"Si señorito po ba ang hinahanap mo señorita?" mula sa likod nagsalita si Edita.
Hinarap niya ito. "Oo Edita nasaan siya?"
"Huwag mong sasabihin kung nasaan ang señorito mo hayaan mo siyang maghanap." salungat kaagad ng mayordoma at walang paalam na umalis.
"Naku señorita hayaan mo si nana Sedang talagang masungit 'yon. Si señorito nga pala nasa koprahan."
"Salamat, Edita"
"Mabuti pa señorita samahan ko na kayo."
"Ako na lang malapit na lakaran lang naman iyon mula dito." patakbo na siyang lumabas ng bahay na hindi na narinig ang boses ni Edita at tinungo ang kinaroronan ng binata.
Lakad takbo ang ginawa niya at wala na siyang inaksayang oras dahil iniisip pa lang niya ang bawat segundong pamamalagi ng ama niya sa kulungan parang siya na ang nahihirapan.
Narating niya ang koprahan tanging ang mga abalang trabahador lang ang nakita niya. Tinanong niya ang isa sa mga ito kung nasaan ang binata sinabi nito na umalis daw ito kasama ang kabayo nito.
Saan kaya niya mahahanap ang lalaki? Napakalawak ng sakahan nito. Nagpatuloy siya sa paglalakad baka sakaling makasalubong niya ito. May naiisip siyang lugar na maaaring naroon ang binata. Muli lakad takbo ang ginawa niya balewala sa kanya ang pagod. Narating niya ang kanyang puntirya na kung saan minsan dinala siya ng binata sa isang lugar na puno ng mga bulaklak sa paligid at ang matandang puno ng ilang-ilang na nagsisilbing silong niyon.
Dito sa lugar na ito sila nagpahinga at kumakain. Habang sa tabi naman nito ay may napakalinis na ilog na pwedeng liguan.
Napapikit siya at sinamyo ang mabangong amoy ng ilang-ilang napakapresko niyon at tila nakalimutan niya ang kanyang suliranin.
Napadilat siya at bumalik sa hwesyo. Pero wala dito ang binata nasaan kaya ito?
Lumapit siya ng maigi sa may ilog
tinanggal ang suot na sandalyas at walang arteng umupo sa gilid at inilublob ang dalawang paa sa ilog. She felt relieved.
Tumingala siya sa kalangitan only to find out na may kugon na sanga ng ilang-ilang.
Nagulat siya ng makitang may munting ibon iyon na marahil hindi pa marunong lumipad. The bird was whimpering parang sa isang sanggol na hinahanap ang ina. She was puzzled kung sakaling magkikilos ito malamang babagsak ito sa ilog na maaaring ikakapahamak nito.
She felt pity for the little bird but if she put it in the safest place and that bird would be safe.
Muli tiningala niya ang puno hindi naman kataasan iyon maaabot niya iyon kung aakyatin niya ang sanga ng ilang-ilang but to her horror kung magkamali man siya maaaring mahulog siya sa ilog!
Bago pa siya maabutan ng dilim hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
Kahit nakasuot siya ng bestida hindi naging dahilan iyon para hindi niya akyatin ang puno.
Narating niya ang sangang nagsisilbing sampa niya and she knows it safe. Tumingin siya sa ibaba niya kung sakaling babagsak siya dun malamang malulunod siya dahil hindi siya marunong lumangoy at alam niyang malalim din iyon.
Nanginginig ang kamay na pilit inabot ang kugon.
"What are you doing!" nagulat siya ng marinig ang sigaw na iyon ni Rafael tanaw niya ito may kalayuan sa kanya at kasama nito ang kabayo nito.
She was hypnotized. Seeing Rafael half naked would be hard for her to resist his charm. She was then out of balance.
Alam na niya ang mangyayari nahulog lamang naman siya at bumulusok ang katawan niya sa ilog. Pumailalim ang katawan niya and she didn't know what to do. Ganun pala ang nalulunod natatakot siyang kumilos lalo na't nasa ilalim ka na.
Halos mapugto na ang hininga niya sa dami ng nainom niya. Bago pa siya mawalan ng malay may mga brasong pumulupot sa kanyang baywang.
