Chapter 13

117 5 0
                                    

Amora's pov.

After naming kumain ni Kairo, gumala nadin kami kaagad ni Troy.

"Saan pala tayo pupunta?" takang tanong ko habang naglalakad kasama siya.

"Kung saan tayo mapadpad" natatawang sagot niya, natawa ako at tumingin sakanya "Alam mo ikaw loko ka talaga parehas kayo ni Kairo" natatawang sambit ko.

"Uhm Amora, may sasabihin kasi ako sayo eh" nahihiyang tugon niya, tumigil naman ako sa paglalakad at humarap sakanya.

"Ano naman?"

"I like you Amora, everytime na mag kasama kayo ni Kairo nagseselos ako" nagulat naman ako ng sabihin niya iyon.

"Magkaibigan lang kami ni Kairo, Troy" sagot ko.

"Alam ko Amora, kung hindi naman dahil sakin hindi kayo magiging mag kaibigan eh" nakatingin lang ako sakanya.

"Ano ibig mong sabihin? sinusumbatan mo bako na kung hindi dahil sayo hindi ko magiging kaibigan si Kairo?" seryosong sagot ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi naman sa gano-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at umalis kaagad ako at hindi na siya nilingon.

Bumalik ako ng club house at tumingin kanila Kairo, nakita ko naman na nakatingin si Kairo sakin tsaka ngumiti.

"Amora halika sali ka dito" sigaw ni kuya, hindi ko sila pinansin at pumasok na ng cabin.

Dumeretso ako sa kwarto at saktong nandon si Ara, napa upo ako at napabuntong hininga.

"Badtrip ka nanaman, ano ba pinag gagawa neto" tanong niya, napatingin naman ako sakanya at ngumuso.

"Ara hmp, si Troy kasi"

"Oh ano naman meron kay Troy aber?" nakataas kilay niyang tanong, umiwas ako ng tingin at yumuko.

"Sinusumbatan niya ako na kung hindi dahil sakanya hindi ko magiging friend si Kairo" malungkot na saad ko.

"Bakit niya naman nasabi yan?"

"Nag sabi siya sakin na gusto niya ako at everytime na mag kasama kami ni Kairo nag seselos daw siya" nakangusong ani ko, nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo sabay hampas sakin

"Tumpak ayan na nga ang sinasabi ko, sabi sayo eh! may gusto talaga siya sayo yung pag bigay ng t-shirt at necklace niya sayo last month may meaning na eh" nakangiting sabi niya.

"Pero alam mo naman kung sino ang gusto ko"

"Oo alam ko, pero hayaan mo din si Troy na gustuhin ka, pag hanga lang naman yun eh" sagot niya.

"Ano paba magagawa ko? tsaka mabait naman siya eh" napabuntong hininga nalang ako tumango.

"Alam mo Amora, ngayon ko lang na expercience na may kaibigan akong naguguluhan ang utak dahil sa lalaki" natatawang ani niya.

"Isa kadin eh loko ka din" inirapan ko siya at napangiti.

"Uy.. ngumingiti ha" natatawang sabi niya sabay tulak sakin, ngumuso naman ako.

"Sino ba mas ano kanila Kairo at Troy?" tanong ko at humarap sakanya.

"Parehas sila" sagot naman niya, "Bakit mo natanong?" dugtong niya pa, umiling lang ako at naglakad palabas.

Naglakad lakad nalang ako at napapaisip, bakit ako pa?

Habang naglalakad lakad ako bigla namang lumapit ang dalawa, Si Troy at Kairo.

"Amora ano ba ginawa kong mali?" parehas nilang sambit, nagkatingan naman sila.

"Ikaw Kairo, napaghahalataan na kita ha, may gusto kaba kay Amora ha?" saad ni Troy sabay tulak kay Kairo, tinulak din siya ni Kairo.

"Alam mo Troy, wala akong gusto kay Amora kaibigan ko na ang kuya niya at may pangako ako sa kuya niya, natutuparin ko ikaw kasi hindi, hindi mo kayang tumupad sa pangako mo" inis na asik ni Kairo.

