Chapter 29

320 2 0
                                    

Chapter 29

"Gene.... W-wala na si, K-Kuya."pigil ang luhang wika you nito natigil naman Ako sa dapat na masayang pag salubong rito

"Huh?!"naguguluhang tanong ko rito

"W-Wala na si, Kuya Gene h-hindi.... hindi niya kinaya ang parusang ibinigay sakanya." sisinoksinok nitong wika dahil sa labis na pag-iyak

"W-wala na ang kapatid ko... h-hindi na siya makakabalik pa..."

Nang hihinang napa upo na lang ako sa sinabi nito mabilis ang bawat pag hinga ko

"G-Gene..." bakas ang pag-aalalang usal nito ngunit naka titig lang ako sa kawalan, bakit wala akong maramdaman?Bakit tila namanhid ang buong katawan ko?

"I-I'm sorry..."lumuluhang wika nito duon lang rumehistro sa isip ko ang sinabi nito

Wala na si Prof Lazarus.... Hindi na siya babalik pa...

Namalayan ko na ang sunod sunod na pag tulo ng luha kasabay nang pananakit ng dibdib ko dahil sa sakit

Tila gumuho ang mundo ko dahil sa binalita nito... Hindi... Hindi ko kakayanin. Nangako sila diba? Nangako siyang babalik siya..

Babalikan niya ako...

Nangako siyang babalikan niya ako...

"N-nangako ka.... Nangako ka, Miri ibabalik mo siya sa'kin..."puno ng sakit na humihikbing wika ko rito. Nahihirapan na din akong huminga dahil sa sobrang pag iyak

"S-sinubukan ko naman lahat."garalgal ang boses na wika nito, agad na winaksi ko ang kamay nito ng hahawakan sana ako nito para tulungang tumayo

"H-Huwag mo akong hahawakan..." humihikbing wika ko rito "N-naniwala ako sayo... pinang hawakan ko ang pangako mong ibabalik mo siya sa'kin." hilam ang luhang sambit ko, pinilit kong tumayo kahit nangangatog ang mga tuhod ko

"N-naniwala ako sayo!"lumuluhang galit na sigaw ko rito

"B-BAKIT? SABIHIN MO SA'KIN MIRI?!BAKIT HINAYAAN MO SIYANG MAWALA?!"umiiyak na sigaw na tanong ko rito napa hawak ko sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko

"A-ALAM MO?! ALAM MONG H-HINDI KO KAKAYANIN NG WALA SIYA?! A-ALAM MO KUNG GAANO KO SIYA KAMAHAL?!..... a-alam mong kailangan.... kailangan ko siya...A-ang gusto ko lang ay ibalik mo siya sa'kin...i-ibalik n-niyo siya s-sakin" humahagulgol na sumbat ko rito

Tanging sorry lang ang paulit ulit na sinabi nito ngunit kahit ilang sorry pa ang sabihin nito ay hindi na niya may ibabalik pa sa'kin ang lalaking mahal ko...

Tanging hikbi at hagulgol namin ang maririnig mo sa buong kabahayan dahil sa sobrang katahimikan... Mabigat ang bawat pag hingang nagising ako mula sa masamang panaginip

Agad kong kinapa ang mukha ko ng maramdamang basa ito.... umiyak ako...

"Lazarus..."pigil ang luhang sambit ko habang mahigpit ang yakap sa Isang unan

"Bumalik kana... M-miss na miss na kita..." naiiyak na pako usap ko kahit alam kong hindi naman Ako nito naririnig

"Babalikan mo naman ako diba? H-hindi.... hindi mag kakatotoo yung panaginip ko?" umiiyak na tanong ko habang naka subsub ang mukha sa unan

"L-Lazarus... "paulit ulit na pag tawag ko sa pangalan nito kahit alam kong hindi siya dadating

"B-bumalik kana s-sakin... h-huwag mo akong iiwan... L-Lazarus...."

Wala akong ginawa kung hindi umiyak habang mahigpit ang pag kakayakap ko sa unan

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak ng makaramdam ako ng pagod at Wala ng luha pang lumalabas sa mga mata ko...

