CHAPTER 4: Rafael's audacity

428 8 0
                                    

Pagkatapos maligo at magbihis ni Lacy ay bumaba na ito ng kanyang silid.

Magpapaalam na muna siya sa ama bago umalis para alam nitong aalis na siya.

She was wearing a long high waisted denim skirt na tinernuhan ng white halter croptop, litaw ang makinis at mapuputi niyang balikat.

She wears with a black stiletto and a signature sling bag.

Hinayaan niyang nakalugay ang tuwid na tuwid niyang mahabang buhok.

Kung wawariin pwede siyang pumasok na modelo sa gayak niya.

Hindi na siya naglagay ng anumang kolorete sa mukha naglagay lang siya ng polbo at likas na mapupula ang labi niya and her pinkish cheeks.

Hinanap ng mga mata niya ang kanyang ama.

"May bisita ang daddy mo iha," si yaya Nelia niya ng bumaba siya.

Nangunot noo siya. Gabing-gabi na at may bisita pa sila.

"Sino po sila, yaya?"

"Hindi ko alam, pero mukhang mga bigating tao. Marahil ay ang mga ka-negosyo ng daddy mo."

"Ganun po ba. Kung ganun nasaan po sila yaya? Magpapaalam lang sana ako."

"Nasa function room sila iha, at mukhang ayaw magpa-istorbo ang ama mo."

Napalabi siya sa sinabi nito. "Knowing dad, kapag ako ang pupunta 'dun hindi ako magiging istorbo sa kanya." natatawang sabi pa niya.

"Ikaw talagang bata ka, hala sige puntahan mo na doon para makapag-paalam ka. Ihahanda ko lang itong dinner."

Tinungo niya ang function room na sadyang pinagawa iyon ng daddy niya, para kapag may bisita itong importante doon niya nilalagay na may kinalaman sa negosyo.

She knocked the door for three times bago siya tuluyang makapasok.

Pagkapasok niya nakita niya agad ang pamilyar na lalaki sa kanya. Iyon ulit ang bisita ng daddy niya makaraang isang linggo at may kasama itong kaedad din ng daddy niya.

Alam niyang magandang lalaki ito.

Mataman siyang pinakatitigan ng pinakabatang bisita ng daddy niya. Hinagod siya ng tingin. Tila siya sinusuri. Hindi niya alam kung humahanga ba ito sa kanya.

Nag-init ang mga pisngi niya sa ginawa nito. She felt uncomfortable.

Ang daddy naman niya nakayuko lang tila problemado ito.

"Good Evening dad, aalis na po ako." doon na tumingin ang daddy niya sa kanya.

"Iha—,"

"Henares, where is she going? Have'nt you told her what I told you?" tanong ng batang bisita ng daddy niya ngunit sa kanya nakatutok ang mga mata ng lalaki.

Nangunot ang noo niya sa tanong na iyon ng lalaki tila may authority ito na pagsalitaan ng ganun ang daddy niya. Napakawalang galang.

"N-not yet, just please give me more time, Mr. Delgado."sabi ng ama niya na parang takot na takot.

Mr. Delgado? Parang napaka-pormal naman yata ang pagkakasabi ng kanyang ama ang sinabi nito sa bisita.

"This is the right time now, Henares. Why don't you sit down first young lady so we could start it now?" tila ito nanunuya sa sinabi at tinignan siya ng may pagka-malisya, tumatayo ang mga balahibo niya sa ginawa nito.

At anong dapat na pag-usapan nila na kasama siya? Parang may mali na sa sitwasyon.

Hindi niya pinapansin ang lalaki tila siya nababastusan sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanyang ama.

Mukhang may hindi sinasabi ang kanyang ama sa kanya.

"D-dad ano po ba ang sinasabi niya?" kapagkuwan tanong niya.

"Lacy, umupo ka muna at may pag-uusapan tayo," sabi ng daddy niya na mukhang seryoso.

"P-pwedeng some other time na lang dad, na sumali ako sa usapan ninyo mala-late na kasi ako sa lakad namin." mag aalas-sais na kasi baka hinihintay na siya ng mga katagpo niya sa plasa.

"At pinapayagan mo pa pala siyang lumabas sa ganitong oras Henares without my permission?" galit na sabi nito.

Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng lalaki at bakit ito nangingialam? Sino ba siya para panghimasukan sila ng kanyang ama?

"Bakit po dad? A-ano po ba iyon?"

"Lacy, just sit down, I have something to discuss." sabi ulit ng ama.

Nanginginig ang mga tuhod niyang napasunod sa ama.

Kaharap na niya ngayon ang lalaki. Mukha itong may mataas na katungkulan. Mukhang mamahalin din ang mga kasuutan nito.

Kampanteng-kampante ang lalaki samantalang ang ama problemado.

She took a deep breath. She admits the man was arrogant and handsome.

Nakakapang-hipnotismo ang mga titig nito. A deep amber brown eyes with a heavy lids and a thick eyebrow. His lips was sensible at may matangos na ilong. His hair was a clean wave in naka-business attire. She can sense a very powerful aura of wealth, position, and influence.
But now to her utter amazement, she saw that he was smiling, and this time the smile seemed genuine. It was remarkably attractive.

Tinignan siya ng ama. "Iha, huwag ka sanang mabibigla sa anumang marinig mo. Huwag mo sanang iisipin na napakasama ko. No one in this world is precious as you darling. Mahal na mahal kita anak." her dad choked and feel nervous.

Mamasa-masa din ang mga mata nito na anumang oras iiyak ito.

Kinakabahan tuloy siya sa sasabihin nito. Gayunman naging kalmado lang siya.

"Dad, anuman ang marinig ko ngayon, I'm pleased to know everything and I will never hate you." nakakaunawang sagot niya.

Totoo iyon kung anuman ang maging problema sa pag-uusap na iyon hindi dapat siya kailanman magalit sa ama dahil ito na lamang ang natitirang karamay niya.

"Thank you, iha." nakangiti na ang ama at mukhang nabawasan ang tensyon nito.

"Shall we start now?" tanong ng abogado.

"Go on," sabi ni Mr Delgado.

Matamang nakikinig si Lacy habang nagsasalita ang abogado halos hindi na niya maikurap ang mga mata sa mga narinig.

"...And two years from now Ms. Lacy Rose Henares will be married to Rafael Iñego Delgado IV. Bilang kabayaran ng pagkakadispalto ni Mr. Guillermo Henares sa kompanya ng mga Delgado."

Anong ibig sabihin ng lahat ng mga narinig niya? Was she dreaming? At kung masamang panaginip iyon gusto na niyang magising!

"Malinaw na ba sayo ang lahat Lacy Rose?" tanong ng binata pagkatapos ang ilang sandaling diskusyon ng abogado.

Napakasarap pakinggan sa kanyang pandinig nang banggitin nito ang kanyang pangalan.

Pero iwinaksi niya iyon dahil sa masamang narinig niya.

Papayag ba siya sa sinabi nila?

The Major EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon