"Rafael! Mag-usap tayo! Harapin mo ako!" natigil sa pagsubo si Lacy nang makarinig ng sunod-sunod na sigaw ng babae malapit sa kanila.
Nakatawag na rin ito ng pansin sa mga ibang bisita nila
Nakita niya ang mukha ni Rafael na nag tiim bagang ito at madilim ang mukha na nakatingin kay Gwen.
"I'll be back," bulong nito sa kanya tumango siya bilang sagot.
Tila kumirot ang puso niya nang makita si Gwen at lapitan ito ni Rafael.
No wonder pinaglalaban lang nito ang asawa niya.
Mukhang lasing ito dahil pasuray-suray itong maglakad papunta kay Rafael.
"Rafael! You betrayed me!"
"Stop it Gwen! Wala ka na ba talagang kahihiyan!? I don't have time to spend on unnecessary kindness, so get out!
"R-Rafael please come back to me! Please, I'm begging you!" hagulhol na sabi ni Gwen.
"Can't you see? I am married now. I have a happy life with my wife now? I don't want you in my life so stop pestering me! You understand?"
"If you have given me a chance we will have a different life now." nagsusumamo na sabi ni Gwen.
"Okay, enough. Enough! I don't want to listen to this. Now get out." mauturidad na wika ni Rafael.
"You are being unfair to me Rafael para na akong aso kung ipagtabuyan mo! Alam mong matagal din tayong nagsama." hagulhol na sabi ni Gwen at lupaypay na nakaupo sa bermuda grass.
Agad namang inalalayan ni Rafael si Gwen upang makatayo. Ngunit sa pagyukong iyon ni Rafael biglang kinabig ito ni Gwen at saka hinalikan.
Maraming napasinghap sa paligid sa saksing iyon. Tila namanhid ang buong katawan niya sa nakita.
"Bitch!" narinig niyang sabi ng pinsan ni Rafael na si Kara isa sa mga bridesmaid na kasing edad lang niya at malapit sa kanyang tabi.
Binuhat na ni Rafael si Gwen at hindi niya alam kung saan nito ito dadalhin. Tila libo-libong patalim ang sumaksak sa kanya.
"May I have your attentions everyone..." napatungo siya sa nagsalita sa ginawang stage sa harapan.
Boses iyon ng kanyang ama. Nabaling ang attention ng mga bisita sa kanyang ama.
"My lovely daughter, can you come up here on stage to sing for us? sabi ng ama.
Mukhang pinaghandaan iyon ng ama niya na hindi niya alam.
Nangislap ang kanyang mata at pansamantalang nakalimutan ang nangyari kanina. Yes singing was her habit! Her passion rather. Nawawala ang lungkot niya kapag kumakanta siya.
Magandang timing iyon sa kanya na alam ng ama niya kung paano siya patahanin.
Nginitian niya ang ama. Banayad siyang tumayo at inilihis ang mahabang gown na suot niya na kulay crema dahil nakapagpalit na siya kanina.
Tinungo niya ang piano sa gilid. At may nakahanda na rin ang mikropono.
"Can I use your piano sir?" tanong niya sa nakaupo dun.
"Naku señorita okay lang," sabi ng piyanista.
"Salamat po." magalang na sabi niya.
Siya na ang naka-upo sa piano. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok na kinulot ang sa dulo nito para hindi matabunan ang kanyang mukha habang siya ay tutugtog.
BINABASA MO ANG
The Major Engagement
RomanceHindi makapaniwala si Lacy Rose na siya ang naging kabayaran ng pagnanakaw ng kanyang ama ng milyones sa kompanya ng mga Delgado. "...And two years from now, Ms. Lacy Rose Henares will getting married to Rafael Iñego Delgado IV....." pagpapatuloy...