Chapter 34

364 3 0
                                    

Chapter 34

"So.... How are you and Marcus?"napa-kunot ang noo ko saka napa-iling na lang dahil sa paraan ng pag-tatanong ni, Chandni

"Were good." tipid na sagot ko rito saka humigop sa kape ko, nandito kami ngayon sa isang coffee shop dahil bigla na lang nag-aya ang mga ito na mag-coffe date daw kami

"Sabagay, nakita kita nung isang araw kasama siya sa Isang restaurant."sambit naman ni, Bery

" Ba't hindi mo kami nilapitan? "takang tanong ko rito

"Mukha kasing nasa date kayo eh, nakakahiya naman kung bigla akong sumulpot."naka-ngusong turan nito, napa-iling na lang ako

" It's not a date, it was just a simple dinner. "turan ko rito "Ilang ulit ko ng sinabi sainyo at sasabihin ko ulit. Me and Marcus are just friends. What we have is pure friendship nothing more, nothing less."dagdag ko

" Wala talaga? I mean madalas kayong lumabas mag-kasama."takang sambit ni, Sinead

"Ilang beses na din namin sasabihin sayo. Hindi lang kaibigan ang tingin sayo ng,Marcus na yun. The way his eyes sparkle everytime he's looking at you."sabat ni, Mara

" Huwag niyo ng ipilit, we all know that, Gene here is waiting for someone."turan ni, Saoirse

" Kahit naman totoo ang sinasabi niyong higit pa ang tingin ni, Marcus sa'kin ay wala ng mag-babago. Talagang hanggang kaibigan lang talaga kami. "turan ko

" Hinihintay mo parin si, Prof Niko?"Hindi makapaniwalang turan ni, Mara " I mean ilang taon na din simula nung umalis siya at hanggang ngayon hinihintay mo pa din siya?"ngumiti ako rito

" I will not get tired of waiting and loving him."tanging tugun ko rito

"Lahat kami may asawa at mga anak na habang Ikaw nag-hihintay pa din. "iiling-iling na wika ni, Chandni

"Excuse me! wala pa akong asawa! "Sinead hissed that make us laugh

"Kasalanan mo, nireject mo yung tao nag-propose na nga sayo eh."pag-susungit ni, Mara rito

" Eh, Hindi namin feel ni baby mag-Yes ng araw na yun eh."naka-ngusong katwiran nito, oo nga pala she's already pregnant but her boyfriend don't know about it

"Speaking of baby, alam na ba niyang buntis ka?" tanong ko rito, pare-parehong napa-iling na lang kami ng umiling ito

"Bitch ka talaga! Karapatan niyang malamang buntis ka!" singhal ni, Saoirse rito at halatang pinipigilan ang sariling sabunutan si, Sinead

"But I feel like I don't want him to know." naka-simangot na dahilan ni, Sinead rito

"Ewan ko sayo, pag ikaw iniwan nun dahil hindi mo agad sinabi sakanya huwag ka sa'min lumapit at mag-iiyak!"singhal nito na mahinang ikinatawa ko, mukhang mas siya pa ang problemado sa love life ni, Sinead

"Kakaiba pregnancy hormones mo ah." natatawang wika ko rito

"Tawa mo dyan sigurado ako, kung hindi lang umalis si, Prof Niko may mga anak na kayo at buntis ka ngayon." naka-simangot na turan nito

" Grabe ah."napa-iling na lang ako rito

"Kumusta na kaya si, Miri? May Asawa at anak din kaya siya?" biglang tanong ni, Sinead

" Who knows? Simula nung umalis siya kahit anong gawin ko wala na akong mahagilap tungkol sakanya."sambit ni, Mara

"Speaking of, Miri I saw her last week."lahat kami ay napa-tingin kay, Bery dahil sa sinabi nito

" You saw her? Where? "Sinead

"How is she? Did you talk to her?" Mara

" I saw her at the mall, but I didn't had the chance to talk to her kasi mukhang nag-mamadali siyang umalis. She just smiled at me."turan nito

" Is she look okay? "mahinang tanong ko rito

"Mukha naman ayos lang siya."sagot nito sa'kin, napa-tango naman ako

"Bakit ba ayaw niyang mag-pakita sa'tin?" malungkot na tanong ni, Sinead

"Sigurado naman akong may dahilan kung bakit siya biglang umalis eh." turan ni, Mara rito saka mahinang tinapik tapik sa balikat si, Sinead