The next thing she knew nasa lupa na siya at tila parang nahigop palabas lahat ang kung anong meron sa loob ng katawan niya.
Nag-aalalang mukha ni Rafael ang nabungaran niya. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin dahil wala itong suot na pang itaas.
The man was sexy.
"Are you alright?" tanong nito na nagpabalik sa huwesiyo niya.
She nodded with an answer.
Bagama't nanginginig pa rin ang katawan niya hindi dahil sa lamig kundi 'yong nangyari kanina.
"Damn! Why did you do that!" sermon kaagada nito sa kanya. Hindi niya ito sinagot bagkus tinignan niya mula sa itaas ng puno ng ilang -ilang ang kugon.
Pero wala na ito doon bumangon siya at hinanap ng mga mata ang ibon sa ilog na kinabagsakan niya na marahil naisama ito noong bumagsak siya. Pero wala siyang nakita.
"Nasaan 'yong ibon at 'yong kugon niya. Did you save them?" tanong niya kay Rafael.
"What are you talking about? Is that the reason why you put yourself in danger?" pagalit na sabi nito.
"H-hindi naman ako mahuhulog kung hindi ka sumigaw kanina!" pagalit din niyang sabi.
Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "And now you put the blame on me? Paano kung hindi ako nagtungo rito! And knowing that you didn't even know how to save yourself but you know how to save the life of others! At sa isang ibon pa!" napatulala siya sa sinabi nito.
Tama ito hindi niya masisi ito at maaari din siyang mapahamak sa ginawa niya kung hindi marahil dumating ito malamang patay na siya.
Nag-aalala ba ito dahil sa kamuntikan na siyang mapahamak? O hindi naman kaya nag-aalala lang ito dahil pag nagkataong mamatay siya mawawalan na din ito ng mapapangasawa.
May kung anong nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. She then realized the whole situation. "Oh I'm sorry!" napahagulhol na siya ng iyak habang inaalo siya ni Rafael.
"Damn it! I'ts alright sweetheart you might be enchanted a while back. Lalo na't mag-isa mo lang dito."
Marahil tama ito. Ang lugar nito ay may kaakit-akit na tanawin and she knows she will not only be enchanted by the place but his charm forever.
"T-thank you for saving me."
Ngumiti ito na para bang iyon na ang ngiting magpapalambot sa bata niyang puso.
"You are most welcome, sweetheart. Just don't ever do that again, okay? You made me scared." pagkasabi nito'y niyakap siya ng mahigpit. She felt warm and safe.
"It's getting dark let's go home now."
Sa saglit na pagkahipnotismo niya naalala niya ang sadya niya sa lalaki. Itinulak niya ito na ikinagulat nito.
"Go home by yourself! You scambag! Bakit mo pinakulong ang daddy ko!"
"What are you talking about." tila naguguluhan ito sa sinabi niya.
"Tumawag sakin si yaya Nelia at sinabi niya na pinakulong mo ang daddy ko!"
"What!? I did nothing." gulat na sabi nito.
"You didn't really!?"
"I called your dad a while back and I told him na umuurong ka sa kasunduan natin and you knew that was possible dahil nagkapermahan na tayo."
"Seriously you didn't do anything? Bakit sinabi ni yaya Nelia iyon." naihilamos tuloy niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha.
So pinaglalaruan lang siya kanina.
"I told you I did nothing. Malamang tinakot ka lang nila." sabi nito na may ngiti sa mga labi.
Kahit naman papano nakahinga din naman siya ng maluwag pero hindi pa rin magandang biro ang ginawa ng mga ito.
"Common, Let's go home now." Tumayo ito at inakay siya. Nagpatianod nalang siya at nagpaakay sa kabayo nito.
To be continued....
Please, vote, comment and follow for more updates! Thanks!
BINABASA MO ANG
The Major Engagement
RomansaHindi makapaniwala si Lacy Rose na siya ang naging kabayaran ng pagnanakaw ng kanyang ama ng milyones sa kompanya ng mga Delgado. "...And two years from now, Ms. Lacy Rose Henares will getting married to Rafael Iñego Delgado IV....." pagpapatuloy...