Gabi na nang marating nila ni Rafael ang mansion nito. Niyakap niya ang sarili dahil napakalamig ng simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat at nasasamyo pa niya ang natural na amoy ng mga puno sa paligid. Kung anong ikinaganda ng paligid sa umaga ay ganun din sa gabi.
Hindi pa rin makahuma ang sarili niya kanina nang sa pagyakap niya sa likod ng hubad na katawan ni Rafael habang sakay sila ng kabayo. Tila may kilig siyang naramdaman nang yumakap siya sa katawan ng binata. Nag-iinit pa rin ang pisngi niya sa tagpong iyon.
"Magandang gabi señorita at señorito." bungad sa kanila ni Edita.
"Good evening too, Edita." ganting bati niya.
"Naku po señorita ano ang nangyari sa inyo bakit basang-basa kayo?"
"Nahulog siya sa may ilog. Mabuti pa Editha, tulungan mo ang señorita mo na makaakyat sa kanyang silid."
"Ganun po ba naku mabuti naman at walang masamang nangyari sa inyo. Siya nga pala señorito nandito po si Maam Gwen—"
"Mabuti naman at nakauwi ka na Rafael at sino 'yang babaeng kasama mo? If I'm not mistaken, your fiance right?" mula sa kung saan sumulpot ang babaeng kinaalitan ni Rafael nung nakaraang araw sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Isang matalim na tingin ang ibinigay sa kanya ng babae. Hindi niya gugustuhin na makita ito sa ngayon.
"I didn't expect you to be here, Gwen. You're right, she is Lacy Rose my fiance." inakbayan siya ni Rafael na lalong ikinangitngit ng babae.
"I-I thought you were just kidding me!" bulalas nito.
"Kailan pa ko nagbiro sa ganyang bagay, Gwen."
"Anong klaseng babae ba ang pinili mo Rafael at saan naman kayo nag parausan ng mga sarili! She look mess." sabi nitong pinaglipat-lipat sila ng tingin ni Rafael na may malisyang tingin.
Nag-init ang pisngi niya sinabi nito. Kung wawariin mukha ngang may mali sa kanila ni Rafael dahil walang suot pang itaas si Rafael at siya'y basa ang suot na bestida at nagusot pa.
Bumitaw si Rafael sa pagkakaakbay sa kanya nilapitan nito si Gwen at hinaklit nito ang braso ng babae.
"Huwag na huwag mong babastusin sa harap ko ang ang magiging asawa, ko nagkakaintindihan ba tayo, Gwen!"
"Ouch! You're hurting me Rafael! Kung ito ba ang kabayaran ng pagkakasala ko sayo pwes nagsisisi nako! Just give me a chance, please!"
"Matagal na tayong tapos Gwen, umalis ka na sa bahay ko! And don't ever come back!" may kung anong kirot ang naramdaman niya sa kaibuturan ng kanyang puso sa kaalamang may nakaraan ang dalawa.
"Please, Rafael give me a chance! Dalawang taon din akong nagtiis sa America and I thought sa pagbabalik ko you would still choose me at ang babaeng iyan lang 'yan ang sisira satin!" akmang susugurin siya ni Gwen ng inawat ito ni Rafael.
"Editha papasukin mo na si Rose sa loob she's cold baka magkasakit pa siya may, aasikasuhin lang ako dito."
"S-sige po señorito,"
"I'll deal with you later," huling sabi ni Rafael sa kanya nagpatianod nalang siya nang igaya siya papasok ni Editha.
Tila namamanhid ang buong katawan niya at hindi na niya nararamdaman ang lamig. Bakit ganun ang nararamdamn niya tuwing magkalapit sina Rafael at Gwen may kung anong kirot sa kanyang dibdib?
"Pagpasensyahan niyo na sana si Maam Gwen, señorita hanggang ngayon kasi habol pa rin siya nang habol kay señorito."
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Editha dahil ang buong atensiyon niya nasa dalawang nilalang na nagtatalo sa labas.
BINABASA MO ANG
The Major Engagement
RomansaHindi makapaniwala si Lacy Rose na siya ang naging kabayaran ng pagnanakaw ng kanyang ama ng milyones sa kompanya ng mga Delgado. "...And two years from now, Ms. Lacy Rose Henares will getting married to Rafael Iñego Delgado IV....." pagpapatuloy...