"Yan din ang naiisip ko noon, pero anong dahilan niya? It's been long year since she left without a word." himutok nito. " I want really to see her."dagdag nito

"Same, ayos lang kahit hindi na siya mag-paliwanag basta mag-pakita at bumalik na siya."turan ni, Saoirse

" Whatever her reason, I hope she's okay."Chandni

" I miss her."halos mag-kasabay kaming Lima ng sabihin namin yun dahilan para mag-katinginan kami saka pare-parehong napa-ngiti ng tipid

Miri is the only assured that Prof Lazarus will be okay,the he will go back to me, Nag-aalala ako para sakanilang dalawa pero alam kong hindi naman nila pababayaan ang isa't isa

"Mireille..."bakas ang gulat at tila natululus sa kinakaupuan si, Mara ng banggitin nito ang pangalan ni, Miri habang naka-tingin sa entrance ng coffee shop dahil nakaharap ang upuan nito duon

"Miri!"takang sinundan ko ang tinitignan nila dahil sa reaction nilang tila nakakita sila ng multo

Ganun na lang ang gulat ko ng makita si, Miri na nag-lalakad palapit sa pwesto nito, Walang nag-bago sakanya ganun pa din mas lalo siyang gumanda parang hindi manlang nadagdagan ang edad nito

For almost 9 years... she's here. shes back...

"Hi, bitches!" naka-ngiting bati nito na parang tulad ng dati na para bang hindi ilang taon ang lumipas na hindi kami nag-kita kita

"It's that really you?" bakas pa rin ang gulat sa tanong ni, Sinead rito

"Bakit may iba pa bang mas maganda sainyo bukod sa'kin?" naka-ngising sagot nito, bago napalitan ng seryoso ang mukha nito

"I'm sorry for leaving...." mahinang wika nito "Alam kong mali ang naging desisyon ko dahil basta na lang akong umalis ng hindi nag-paalam, dahil alam kong hindi niyo ako basta basta hahayaang maka-alis ng hindi sinasabi ang dahilan."dagdag nito

"Hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan pero ginawa ko yun para hindi kayo madamay sa gulo ng totoong pamilya ko. "

" Bitch! "malakas na sigaw ni, Sinead rito saka mahinang sinabunutan si, Miri bago ito niyakap, nawala na sa isip naming nasa coffee shop kami at pinag-titinginan na kami ng ibang costumer

"We miss you bitch!" sumunod na yumakap sila, Chandni at ganun din si, Bery habang ako ay na natiling naka-upo habang naka-tingin sakanila —sakanya

Bumalik na siya, ibig bang sabihin bumalik na din si, Prof Lazarus? Pero nasaan siya? Bakit Hindi ko siya nakitang kasama niya?

"Gene." agad akong nag-angat ng tingin rito ng tawagin nito ang pangalan ko, "He's not still here." sambit nito na ikinawala ng pag-asa kong makita na ulit siya

"But you're already here." mahinang wika ko habang pinipilit na huwag maluha, I'm disappointed dahil akala ko makikita ko na siya, akala ko makakasama ko na siya

"Hindi kami sabay na bumalik, pero malapit mo na ulit siyang makita." naka-titig ako rito dahil sa sinabi niya

"Inaayos lang niya lahat ng kailangan niyang ayusin bago siya tuluyang bumalik sayo," naka-ngiting wika nito "He's always there, Gene whenever you need him."

" Mag-kasama kayo ni, Prof Niko?"Hindi siguradong tanong ni, Chandni " Kasi si, Prof Niko lang naman ang alam kong hinihintay niyang bumalik."dagdag nito

" He's my brother."turan ni, Miri rito "That's why."

" Seryoso?! "hindi makapaniwalang bulalas nila, tumango si, Miri rito

" Ah, kaya pala parehas kayo ng skin, bukod sa sobrang puti niyo ang kinis pa ng balat niyo."turan ni, Bery "May lahi ba pamilya niyo? "tanong nito, ngumiti lang si, Miri rito at hindi niya ito sinagot

"Konting hintay na lang, Gene." ngumiti ako kat, Miri dahil sa sinabi nito saka mahigpit na hinawakan ang kamay nito

Konting hintay na lang, Prof Lazarus... makikita na ulit kita... konting konti na lang makakasama na tayong dalawa at malaya na nating mamahalin ang isa't isa..

My Professor is a Vampire(🌜)Where stories live. Discover now