"Naku, señorita ako na po." sabi nitong akay-akay na ang kanyang maleta.
"Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Ako nga pala si Meldredita señorita but you can call me Edita for short señorita." napahagikhik siya sa sinabi nitong pangalan.
Paano kasi kakaibang pangalan. Magandang babae rin itong si Edita may pagkakayumaggi ang kulay.
Tila nagkamot naman ito ng ulo. "Oh, di ba señorita ang pangit ng pangalan ko."
"Ang ganda kaya kakaiba. Ilang taon ka na ba?" tanong niya habang tinutungo na nila ang hagdanan pataas. Mukhang magkakasundo sila.
"Disi-nuwebe na ako señorita,"
"Hindi pala nagkakalayo ang edad natin Edita. Tawagan mo na lang ako sa pangalan ko huwag mo na akong tawaging señorita."
"Naku hindi pwede 'yon señorita mapapagalitan ako ni señorito."
Nagkibit-balikat siya. "Ikaw ang bahala."
Napadpad ang tingin niya sa malaking piano sa taas. That one day she could play it but not once. Napakaluwang ng bahay na parang isang palasyo nga.
"Nandito na po tayo, señorita." binuksan nito ang silid.
"A-ako lang bang mag-isa rito?" tanong niya para sa kanya higit na maluwang ito kesa sa kanyang silid.
"Siguro sa ngayon muna señorita pero kapag kinasal na kayo ni señorito syempre lilipat ka na sa Master's bedroom." hagikhik na wika nito.
Wala sa sariling nag-init na naman ang mga pisngi niya.
Hindi niya yata lubos maisip na magtatabi sila ni Rafael sa iisang kama.
"Aayusin ko na po ang mga gamit ninyo señorita." akmang bubuksan nito ang maleta niya ng pigilan niya ito.
"Ako na Edita, nakakahiya naman na pati gamit ko ikaw pa ang maglalagay sa closet."
"Sige po señorita maiwan na muna kita. Ipatawag mo nalang ako kapag may kailangan ka." paalam nito
"Sige maraming salamat, Edita." pagkasara ng pintuan.
Pinakiramdaman na niya ang kanyang sarili.
Muli nakaramdam siya ng lungkot.
Namimiss ulit niya ang kanyang ama. Hindi na niya napigilan pa ang iyak na kanina pa niya tinitimpi. Halos madurog ang puso niya sa kanyang nararamdaman she felt empty. Tama ba naging desisyon niya na ilagay ang sarili niya sa alanganin only to save her father? Otherwise makukulong ito.
She just hopes that tomorrow everything's okay.
Naalimpungatan si Lacy sa mga katok sa labas ng kanyang silid. Madilim na ng magising siya nakatulugan pala niya ang paghihinagpis niya kanina.
Maya't-maya nabuksan ang pinto at inuluwa niyon si Edita. Pikit mata siya ng binuksan nito ang ilaw.
"Magandang gabi, señorita. Ipagpaumanhin ninyo nagising ko kayo pinapatawag na kayo ni señorito sa baba upang sabay na kayong mag-hapunan."
"Sabihin mo na lang sa kanya na mauna na siya busog pa ako,"
"Pero señorita mapapagalitan ako ni señorito kapag hindi kita napapayag sa gusto niya." tila nakonsensya naman siya.
Knowing that arrogant man.
"Alright. Bababa na ako mamaya maliligo lang ako." aniya nakatulugan na din niya kasi kanina pa ang suot niya.
Nagpaalam na ito at siya naman ay bumangon at tinungo ang banyo.
********
PAGKABABA ni Lacy ay sinalubong kaagad siya ni Edita.
"Señorita nasa hardin po ang prince charming ninyo." sabi nitong parang kinikilig pa.
"Bakit sa hardin? Akala ko ba kakain na kami?"
"Magtungo na lamang kayo roon, señorita." sabi nitong hindi mawala-wala ang kilig.
Tinungo na nga niya ang labas only to find out the scene is same as before the night after her graduation. Mga talulot ng rosas ang nabungaran niya and again she was following it. Mabilis din ang tibok ng puso niya at isang makisig na Rafael ang nakatayo malapit sa kanyang pupuntahan.
The man is totally handsome! Nakangiti ito sa kanya. Para siyang nahihipnotismo at walang kakura-kurap ang pagtitig nito sa kanya.
Until she reached him.
"Good evening sweetheart, you look stunning tonight that dress really suits you." anito at iginaya siya paupo.
"T-thank you. I-ikaw din bagay sayo ang suot mo." wala sa sariling pinuri din niya ito.
"Talaga? Will you please say it again?" tila aliw na aliw ito sa kanya.
"I won't say that again you've already heard it. What was this all about?" ibinaling niya ang mukha sa kabilang dako.
Mabuti na lamang at dim light lang ang nagsisilbing ilaw nila sa table kung hindi baka napansin na nito ang pamumula ng pisngi niya.
Sila nga lamang dalawa ang naroroon. Nakahanda na rin sa mesa ang mga pagkain. And it was so romantic!
"Gusto kong maging special ang unang araw mo dito sa bahay ko. Care for a dance, sweetheart?" ano raw magsasayaw sila? Ni wala ngang tugtog.
"Seryoso ka walang tugtog." ngumiti lang ito bilang sagot maya't maya ay pumitik ito.
Nagliwanag ang buong paligid dahil sa mga nagkikislapang ilaw na nakasabit sa mga halamanan and she was shocked! May mga tao pala sa paligid at may hawak ng kanya-kanyang gamit sa musika.
Napagitnaan silang dalawa ng binata. Nagsimulang tumugtog ang banda.
"Y-you really surprised me."
"I told you I want this night to make it special for you. Since this is your first time to come here. Care for a dance?" tumayo na ito bago pa man siya sumagot at nilapitan siya at inilalayang tumayo.
Ni anumang bahid ng pagtutol wala siyang nagawa.
Mahigpit nitong hinawakan ang beywang niya habang ang isang kamay niya nakahawak din.
Napapikit siya sa magandang musika na kanyang naririnig. Wala sa sariling napasandig ang ulo niya sa balikat nito.
"Don't tell me sweetheart, tutulugan mo ulit ako?" anito.
Tiningala niya ito na halos magkadikit na ang mga mukha nila. "Of course not. I was enchanted by the music ang sarap kasing pakinggan. Thank you so much for making this night so wonderful, R-Rafael."
Tinitigan siya nito sa malamlam na mga mata. "I want to give the best for you, my Rose." pagkasabi nito'y bumaba ang mukha nito upang gawaran siya ng halik.
Bagama't saglit lamang ang halik na iyon para sa kanya parang may milyong boltahe ng kuryente ang gumapang sa kanyang katawan. Muli niyang inihilig ang ulo sa balikat nito.
"Ayokong patagalin ang halik na iyon baka kung saan pa makarating mahirap na baka hindi ako makapag-timpi." wika nito ng makahulugan.
She admit nagustuhan niya ang ginawa nito. Iba na ang nararamdaman niya sa binata. Mahal na niya ito! Kung magkagayon man hindi na siya tutol sa pagpapakasal dito na kung anuman ang naiisin nitong gawin sa kanya wala na siyang pakialam.
Patuloy na sumasayaw ang dalawang nilalang sa ilalim ng maliwanag na buwan na maging ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan ay mga saksi sa umuusbong na pagmamahalan.
To be continued...
Please vote, comment and follow me for more updates! Thanks!
BINABASA MO ANG
The Major Engagement
RomantizmHindi makapaniwala si Lacy Rose na siya ang naging kabayaran ng pagnanakaw ng kanyang ama ng milyones sa kompanya ng mga Delgado. "...And two years from now, Ms. Lacy Rose Henares will getting married to Rafael Iñego Delgado IV....." pagpapatuloy...