Naka tulala lang ako sa kawalan binabalikan ang masaya naming memories para kahit papano ay mabawasan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko

"Hottie mo naman, Prof Ilan na body count mo?"tanong ko rito nandito ako ngayon sa office niya Wala lang para bwisitin siya

" Body Count? "kunot noong tanong nito

"You know, Prof Lazarus kung ilang babae na ba ang pinasukan niyan." naka nguso sa pagitan ng hita nitong wika ko saka siya ngising

"Ms. Clementine!"tila gulat na sigaw nito ng mapansing titig na titig ako sa nasa gitna niya kinindatan ko na lang ito saka tatawa tawang lumabas ng office nito

Napatigil ako sa pag lalakad ng madaanan ko ang music room at nakita si, Prof Lazarus na nag iisa sa loob

Naka ngising palingon lingo ako sa kabilaang side para tignan kung may tao ng makitang wala ay dali dali akong pumasok sa loob ng Music Room at nilocked ang pinto

"Hellowwwww, Prof Lazarus!" magiliw na bati ko rito saka nag lakad palapit sakanya

Walang emosyong naka tingin lang ito sa'kin hindi ko tuloy mapigilang mapa isip kung anong iniisip nito tungkol sa'kin

"Anong ginawa mo dito sa Music Room, Prof Lazarus? Marunong kang tumugtug?" puno ng kuryusidad na tanong ko rito habang pinag lalaruan ang keyboard ng Piano

Napa simangot na lang ako ng hindi ako nito pinansin

"Pumapatol ka ba sa studyante mo, Prof?" tanong ko rito ngunit gaya kanina ay hindi ito umimik at hindi ako pinansin

"I can make you scream, Prof kahit saan wanna try?"nang aakit na bulong ko rito napa halakhak ako ng tila napapasong dali daling lumayo ito sa'kin

" Have some respect to yourself, Ms. Clementine."seryosong wika nito saka ako tinalikuran at naglakad palapit sa pintuan

"Lalambot ka din sa'kin, Prof maliban dyan sa nasa pagitan ng hita mo dahil titigas at tatayo yan! "may kalakasang ang boses na wika ko rito bago pa siya tuluyang maka alis

Naka ngising napailing-iling na lang ako dahil sa mga pinag gagawa at pinag sasabi ko.. I'm look like a desperate woman kaya hindi na ako mag tataka kung bakit ganun ang sinabi niya..

Payak na napa ngiti ako habang inaalala ang mga kalokohang pinag-gagawa ko lang mapansin niya lang ako dati

Bumangon na ako at nag-punta sa bathroom,Pag-katapos kong mag-hilamos ay mapa titig ako sa reflection ko sa salamin

Namamaga ang mga mata halata pa din na umiyak ako, pati ilong ko ay namumula pa, Hindi ko maiwasang mapa-isip at mapa-tanong sa sarili

Pag ba nandito siya may mag babago kaya?

Pano kung mas nag-makaawa akong hindi niya ako iwan, ay hindi na ba siya aalis?

Pano kung nag-bunga ang pag-mamahal namin hindi na ba siya aalis?Mananatili kaya siya sa tabi ko?

Malungkot akong napa-ngiti dahil alam kong aalis pa din siya kahit na anong mangyari para sa kaligtasan... 

Pero gusto kong nasa tabi ko siya..

Iniisip kaya niya ako ngayon kagaya ko?

Ito ang unang beses akong mag-mamahal sa hindi pa normal na tao, pero kahit ganun wala akong pinag-sisihang siya ang minahal at mamahalin ko

He's a Vampire... I fell in love with a vampire who couldn't stay by my side... who choose to leave for my protection instead of staying

Ilang araw lingo buwan o taon ako mag hihintay para makasama ko ulit siya?

What if ginawa niya na lang din naman akong bampira para pwede niya akong isama sa mundo nila...

Ang dami kong gustong gawin ng kasama siya pero mukhang hindi pa sang-ayon ang tadhana samin kaya sinusubok nito ang relasyon naming dalawa...

Nang mag-sawa akong titigan ang sarili sa salamin ay isa isa ko ng inalis ang saplot sa katawan at naligo, nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na ko

kumain na muna ako saka nanood na lang ako ng news sa tv dito sa salas habang naka higa sa mahabang sofa bed...

My Professor is a Vampire(🌜)Where stories live. Discover now