Gillermo couldn't help but tremble when he faced the heir of Raffy's young son who was about twenty-three years old. He was wearing his exclusive attire that suits him well.
Matalino ang anak nito at ayaw palinlang. Tila siya sinisilihan sa mga oras na 'yon.
"Hindi ko na sana pa pakikialaman ang mga dokumentong 'yon kung hindi ako tinamaan ng kuryusidad." prenteng sagot ng kaharap. Ito na ang pinakahihintay niyang delubyo na mangyayari sa buhay niya ang singilin siya sa mga ginawa niyang kalokohan sa kompanya ng mga ito.
"H-Hindi ko sinasadya nagkataon lang na nangangailangan ako noon, ibabalik ko naman ng paunti-unti kapag nakakaraos ako sa-"
"Sugal? Akala mo siguro hindi ko pinasubaybayan ang mga kilos mo na madalas kang magtungo sa casino." salungat kaagad nito sa huling sinabi niya. Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil totoo din naman iyon.
"Ipinangsusugal mo ang mga ninakaw mo sa kompanya ng ama ko. He trusted you so much, pero trinaydor mo lang siya." pagpapatuloy nito. Napakabata pa nito para pamalahan ang mga naiwan ng ama nito at ang bawat salitang lumalabas dito ay katulad din nito ng yumao nitong ama na si Raffy. May kahulugan ang bawat sinasabi kung kaya't sa tingin niya balang araw mas lalo pang lalago ang mga negosyong pinaghirapan ng mga ninuno nito na talaga namang napakayaman ng mga ito.
"W-wala na akong ibang ari-arian Mr. Delgado. I don't have anymore precious thing now." totoo iyon maliban sa trust funds ng kanyang anak na nakalaan sa pag-aaral nito ng kolehiyo na iniwan ng namatay niyang asawa sa kanilang anak na si Lacy Rose, na disi-sais anyos pa lang. Malamang pauwi na iyon at ayaw niyang maabutan siya ng anak na bisita ang lalaki.
"Bibigyan kita ng huling palugit, kapag hindi mo naibalik ang mahigit limampung-milyon na ninakaw mo sa kompanya sa loob ng isang linggo. You will definitely rotten in jail, mark my word, Henares." tila nagimbal siya sa sinabi nito. Papaano niya babayaran ito na sa loob lamang ng isang linggo? Saan siya kukuha? At kung pipiliin niyang makulong papaano na ang anak niya? Tuluyan ng nawala ang kulay sa mukha niya. Kung may sakit lamang siya sa puso malamang naatake na siya.
"W-wala akong perang buo pero mababayaran kita ng paunti-unti." sabi niya na alam naman niyang hindi gugustuhin ng kaharap sa ganoong paraan siya magbabayad.
Ngumisi ito, "I want it full Henares. Hindi ko sana gustong gawin sayo to' kung hindi mo sana kami pinagnakawan hindi mangyayari sayo—"
"Daddy!" hindi na naituloy ng binata ang sasabihin nang sumalungat ang boses ng anak niya sa entrance door malapit sa kinarororonan nila.
Patakbo siya nitong nilapitan sabay halik sa kanyang pisngi at niyakap siya sa leeg.
"I miss you dad! Bakit ngayon lang kayo umuwi?"
"I miss you too iha. A-anak may mga bisita ako." sabi niya sa anak at tumingin siya sa kaharap.
Ito na nga ba ang kinatatakutan niya na hindi dapat makita ng binata ang anak niya.
"Ops, I'm sorry dad, may mga bisita ka po pala. " sabi ng anak niya at pinaglipat ng tingin sa binata at ang abogado nito.
"Magandang hapon po sa inyo," sabi ng anak at ngumiti sa mga ito.
Tinignan niya ang expression sa mukha ng binata na ngayo'y titig na titig sa kanyang anak hindi niya mawari pero may kislap iyon.
Nagpaalam na ang kanyang anak at tinungo na nito ang silid nito sa itaas. Nang tignan muli niya ang binata tila may naglalaro sa isip nito. No!
"You still have one precious thing na pwede mong mabayaran ang utang mo, Henares." sana nagkamali siya ng iniisip.
"No, not her please!" pagmamakaawa niya na alam kaagad kiya ang tinutukoy nitong "precious thing kung bagay nga bang ituring nito ang anak niya."
"Matalino kang talaga Henares alam mo kaagad ang tinutukoy ko hindi na kataka-taka kung papaano mo pinagnakawan ang kompanya." pangiinsulto nito. Wala na siyang pakialam kung insultihin siya nito sa mismong harap niya huwag lang ang anak niya.
"H-hindi ko maihahalintulad sa anumang bagay ang anak ko Mr. Delgado! She is precious and not a thing. Nakikiusap ako huwag ang anak ko!" mawala man ang pride at ego niya basta ang mahalaga sa kanya na huwag masali ang anak niya sa usapan.
"Hindi ako interesado sa mga bulok mong ari-arian Henares, but I'm interested to your daughter. She's beautiful." sabi nito sa malisyosong tinig at sa paraang negosyo lang din inihahambing nito sa kanyang anak. Hindi kataka-taka ang angking kagandahan ng kanyang anak na namana nito kay Aurelia.
"Disi-sais pa lang ang anak ko ayoko siyang madamay sa gulong ginawa ko." tagaktak na ng pawis ang kanyang katawan dahil sa tensyon.
"Siyempre hindi ako pumapatol sa bata pero makakahintay naman siguro ako. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko Henares, dalawa lang naman ang pagpipilihan mo ang makulong o ang maging pag-aari ko ang anak mo pagtungtong niya ng Disi-otso." mahabang litanya nito at wala na siyang maintindihan sa mga sinasabi nito dahil na kay Lacy na ang iniisip ng utak niya.
"I will be here nexweek for you to sign the contract. Pirmahan mo 'yon bago ang huling palugit na binigay ko and tell that to your daughter." pagpapatuloy nito nang hindi pa rin niya magawang magsalita. Hindi pa rin siya natitinag sa kinauupuan nang mawala na sa paningin niya ang mga ito.
Paano siya? Kung makukulong siya hindi rin niya mababantayan ang anak niya sa paglaki nito. Alam niyang hindi niya mababayaran ito sa ganoong halaga.
Hindi niya alam kung sasabihin niya sa anak niya ang tungkol dito.
I'm so proud of you daddy......
You're the best dad in the world daddy!Iyon ang mga katagang binabanggit ng anak tuwing napapakitaan niya ito na kasiyahan pero pag nalaman nito ang kalokohang ginawa niya mamumuhi ba ang anak niya sa kanya? Tuluyan na siyang napahagulhol.
Im sorry, Aurelia! Naging makasarili ako!
BINABASA MO ANG
The Major Engagement
RomanceHindi makapaniwala si Lacy Rose na siya ang naging kabayaran ng pagnanakaw ng kanyang ama ng milyones sa kompanya ng mga Delgado. "...And two years from now, Ms. Lacy Rose Henares will getting married to Rafael Iñego Delgado IV....." pagpapatuloy...