CHAPTER 6: Her first date

451 12 0
                                    

MASAYANG nagtapos ng highschool si Lacy at naging valedictorian pa siya. Iyon na ang simula ng pag-abot niya sa kanyang mga pangarap. Iyon na din marahil ang paghihiwalay nila ng landas ng mga kaklase niya dahil kanya-kanya na sila ng kolehiyong papasukin.

But the memories will still remains.

Bago matapos ang graduation nila naghandog muna ng isang awitin si Lacy this time hindi siya gumamit ng piano kundi ang kaklase nila at ang violinista.

Ang kantang aawitin niya ay ang paborito nang kanyang ina.

And when she finished singing, she felt even lighter, because she remembered her mother again.

Masigabong palakpakan ang narinig niya sa paligid.

"Ang galing mo talaga anak, I'm so proud of you !" maluha-luhang bati ng ama niya pagkatapos ng awitin niyang iyon.

"Thank you dad," niyakap niya ito.

Masayang masaya siya dahil tapos na ang yugto ng buhay niyang 'yon.

"Sa bahay na tayo magsi-celebrate anak."

"Sure dad, tiyak magluluto si yaya Nelia ng pinakapaborito kong dinner tonight."

Natatawang inakbayan siya ng ama. "Oo naman anak sinabi ko kay ate Nelia na magluluto siya ng napakarami ngayon."

"Talaga dad? Yehey! And I know may naghihintay ding gift sa bahay am I right dad?"

"Of course iha, makikita mo mamaya."

"Excited na ako!" napakasaya niya ng gabing iyon at lalong lalo na nitong nakaraang buwan dahil madalas na ulit sa bahay nila ang daddy niya.

"Lacy, sandali." napalingon si Lacy ng may tumawag sa kanya.

Si Javier ang salutatorian nila.

"Yes?" nginitian niya ito.

"Will you accept this as a sign of our friendship? Kahit ito man lang tanggapin mo." medyo nahiya pa ito sabay abot sa kanya ng bungkos ng tulips.

"Thank you Javier, napakaganda nila!" naalala na naman niya ang mommy niya dahil sa mga bulaklak.

"Salamat din at nagustuhan mo." nakangiting wika nito.

Sinuklian din niya ito ng ngiti.

"Syempre naman, Oh pano aalis na kami, salamat ulit dito." sabi niya sabay amoy ng bulaklak at tumalikod na dito.

"Anak mukhang may gusto sayo ang kaklase mong 'yon." kapagkuwa'y sabi ng daddy niya habang naglalakad sila patungong sasakyan nila.

"Huh? Talaga dad, pero sorry na lang siya wala pakong balak magka boyfriend—soon to be married na nga pala ako." sabi niya ng maalala ang kontratatang pinirmahan nila last month.

Napabuntong hininga ang daddy niya. "Anak kung nandito lang ang mommy mo malamang galit na galit na iyon sa akin."

Napatawa siya sa sinabi nito. "Of course dad, kilala ko si mommy at malamang babatukan ka na 'nun!"

Tumawa ang daddy niya sa sinabi niya. Bumuntong hininga ito.

"Namimiss ko na ang mommy mo," maging siya man ganun din sobrang miss na miss na din niya ang mommy niya.

Nakasakay na sila ng kotse ng daddy niya. Pagkarating nila sa bahay nila parang kinakabahan siya na hindi niya mawari.

Pagkapasok pa lang niya nakalatag na ang red carpet sa lalakaran niya at may mga petals iyon ng rosas.

Ito ba ang surpresa ng daddy niya napaka romantic naman.

Magde-date silang mag-ama. Bumabawi na nga ang daddy niya at natutuwa siya.

The Major EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon