Chapter 4

78 6 0
                                    

Everything is still the same and I still can't help looking at him, mag katabi kami ngayon dahil sa groupings, diko naman eneexpect na role play agad ang first project namin, cinderella ang aming gagawing play, wala naman akong alam sa mga role play nayan dahil ako naman lagi ang director or narrator tuwing may play kami dati.

"Ako na director" sabat ko at nag si tinginan naman sila sakin at kita sa mukha ni Kairo na parang ayaw niya.

"Can you handle being a director? I know you can't" he said, natigilan naman ako sa sinabi niya, halos kaming dalawa lang ang na uusap walang gustong sumagot sa mga ibang groupmate namin.

"Uhm I think iba nalang, need kasi natin ng magaling na character para sa roleplay natin eh, kayo nalang siguro yung main characters" Kia said, napatingin naman ako sakanya at ganun din si Kairo.

"Me? no ayoko" seryosong sabi ni Kairo, tumahimik nalang ako at hindi na nag salita.

"Ako rin ayoko, kahit sa production team nalang ako please" I pout, ayoko talaga lalo na cinderella ang aming theme.

"Oo nga bagay naman kayo sa characters eh, si Kairo yung prince and then ikaw naman si Cinderella" ani ng isa.

"Oo nga kayo nalang, kami na bahala sa lahat" sabat ng isa.

"Agree ako pero dapat hindi siya kapartner ko" sagot ni Kairo, tahimik lang ako habang nakikinig ng biglang lumapit samin si Ma'am.

"So sino ang main characters niyo? ng ma ilista ko na dito" she smiled, "Si Kairo at Amora po!" sagot ni Kia, nanlaki ang mata ko ng sabihin niya iyon, dahil alam ko naman na ayaw ni Kairo na maging kapartner ako.

"Okay good this friday na ang presentation live theater ito okay? goodluck class" she said at umalis na sa pwesto namin.

"No choice na kayo na talaga ang partners, okay nayan parehas naman kayong honor student since elementary kaya, kaya niyo yan!"

Napabuntong hininga nalang ako at tumango tsaka tumingin kay Kairo, gagawin ko to para sa grades ko hindi para mapalapit sakanya.

"Sige, sabihan niyo nalang ako kung kelan ang start na practice" saad ko at tumayo tsaka lumapit kay Ara at na upo sa tabi niya.

"Badmood or goodmood kasi kapartner si Kairo?" pang aasar nito, kinurot ko ang braso niya at inirapan siya, "pwede bang both?" sagot ko.

"chika mo nga sis kung bakit kayo ang naging mag kapartner" nakangiting sabi niya, tinaasan ko naman siya ng kilay at napabuntong hininga.

"Ganto kasi yan, gusto ko sana mag director kasi you know naman na hindi ako nag roroleplay laging director at narrator ang role ko tuwing may play diba" pagkwekwento ko, nakatingin lang siya sakin habang nakikinig.

"Tapos ako pa ginawa nilang cinderella, tapos si Kairo pa gagawing prince, alam mo naman na ayaw malamang ni Kairo eh!" dugtong ko.

"No choice na kami kundi tanggapin kasi si Ma'am na nag sabi kahit ayaw ko at ayaw ni Kairo no choice pa din hays" I said at napatingin kay Kairo.

"Okay na yun atleast na subukan mo diba? tsaka bagay naman sayo si Kairo" napatingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay dahil sa sinabi niya "joke, I mean ba bagay naman ang role ni cinderella sayo" dugtong niya sabay nag peace sign.

Tumahimik nalang ako ng biglang lumapit si Kia sakin, "Amora" nilingon ko naman siya at ngumiti, "why?" I asked.

"Practice tayo now? nakagawa na agad ng script, tsaka ang sabi ni Mam na kahit shortcut nalang ang play natin" she said, tumango ako at tumayo "ganun ba? sige wait" sagot ko at inayos ang gamit ko tsaka nag paalam kay Ara.

--------------------------

Nasa garden na kami ngayon at inaantay si Kairo, may basketball pa kasi siya alangan namang mauna kami edi hindi niya na alam ang gagawin niya, binasa ko muna ang script ko at iniisip kung pano ko ito mahahandle.

Habang nag prapractice ako ng script ko dumating nadin naman agad si Kairo.

"Late naba ako?" he asked, umiling lang ako at umiwas ng tingin.

"Okay good, so lets start?" he smiled, argh ngayon ko lang siya nakitang ngumiti, namula naman ako at inis na tinignan siya, tsk.

Tinuro na samin ni Kia ang gagawin at ang scene na gagawin namin is yung nag meet na kami sa isang ball, iprepresent lang kasi namin ang important scene sa cinderella kaya na isip ni Kia na deretso sa ball na agad.

"Kairo, hawakan mo si Amora sa bewang like nag sasayaw kayo ng slowdance" she said, napatingin ako kay Kairo at inirapan siya.

"seryoso ba? pwede bang fast forward agad" paggigiit niya, "Umayos kanalang buti kung grades mo lang ang maaapektuhan" inis na sabat ko, nakita kong nag seryoso ang mukha niya napakibit balikat nalang ako at nag simula ng ipractice ang isasayaw namin.

Kahit nakakailang dahil nakahawak siya sa bewang ko at nag sasayaw, kailangan padin namin tong gawin para sa grades.

"Lagyan niyo ng sparks, titigan kayo and then hawi sa buhok Kairo!" sigaw nung director namin.

"First practice palang to, pinipilit muna agad akong gawin yun tsk buti nga pumayag pakong gawin to" inis na sagot ni Kairo.

"Umayos kanalang kasi." sabat ko, umayos naman siya unti lang.

Nag practice lang kami ng first scene namin puro sigawan at tilian ang naririnig ko, sumisigaw ang director dahil di namin minsan na peperfect nag titilian naman sila kung naperfect namin yung sayaw, ewan ko ba sa mga taong to.

After namin mag practice naupo muna ako at uminom ng tubig, "tommorow nalang ang second scene, ayusin niyo Amora at Kairo, kayo ang main character dapat pakiligin ang audience wag puro nakasimangot Kairo, parang nandidiri ka sa kapartner mo" panenermon ng director namin.

"Totoo naman tsk, pwede naba ako umalis?" asik niya, hindi niya na inantay na mag salita pa ang mga kaklase namin at bigla nalang siyang umalis.

"Hayaan niyo na titino din yun" I smiled, "hays sana" sabat ni Kia, ngumiti nalang ako at nag paalam nadin dahil mag mamall kami ni Ara.

Habang nag aantay kami ng masasakyan nang asar nanamn itong si Ara "uy kamusta ang cinderella at ang prinsipe niya?" natatawang sabi niya, ngumuso nalang ako at inirapan siya "medyo nakakainis, ayaw niyang ayusin akala niya grades niya lang maapektuhan eh!" inis na sigaw ko.

"Oh kalma wag kang sumigaw" natatawang sabat niya, napabuntong hininga nalang ako at sumakay na ng taxi "sino bang hindi maiinis eh hindi niya inaayos" dugtong ko.

"Sa practice lang yan ganyan pero pag sa mismong play magtitino din yan" she said,

"sana.."

Nagkwentuhan nalang kaming dalawa hanggang sa nakarating na ng mall, dumeretso kami dito kasi mag hahanap nako ng mga props and costume para sa play namin.

Habang nag hahanap ako ng costume si Ara naman namimili ng mga skin care at makeups niya, hays kahit saan talaga eh nabubudol ng mga makeup.

After namin mamili umuwi nadin ako agad at nag bihis para ma practice ko na ang line ko dahil 3days lang practice namin kaya need ko na agad makabisado.

Nagpapamusic lang ako habang prinapractice lines ko, hays first week palang ang dami na agad pinapagawa hmp!

Binasa ko ang scene 2 nagulat nalang ako ng may kissing scene don, actually hindi siya natuloy dahil 12 midnight na at nag bell na kaya hindi natuloy ang kiss nila at umalis agad si cinderella, hays sana hindi na isama to ng director namin, kung hindi uh! nakakailang nakakainis pa naman ang lalaking yun!

Nag practice lang ako at kumain nadin ng dinner, after kong kumain nahiga nadin agad ako sa higaan ko nag sulat sa diary ko, ang daming ganap ngayon araw.

Habang nagsusulat ako sa diary ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

My Academic RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon