Chapter 23

377 3 0
                                    

Chapter 23

"Ano ba kasing nangyari sayo?Ilang araw ka na namang hindi nag-paramdam."May pag-aalalang turan ni Chandni

"True alalang-alala sayo si, EOTGirl nung hindi ka tumawag sakanya."sabat ni, Miri Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng guilt dahil nakalimutan kong nag-sabi nga pala akong mag-memessage kay, Bery

"Wala namang nang-yaring masama sakin." pag sisinungaling ko Hindi na nila kailangang malaman ang nangyari dahil alam kong mas dadami lang ang tanong nila at ayaw kong mas mag-alala pa sila

"Saka hindi pa kayo nasanay sakin."pabirong wika ko  "Kung si, Bery lang hindi na Ako mag tataka pero kayo alam niyo namang ugali ko na ang biglang hindi mag paparamdam diba kaya hindi na bago Yun." natatawang dagdag ko

"Saan ka ba nagpunta?"natatakang napalingon ako sa tanong ni, Saoires "Nung pumunta kami sa condo mo wala ka pati sa bahay niyo wala rin. Saan ka tumuloy?"nag-dududang tanong nito napa iwas naman ako ng tingin

"Oo nga noh? Ngayon ko lang naalala pumunta kami sa bahay niyo pero wala ka tapos sa Condo mo din." sang-ayon ni, Sinead rito

"Meron ka talagang hindi sinasabi eh."inosenteng ngumiti na lang ako kay, Chandni ng paningkitan ako nito ng tingin

"Geneee!!!"pare pareho kaming napalingon sa pinang galingan ng boses napa ngiwi na lang ako ng mahigpit akong niyakap ni Bery

"Ayos ka lang ba? May nangyari bang masama sayo? Bakit hindi ka tumawag sa'kin? Alam mo ba Sobrang alalang-alala ako sayo? Ilang araw kang hindi pumasok, medyo nabawasan lang ang pag-aalala ko ng sabihin nila, Chandni na nangyayari talaga minsan ang ganito,Tapos ng pumunta ako sa bahay niyo—kung bahay man yun—naka-usap ko ang, Mommy mo at sinabi niyang ayos ka lang kaya hindi na ako lumapit sa pulis.Tapos hinintay kitang pumasok."sunod sunod na wika nito kaya hindi na ako nag-takang hingalin ito matapos ng mabilis at mahaba nitong sinabi

"Pasensya na, Bery nakalimutan ko eh saka nasanay na kasi akong hindi nag memessage o tumatawag kahit kanino." kamot batok na wika ko rito saka kiming ngumiti

"Ayos lang,tulad lang ng sinabi ko sinabi naman nila sakin. Hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala saka at least nag-sorry kana at sana kahit papano mag-sabi ka para sa susunod hindi na ako mag-alala ng sobra." naka ngiting wika nito

"Sabi sayo, EOTGirl eh ayos lang yan." wika ni, Sinead napa-nguso na lang ako alam ko namang inaasar lang nila ako eh

"Minsan nga magugulat kana lang bigla siyang tatawag para mag-pasundo kasi naliligaw na, tapos malalaman na lang naming umakyat pala ng bundok."natatawang pag kwekwento ni, Chandni sinamaan ko ito ng tingin pero hindi ako pinansin

Inirapan ko na lang sila saka nag lakad papuntang counter para kumuha ng kakainin, salubong ang dalawang kilay na lumingon ako sa likod ng may bumangga sa'kin

"Sorry hindi ko sinasadya."hinging paumanhin nito, napa-iling na lang Ako ng mapansing labas sa ilong ang pag-so-sorry nito

"Okay lang."malumanay na wika ko rito saka ngumiti "Sanay naman na akong sumandal sa pader."dugtong ko saka sila tinalikuran dinig ko ang tawanan ng mga nakarinig pero hindi ko na pinansin

Agad kong tinanggap ang pag-kaing inaabot ng cashier nginisihan ko lang yung Babaeng bumangga sa likod ko ng mapadaan ako sa pwesto nito at kitang kita sa mga mata nito ang galit at pag kapahiya...

"Anong sinabi mo dun sa Babae?" Agad na tanong ni, Sinead ng maka upo ako sa table namin apaka chimosa talaga ng babaeng ito

"Wala ka ng pakialam duon." naka
-irap na sagot ko rito naka simangot at tila masama ang loob ng bumaling na lang ulit kay, Bery

My Professor is a Vampire(🌜)Where stories live. Discover now