati diring diri kapa akala ko ba no feelings attach ha?" tanong niya ulit, "Alam mo Ara ewan ko sayo" sagot ko at naglakad palayo.

Naupo nalang ako sa gilid ng pool at ibinaba ang paa sa tubig, nag huni huni lang ako ng biglanv may tumabi sakin.

Si Troy pala..

"Bakit ka nag iisa dito Amora?" tanong niya, ngumiti lang ako "wala nag papahangin lang, ikaw bakit ka nandito?" tanong ko din sakanya.

"Sinasamahan ka masama ba?" natatawang ani niya, natawa nalang din ako "hindi naman" umiling iling ako at ngumiti.

"Akala ko masama eh, nga pala kumain kana ba?" he asked, tumango tango ako "yup kasabay ko si Kairo"

"Ganun ba? Uhm amora may sasabihin sana ako sayo eh" seryosong sabi niya, napatingin naman ako sakanya na nag tataka.

Tumayo siya kaya tumayo din ako, nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Amora ano kas-" hindi niya na matapos ang sasabihin ng biglang dumating si Borj at Ara.

"Halikana uy malamok najan" sigaw ni Ara habang papalapit samin, agad ko namang inalis ang kamay ni Troy ng makalapit na sila samin.

"Ano ba ginagawa niyo dito pre?" tanong ni Borj, "Wala nagpapahangin lang" sabay naming sagot ni Troy.

"Asus kayo huh" pang aasar ni Ara sabay hampas sakin na out of balance ako kaya nahulog sa pool, 3ft lang naman kaya hangang bewang ko lang ang tubig aakyat na sana ako ng biglang tumalon si Kairo.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay "Ano ba nasa isip mo bakit ka tumalon ha?"

Nginitian niya ako at umiwas siya ng tingin "Ano kasi uhm ano baka kasi malunod ka, oo! baka malunod ka" nakangiting sabi niya at inalayan niya akong umakyat.

"Alam mo Kairo ang babaw lang nan bakit ako malulunod tsk, halikana nga Ara" inis na sabi ko at naglakad palayo habang kasama si Ara at iniwan silang tatlo sa pool at pumunta na ng kwarto namin.

"Ito towel" she said sabay abot sakin ng towel agad naman akong nag punas at na upo.

"Badtrip ka nanaman, pero aminin kinikilig ka no?" nakangiting sabi niya.

"Ano naman nakakakilig dun ha?" tinaasan ko siya ng kilay, "hmm ano nga ba? edi yung tumalon din si Kairo para sagipin ka" pangaasar niya "tse ang babaw lang naman nun OA lang talaga siya parehas lang sila ni kuya" saad ko tsaka tumayo at pumasok sa cr para mag palit.

Tumingin ako sa salamin at napangiti habang iniisip yung nangyari kanina, nakakilig ewan ko ba oo OA kasi ang babaw lang kasing babaw ng kaligayahan ko hays, my superhero.

Naligo nalang ako habang iniisip ang nangyari kanina, nag flaflashback ang nangyari hays sana maulit.

Nang matapos na akong maligo dumeretso ako sa kama at binuksan ang Diary, nag sulat ulit ako dito ng mga ganap ko sa buhay habang nagsusulat ako biglang sumulpot si Ara.

"Diary nanaman, pag yan talaga mawala labas kaluluwa mo" saad niya, sinara ko ang diary ko at niyakap ito "Sinabi mo pa halos lahat ng ganap ko sa buhay nandito na eh kaya pag mawala talaga to iiyakan ko to" sagot ko.

"Pasilip nga kunti lang hehe" nakangitin saad niya at lumapit sakin, nilayo ko naman agad ang diary ko at inirapan siya "secret to noh"

"Damot mo naman BFF" nakangusong sabi niya, niyakap ko naman siya at ngumiti "Alam mo Ara, may mga secreto kasi tayo na dapat I private lang, ikaw ba matutuwa kaba pag may nakaalam ng secret mo?" tanong ko sakanya.

"Wala naman akong secret eh" she pout, nakayakap lang ako sakanya at natawa "Meron kaya" natatawang sagot ko.

"Ano naman?" takang tanong niya.

"Ano? syempre yung pagiging close niyo ni Borj, iba nayan ha ikaw hmm" pang aasar ko sakanya at kiniliti siya.

"Alam mo Amora Louise mag kaibigan lang kami ni Borj" pag dedeny niya "Asus ikaw haa... may ship name agad ako sainyo" nakangiting sambit ko.

"Ano naman?" tanong niya, umayos ako ng upo at ngumit "Uy gustong malaman" tinaas taas ko ang kilay ko at natatawa.

"Tse bahala kanga hmp" sabat niya, "Ito na ship name ko sainyo"  nakangiting sabi ko.

"Ano nga?" seryosong tanong niya, nagpipigil naman ako ng tawa at umayos ng upo.

"Borj plus Ara equal AraBo" nakangiting sabi ko.

"Ang baduy mo umisip kayo nga, Kairo plus Amora equal MoraKai" natatawang sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin at natawa, "Baduy".

AraBo?
MoraKai?

My Academic RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon