Almost 2 months nadin kaming mag magkakaklase at 2 months nadin kaming nag papaunahan sa pag pasa at nagpapagalingan sa klase ni Amora, I have new friend nadin si Troy alam kong kaibigan din siya ni Amora na meet ko siya dahil nilipat siya sa section namin so dalawa na friend ko, si Borj at Troy.
Sinusubukan talaga ako nito Amora, lagi nalang siyang contra sa mga desisyon ko akala mo kung sino marunong.
Nasa music class kami ngayon ito nag bibida bida nanamn siya.
"Alam mo Kairo, alam kong maganda si Amora pero wag mo naman titigan ng ganyan baka matunaw eh" ani ni Troy, sinamaan ko siya ng tingin.
"Siya maganda? kadiri alam mo bida bida lang yan tsk, ako dapat leader eh!" inis na asik ko.
"Easy, ang sabi nga ni Amora na marami pang oras para magawa yan kaya kalmahan mo pre" natatawang saad niya, napabuntong hininga nalang ako.
"Lagi nalang kasi siyang ano eh! alam mo naman na yun ang goal ko maging top 1 this school year at alam ko din na kailangan mong makapasok sa top" I said habang nakatingin sakanya.
"Oo parehas tayo ng goal pero hayaan na natin okay lang kung maging top 2 ka okay nga yun eh" ani niya sabay hawak sa balikat ko.
"Hindi mo ako na iintindihan Troy, may goal ako sa buhay at para sa parents ko, kung sayo okay lang pero sakin hindi" seryosong sagot ko at tumayo tsaka lumabas ng classroom.
Dumeretso ako sa cafeteria at nag order ng inumin tsaka nag hanap ng pwesto.
Sa dami dami pa kasing naging kaklase ko ayan pang Amora nayan kapal talaga, maganda siya pero bida bida palitan niya na kaya si Jollibee.
Nagcellphone nalang ako habang na inom ng softdrinks ng biglang umupo si Troy at Borj sa tabi ko, kasama din nila sila Amora at Ara.
Tahimik lang ako habang nag kwekwentuhan sila at tumingin kay Amora.
"Alam mo Kairo, hinanap ka ni Mam Step bakit kaba umalis?" she asked.
"Huh wala nauhaw kasi ako kaya umalis ako" saad ko at pilit na ngumiti.
Tsk feeling close Amora?
"Kai, may goodnews ako sayo" ani ni Borj, "Oo Kairo alam mo ba" sabat naman ni Ara.
"Ano yun?" takang tanong ko at napatingin sakanila.
"Ikaw highest ngayong quarter" nakangiting sabat nila, nagulat naman ako na pa ngiti.
"Talaga?" tanong ko ulit habang nakangiti.
"Oo pre, umalis ka kasi kanina hindi mo tuloy na rinig yung announcement" saad ni Troy.
"Congrats Kairo" Amora said, ngumiti lang ako at hindi makapaniwala.
"Congrats Pre, sabi sayo eh" ani ni Troy sabay akbay sakin.
"Congrats Kairo!" ani naman ng dalawa.
"Thank you" tanging sagot ko at ngumit, "Dahil ako ang highest ngayon ano gusto niyo? treat ko" dugtong ko.
"Sure ba yan?" tanong ni Troy, tumango lang ako.
"Sana lagi kang highest bro" natatawang sabi ni Borj.
"Kahit ano nalang siguro Kairo, depende sa kakasiya sa badget mo" ani naman ni Ara.
"Ikaw Amora ano want mo?" tanong ko sakanya at ngumiti.
"Kahit ano lang din" sagot niya, tumango lang ako at dali daling pumunta sa counter para mag order.
Excited nakong umuwi, ibabalita ko agad to kay Mommy at Daddy siguradong magiging proud sila sakin.
After kong mag order bumalik nadin agad ako sa table namin at nakipagkwentuhan sakanila.
"Amora rank 2 kalang" sabi ni Borj, nakikinig lang ako sakanila.
"Ano kaba okay lang noh, tsaka proud parin sakin si mama kasi ginawa ko naman ang best ko" she said tsaka ngumiti.
"Pero diba sabi mo sakin na gusto mong maging rank 1 para makasama mo na si tita" sabat naman ni Ara.
"Alam mo Amora kahit anong rank kapa mapunta, rank 1 ka naman sa puso ko" Troy said tsaka natawa.
"Alam mo loko ka talaga Troy" ani naman ni Amora, "I'm not joking Louise" dugtong ni Troy, inirapan lamang siya ni Amora.
"Hoy kai, kanina kapa jan tulala at tahimik ha" saad ni Borj sabay batok sakin.
"H-ha?"
"Siguro hindi maka get over si Kairo" natatawang sagot ni Ara.
"Ano tol okay paba?" sabat ni Troy, tumango lang ako at tumingin kay Amora at nakatingin din ito sakin.
"Alam niyo gutom lang yan, kumain nalang tayo daming inorder ni Kairo oh" Amora said, natauhan naman ako at ngumiti.
"Oo nga halikana baka mag ka langaw bunganga ni Troy, I mean yung pagkain" I said at natawa.
Nagkwentuhan lang kami habang nakain at hindi maiwasan tumingin kay Amora, ang ganda niya talaga.
-----------------------
After ng class namin ng makauwi nako agad kong hinanap parents ko at binalita sakanila na rank 1 ako.
"Good job son, galingan mo pa" My dad said, napangiti naman ako tumango, "Syempre naman daddy para sainyo ni mommy" sagot ko.
"Sana manatili yang rank 1 mo Kairo" sabat naman ni Mommy, "Halikana hon, baka malate na tayo sa flight natin" dugtong pa niya, nag paalam lang sila sakin at umalis din agad.
Napabuntong hininga nalang ako at dumeretso sa kwarto, hays okay na yun atleast naging proud parin sila.
Nagbihis lang ako at bumaba nadin kaagad at dumeretso agad sa kusina.
"Yaya ano ulam?" tanong ko habang naghahanap ng makakain sa ref.
"Nasa lamesa na po Sir, kumain nalang po kayo" sagot naman niya, tumango lang at kumuha ng juice sa ref tsaka na upo na sa upuan.
Nakangiti ako habang nakain after kong kumain dumeretso ako sa balcony para mag pahangin.
"Bakit kaya parang wala sakanya ang maging rank 2?" takang tanong ko sa sarili ko.
"Siguro ako lang talaga ang nag iisip na mag kaaway kami dahil sa acads" dugtong ko pa.
"Pero need ko talaga maging rank 1 eh mukhang okay naman sakanya ang maging rank 2" saad ko at uminom ng juice habang nakatingin sa malayo.
Nagpahangin lang ako sa balcony habang nainom ng juice, ng biglang tinawag ako ni yaya.
"Sir may naghahanap po sayo nasa labas" ani niya, tumango naman ako at dali daling lumabas para tignan kung sino.
"Kairo" sigaw ni Borj, agad ko siyang nilapitan at nagtaka.
"Ano ginagawa mo dito Borj?" I asked him, "Punta tayo sa club house, weekend naman tommorow kaya bonding tayo kasama sila Amora" nakangiting sabi niya, "Club house? dito sa village?" tanong ko, tumango naman siya.
"Sige pakuha lang ako ng damit ko, halika muna sa loob" dugtong ko at nag lakad na papasok.
"Yaya paayos gamit ko, tsaka pasabi nalang din kanila mommy na umalis ako" sigaw ko.
"Sige po Sir" sagot naman niya at agad na nag punta sa kwarto ko.
Nakipag kwentuhan nalang muna ako kay Borj habang inaayos gamit ko, ng maayos gamit ko agad nadin kaming umalis sa bahay at dumeretso sa club house.

BINABASA MO ANG
My Academic Rivals
Storie d'amoreMadaming nag sasabi na ang highschool ang pinaka memorable na stage sa buhay nang lahat dahil dito mo mararananasan ang ma inlove, ma broken dahil sa crush mo na nag friendzone sayo bukod dun magkakaroon kapa ng mga kaibigan na sobrang solid. BASED...