"Alam niyo kayong dalawa, ano nanaman ba pinag aawayan niyo ha" seryosong sabi ko.

"Mamaya nalang tayo mag usap Amora pag wala nayang Troy nayan" sabi ni Kairo at naglakad na siya palayo.

"Amora sorry sa sinabi ko, hindi naman kita sinusumbatan"

Sinundan ko lang ng tingin si Kairo tsaka huminga ng malalim at di napansin si Troy.

"Amora please, I'm sorry sa mga sinabi ko" he said, natauhan naman ako ng bigla niyang hawakan kamay ko.

"Troy, sorry din na misunderstanding ko lang yung sinabi mo" nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya tsaka niyakap ako, niyakap ko din siya at umiwas din agad.

"Pwede ba ako manligaw sayo?" tanong niya, hindi na muna ako nag salita at tumingin sa malayo.

"Hep..hep, anong ligaw yan Troy?" seryosong tanong ni Kuya at hinarangan si Troy.

"Ayan jan ka mag paalam" sambit ko at natawa.

"Alam mo Troy, hindi pako pumapayag na may manligaw dito sa kapatid ko kung crush crush lang pwede pa pero ang ligaw? no way" saad niya tsaka ngumisi.

"Kuya naman mabait naman si Troy" sabat ko.

"Renz hindi ko sasaktan ang kapatid mo, promise aalagaan ko siya" sagot ni Troy.

"Basta bawal, mga bata talaga hays halikana Amora baka masapak ko to pag hindi tumigil" ani ni kuya tsaka umakbay sakin at naglakad pabalik sa table namin.

Inis akong umupo at tumingin kay kuya, "Alam mo kuya malaki na ako hindi nako bata para pag bawalan mo" inis na sabi ko.

"Alam mo naman Amora kahit 50 years old kapa baby kapa din namin, ano sa tingin mo ang magiging reaction nila Mommy pag nalaman na  nag boboyfriend ka dito samantala sila nag hihirap sa ibang bansa" he said, natahimik naman ako at umiwas ng tingin.

"Tsaka ayan pag boboyfriend na yan makakaabala lang yan sa pag aaral mo, kaya wag muna Amora please" dugtong niya pa.

"Kuya hindi naman boyfriend eh! manliligaw palang syempre" nakangiting sambit ko.

"Ganun padin yun, tsaka kana mag paligaw pag naka uwi na sila Mommy dito para sila ang kikilatis sa mga manliligaw mo" seryosong sabi niya, tumango nalang ako at nilaro laro ang daliri ko.

"Dun muna ako, maglalaro kami basketball nila Borj" ani niya tsaka umalis sa tabi ko.

Nakatulala lang ako at nag iisip, hays hindi naman na ako bata pero bakit ganun? dahil ba protective brother siya or dahil kaibigan niya yun?

Kung si Kairo kaya ang manligaw papayag kaya si Kuya? syempre papayag siya bestfriend niya na yun eh.

Nakakatampo nga eh, ang bilis nila maging close tapos kami ni Kairo puro asaran at awayan pa bago maging mag kaibigan tapos sila?

Nag iba na talaga si Kairo, hindi na siya yung lalaking masungit at demonyito na nakilala ko dati akala ko hindi na siya mag babago eh kasi halos lahat ng ginagawa ko sa school na eksena siya.

Pero infairness kahit ganun siya gusto ko parin siya, unang kita ko palang sakanya parang napasukab ng paro-paro ang tyan ko sa kilig, syempre nakakainis din dahil nga sa ugali niya nung una, pero napapaisip parin ako na.

Kung gusto ko si Kairo, pano naman si Troy? si Troy na lagi kong kasama sa kwentuhan at sa mga project na nagaganap sa school, dahil dito mas lalo akonv nalulungkot dahil makakasakit ako ng ibang tao dahil sa feelings ko na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Academic RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon