PAG-UWI ni Lacy Rose sa kanilang bahay mula sa iskwelahan inaasahan niyang naroon ang ama sa bahay nila. Ngunit nanlumo siya dahil hindi na naman niya nakita ito.
Madalas na itong hindi umuuwi sa kanilang bahay hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan nito.
Minsan tinawagan niya ito pero hindi ito sumasagot.
Malamang nasa trabaho ito ngunit simula noong namatay ang kanyang ina madalas ng wala ang kanyang ama sa kanilang bahay.
Sa tuwina nakikita niya ang ama na madalas uminom ng alak tuwing gabi. Hindi na rin niya ito nakakausap ng madalas.
Dalawang linggo na ang nakararaan simula noong inilibing ang kanyang ina sa huling hantungan nito. Tila napapabayaan na rin ng ama ang kalusugan nito.
Malaki na rin ang ibinagsak ng katawan nito parang tumanda pa ang ama kumpara sa tunay na edad nito. Kwarenta'y singko palang ang ama niya pero mukha na itong singkwenta. May mga ilang puti na rin ito sa buhok.
"Yaya, hindi pa ba umuwi si daddy?" tanong niya sa kanyang yaya Nelia.
Nilingon siya nito dahil abala ito sa pagluluto sa kusina. "Baka gagabibin na naman 'yon anak, alam mo naman iyon minsan madaling araw na kung umuwi o di kaya naman sa condo nito umuuwi." nalungkot siya sa sinabi ng yaya niya.
Namimiss na niya ang kanyang ama.
"Ganun po ba," maikling sagot niya.Kelan kaya ito uuwi?
Naaalala din kaya siya nito na may anak itong naghihintay sa kanya?
Baka naman nakalimutan na siya ng kanyang ama? Ipinilig niya ang isiping iyon.
"Mabuti pa't tikman mo itong niluluto ko." sabi ng yaya niya.
Agad sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Kinuha niya ang sandok at nagsalin ng sabaw tsaka tinikman.
"Hmn, ibang klase talaga ang tinola ninyo yaya, sobrang sarap!" totoo 'yon kaya ganadong-ganado siya kung kumain tuwing nagluluto ito ng paborito niyang tinola.
"Binola mo pa akong bata ka,"
"Tototo naman po, yaya!"
"Oo na nga halika na't ipaghahain na kita." nakangiting wika ng yaya niya.
"Sabay-sabay na po tayo nina yaya Sabel at yaya Linda." madalas na kasi ang mga kawaksi ang kasali niya sa pagkain na minsan naiilang pa ang dalawang kawaksi dahil sa tingin niya baguhan pa.
"O, siya sige tatawagan ko na sila," nagpatianod na ang yaya Nelia niya para tawagin ang dalawang kawaksi kahit papaano hindi siya malulungkot na mag-isa kung kumain at para hindi niya maalala ang sitwasyon niya.
Masaya silang nagsalu-salo sa pagkain.
"Umakyat kana señorita at magtungo kana sa kwarto mo mukhang pagod na pagod ka."
"Sige po yaya, salamat po ulit sa masarap ninyong luto."
"Walang anuman, señorita." nakangiting tugon ni Yaya Nelia.
Umakyat na siya sa kanyang silid. Binuksan niya ang ilaw sa kanyang kwarto at dire-diretsong nahiga sa kama.
Ipapahinga lang niya saglit ang katawan bago siya magtungo sa banyo.
Napakatahimik ng bahay nila. Sanay naman siya dati na tahimik lang pero bakit ngayon nakaramdam siya ng kahungkagan? Parang bumibigat na naman ang kanyang dibdib.
At parang sumusobra na rin ang kalungkutan na nararamdaman niya.
Pakiramdam niya nag-iisa na lang siya.
BINABASA MO ANG
The Major Engagement
RomanceHindi makapaniwala si Lacy Rose na siya ang naging kabayaran ng pagnanakaw ng kanyang ama ng milyones sa kompanya ng mga Delgado. "...And two years from now, Ms. Lacy Rose Henares will getting married to Rafael Iñego Delgado IV....." pagpapatuloy...