CHAPTER 2: After the roses

461 12 0
                                    

"How's the air mommy?" tanong ni Lacy sa kanyang ina at nasa hardin sila ng umagang iyon.

Nailabas nila kahapon ang mommy niya mula sa hospital.

Hinawakan nito ang kamay niya sa balikat nito. Naka-upo kasi ito sa weelchair at nakaalalay siya. "It's refreshing darling, nakakahinga ako ng maluwag lala na't nandito na naman ako sa hardin ko. Malayong-malayo ang sariwang hangin na nalalanghap ko sa ngayon kaysa hospital. Mas nakakahinga talaga ako dito sa labas at lalong lalo na't nakikita ko itong mga halaman ko. Mas gusto ko na dito nalang sana sa bahay ayoko ng bumalik pa sa hospital, anak."

"Mommy, huwag ka sanang susuko. Ayokong iwan mo ako." malungkot na wika niya.

Nanatili siyang nakatayo sa likura nito dahil kapag humarap siya sa kanyang ina ay baka maiyak lamang siya nang wala sa oras.

"I've tried darling, but the past few days nanghihina na ako anak." kahit hindi niya nakikita ang mukha nito alam niyang nalulungkot ito.

Totoo ang sinabi nito. Madalas atakihin ng simtomas ng sakut nito na halos hindi na magkamayaw ang kanyang ina dahil sa sakut na nararamdaman nito.

Wala naman siyang nagawa para alisin ang sakit nito.

Iniiyak na lamang niya sa kanyang silid sa tuwing inaataki ito ng sakit.

"Look at those lovely flowers mommy, specially those roses napakaganda nilang tignan lalo na sa umaga." pang-iiba ni Lacy sa usapan gusto niyang pasayahin ang mommy niya sa mga sandaling buhay nito na hindi inaalala ang sakit nito.

"Tama ka anak. Buti pa nga ang mga rosas kahit ilang putol mo sa mga ito tumutubo pa rin ng panibagong bulaklak sana ganun din ang isang tao." makahulugang sabi nito. "Tignan mo ako anak, nakalbo na ang buhok ko at mukhang hindi na tutubo ang mga ito." sabi pa ng ina na nagawa pang magbiro.

"Huwag kang mag-alala mom, mat awa ang Diyos satin malalagpasin mo din ang lahat ng ito."

Lagi siyang nagdarasal para sa ikabubuti ng kanyang ina at sana dinggin iyon ng maykapal.

"Rose, promise me one thing huwag na huwag mong pabayaan ang mga rosas kahit iyon man lang ang regalong maiiwan ko sa iyo at sa tuwing makakakita ka nito'y isipin mo lagi na naroroon ako." tila kinalabutan siya sa sinabi nito.

"Mommy, please don't say that! Mabubuhay ka pa lalaban tayo mommy, makaka-survive ka din."

"I will, Rose." parang tinutusok ang dibdib niya sa sinasabi ng mommy niya na para bang nawawalan na ito ng pag-asa.

Pero siya hindi siya nawawalan ng pag-asawa.

"Let's get inside now, mom. Magpapatugtog ako ng piano para sayo."

"Really, darling? How did you learn to play that?" humahangang tanong nito sa kanya.

"Mommy, nag-member ako ng qoir lately lang sa school. We also sing and tinuturuan kaming magpatugtug ng piano. I hope you will like it mom."

"Hindi ka lang magaling sa curriculum anak you also good at music at ano pa ang mga sinalihan mo sa school niyo anak?"

"I'm also good at sports mommy!" bibong sagot niya.

"Oh wow, you are so gifted darling. Napaka-swerte naman namin ng daddy mo at ikaw ang naging anak namin. So what are we waiting for! Pumasok na tayo sa loob anak at nang marinig ko naman ang maganda mong boses at least ngayon mapapatugtog na din ulit ang piano ng lola mo." masiglang wika nito.

Kung sana ganun na lang lagi sila at wala ng sakit na dapat alalahanin.

"Thank you, mom!" tinulak na niya ang weelchair ng ina at tinungo nila ang living room na kung saan nasa gilid niyon ang piano.

The Major EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon